ALES
HINDI KO MAPANINDIGAN ang paglayo kay Theo.
It's been weeks of no constant communication and I already miss him. Ang hirap mag-tiis.
Pinipilit ko na hindi mag-reply at makipagkita sa kanya kahit na gustong-gusto ko at minsan, nakaka-guilty na. 'Yung feeling na hindi ko pa naman talaga napatutunayan na totoo ang mga sinabi ni Gia tungkol sa kanya, pero masyado ko na siyang pinarurusahan.
Sinusubukan niya akong tawagan gabi-gabi kahit na sinasabi ko ng busy ako. And he still acts the same. Clueless pa rin siya sa naging paghaharap namin ng ex niya.
Maalaga pa rin siya, palaging nag-aalala sa 'kin, at ina-update ako sa mga ginagawa niya. Sobrang litong-lito na ako. Nakakainis kasi gusto ko siyang iwasan, pero mas lalo pa akong nahuhulog.
Ginamit ko na nga lang ang pagsusulat ko para ma-divert ang attention ko at hindi ko siya masyadong maisip.
I was able to finish my manuscript just in time. Pinapasadahan ko na lang para maipasa ko na sa editor. Ang bittersweet nga sa pakiramdam. Ang tagal kong sinulat at pinaghirapang tapusin ang libro ko, pero ngayong natapos ko na, parang hindi naman ako masaya.
Tapos bukas, birthday ko pa kaya parang ang lungkot lalo kasi alam kong mag-isa na naman akong magce-celebrate. I don't want to be with Jazz or even call Theo. Malungkot, pero mas gugustuhin ko pa ring mapag-isa na lang.
I closed my laptop to rest for a while. I haven't eaten lunch yet. Inabot na ako ng ala-sais ng gabi kaka-proofread ng manuscript.
Nagulat na lang naman ako nang biglang nag-ring ang phone ko na nasa tabi lang ng laptop.
Napakunot agad ako ng noo kasi number ni Charlie ang nasa screen. Hindi niya ako usually tinatawagan kaya kinabahan ako.
I answered her call right away. "Charlie?"
"Ales! Nako-contact mo ba si Theo?" Parang aligaga ang boses niya kaya lalo akong kinabahan.
"N-no, I haven't talked to him yet. Why, what's wrong?"
"Shit. Nag-text kasi siya sa 'min kanina. Sabi niya sobrang sakit daw ng ulo niya at hirap na siyang gumalaw. Hindi na namin siya ma-contact ulit."
"What?" Napatuwid ako ng upo. Bigla na akong pinagpawisan nang malamig. "Anong oras niyo siya huling nakausap?"
"Two hours ago. Hindi na siya nagrereply sa 'min, alalang-alala na kami. Ales, mas malapit ka yata sa kanya, baka pwede mo siyang puntahan? Malayo kasi kami, eh. Tsaka palabas pa lang ako ng office ngayon."
Hindi ko na siya hinintay na matapos sa mga sinasabi niya. Nagmadali na agad akong magbihis. "I'll be there, give me a few minutes." 'Yun lang ang sinabi ko, tapos binaba ko na agad ang tawag.
Shit, what is happening to me!
Hindi ko kayang tiisin si Theo. Isasantabi ko muna ang mga sinabi ni Gia kasi mas importante sa 'kin ang kalagayan niya ngayon.
Ano ba naman kasing ginagawa niya sa sarili niya? Tsaka bakit hindi siya sa akin tumawag para napuntahan ko siya agad? I am so worried!
Pagkatapos kong magbihis, lumabas na agad ako ng apartment at nag-book ng sasakyan papunta kay Theo.
I was fidgeting the whole ride. Sinusubukan ko rin siya tawagan at i-text, pero hindi rin siya nagrereply sa 'kin. I know him. Mabilis siyang mag-reply kaya mas lalo tuloy akong kinakabahan na baka nga may nangyari nang masama sa kanya.
I arrived at his house in less than an hour.
Bumaba agad ako ng sasakyan at nag-doorbell. "Theo?"
Walang sumasagot. Patay rin lahat ng mga ilaw sa bahay.
BINABASA MO ANG
The Savage Boys Series #3: Theo Alvarez
Fiksi Umum[NSFW] Theo Alvarez, a fearless adventurer with rugged good looks, indulges in a one-night stand with an erotic writer named Ales Lim. As fate reunites them, Theo takes her on an exhilarating journey of pleasure and lust that fuels the pages of Ales...