THEO
NAGPALIPAS PA KAMI ni Ales sa Sagada ng ilang araw.
Ayaw pa nga sana naming umuwi. Kung hindi lang kami naubusan ng damit at kung wala siyang pupuntahang book signing, hindi pa talaga kami babalik ng Manila. Masyado ng naging espesyal ang Sagada sa 'min na parang gusto namin, doon na lang kami.
Hindi ko pa rin nga maipaliwanag ang saya ko ngayon. Ang hirap paniwalaan na kasama ko na siya ulit at totoong kami na. Akala ko habang buhay na akong magsisisi na nawala siya sa 'kin. Ngayon, kumpleto na ulit ako.
"Where are we?" biglang nagising si Ales na nakaidlip sa balikat ko.
Nasa bus kasi kami pauwi.
Inalalayan ko ang ulo niya para pabalikin sa pagsandal. "Tulog ka pa, sobrang layo pa natin sa katotohanan."
Hindi naman siya sumunod. Nag-inat na siya at tumingin sa bintana ng bus.
"Nahihilo ka pa rin ba?" tanong ko.
Tumango siya. "I don't know why I suddenly felt sick. Last time naman, hindi ako ganito. I think dahil kasama kita sa byahe. Nawala ang pagiging strong independent woman ko, at gusto ko lang magpa-alaga."
"Ah, gusto mong magpa-baby sa 'kin?"
Nagpigil siya ng ngiti. Ang ganda niya. Lalo siyang gumanda nung wala na siyang salamin kasi kitang-kita ko na ang mga mata niya.
"Kain tayo kapag nag-stop over," sabi ko na lang, "para mawala 'yang hilo mo. Kulang ka lang sa kape."
"Oo nga." Sinandal na ulit niya ang ulo niya sa balikat ko. "I remember, I haven't called Jazz yet. Masyado kasi akong nag-enjoy sa bakasyon natin. Hindi ko pa nai-kwento sa kanya na magkasama tayo."
"Makipagkita ka na lang sa kanya bago ka mag-book signing."
"For sure magkikita kami. She'll do my hair and makeup for the event." Tumingala siya sa 'kin. "You'll be there too, right?"
"Sa book signing mo? Oo naman, palagi naman akong nando'n. Hindi mo lang ako nakikita."
Ngumiti siya. "Ang tagal ko 'tong hinintay na mangyari."
"Ako rin. Excited na nga ako. Makaka-pwesto na ako sa harapan. Hindi na ako mukhang stalker na nagmamasid-masid sa likod, tsaka mapi-picture-an na rin kita nang maayos."
Natawa siya sabay yumakap sa braso ko. "I can't wait to go back to Manila. Makakasama na ulit kita araw-araw. You can stay at my new apartment for as long as you want."
"Sige, babawi tayo. Saan ka ba lumipat? 'Yun talaga ang hindi ko nalaman-laman. Kulang ang pagiging stalker ko."
Natawa ulit siya. "I moved near my publishing house. Para mas madali akong makapunta. Makikita mo na 'yon mamaya pagkahatid mo sa 'kin."
"Sige. Matulog ka na muna ulit. Baka mahilo ka na naman." Tinakpan ko ang mga mata niya para pumikit na siya ulit, tapos sinandal ko rin ang ulo ko sa ibabaw ng ulo niya.
Ang sarap sa pakiramdam. Kung siya palagi ang kasama ko, siguradong palaging masaya ang byahe.
GABI NA NANG makauwi kami ng Manila. Pagod na pagod na si Ales. Nag-taxi na kami papunta sa apartment.
Ibang-iba na ang dating ng tinitirhan niya ngayon. Ang ganda na.
"Buti maayos na 'tong nalipatan mo," sabi ko habang nakasakay na kami sa elevator. "Mukhang malaki na talaga kinikita mo sa pagsusulat mo, ah. Ang yaman mo na."
Natawa siya. "It's nice, right? Na-love at first sight ako rito kaya kumuha na agad ako ng unit kahit medyo mahal."
"Oo, maganda 'tong napili mo. Hindi katulad nung dati mong apartment na isang lindol na lang, bibigay na."
BINABASA MO ANG
The Savage Boys Series #3: Theo Alvarez
General Fiction[NSFW] Theo Alvarez, a fearless adventurer with rugged good looks, indulges in a one-night stand with an erotic writer named Ales Lim. As fate reunites them, Theo takes her on an exhilarating journey of pleasure and lust that fuels the pages of Ales...