CHAPTER: 02

2.4K 57 7
                                    


"Hindi mo ba nararamdaman? Ilang buwan ko na pinipigilan na sabihin sa'yo ang tungkol dito pero hindi ko na kinaya nang makita kita ngayon. Elara, ako ang fated mate mo." Maririin na sagot sa kaniya ni Damian ngunit mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ni Elara kay Elijah.

Napahawak si Elara sa kaniyang dibdib, ramdam niya ang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso at ang pagbagal ng kaniyang paghininga. Kahit hindi pa nagigising ang wolf ni Elara ay nararamdmaan niya na ang fated bond na namamagitan sa kanila ni Damian.

Hindi niya makakaila na totoo ang sinasabi ni Damian.

Pano nangyari ang bagay na ito? Bakit ngayon niya lamang naramdaman ang bond nilang dalawa ni Damian? Dahil ba ngayon lang ulit sila nagkita?

"Nung nakaraan pa ako bumalik sa pack house, pabalik-balik ako rito dahil sa nung makita kita ay agad kong naramdaman ang bond nating dalawa, agad na nag react ang wolf ko sa scent mo pero naamoy ko rin ang nangingibabaw na amoy ni Elijah sa'yo," paliwanag ni Damian habang nakayuko at hindi makatingin nang diretsyo kay Elara.

Sinong mag aakala na ang kilalang nakakatakot na Alpha ay nakayuko ngayon sa isang babae na mukhang walang kalaban laban.

"Hindi kita agad kinausap o nilapitan dahil alam kong mahal niyo ang isa't isa. Akala ko ay magiging masaya ka rin kay kuya Elijah pero ngayon na alam ko na ang totoong binabalak niya ay napagpasyahan ko ng kunin ka sa kaniya." Kumunot ang noo ni Elara sa mga sinabi ni Damian.

Nagbigay ng mga katanungan kay Elara ang mga salitang binitawan nito sa kaniyang harapan. Iniisip kung ano ang tinutukoy nito tungkol sa kaniyang boyfriend.

Humakbang paurong si Elara, kilala niya si Damian at alam niyang walang mabuting sasabihin sa kaniya ang lalaki dahil madalas siyang awayin at i-bully nito noon. Pilyo at puro sakit ng ulo rin ang dinala ni Damian sa pack nila kaya naman alam niyang hindi ito mapagkakatiwalaan.

"Hindi ko alam kung anong tinutukoy mo at wala na rin akong balak na maniwala sa mga sasabihin mo. Oo, ramdam kong fated mate kita pero hindi magbabago ang nararamdaman ko para kay Elijah," sagot ni Elara at akmang maglalakad na palayo pero agad siyang hinawakan ni Damian sa kaniyang wrist.

"Sandali," mahinang sagot ni Damian pero agad na hinila ni Elara ang kaniyang kamay.

"Buntis ako, Damian. At ang kuya Elijah mo ang ama ng pinagbubuntis ko. Kaya tanggapin mo na ang rejection ko para bigyan ka ulit ng Moon Goddess ng bagong fated mate mo," sagot ni Elara sa kaniya at wala ng nagawa si Damian para pigilan pa siyang maglakad papalayo.

Ramdam ni Elara ang pag iyak ng wolf niya, hindi niya man ito nakakausap ngunit nararamdaman niya na nasasaktan ito sa ginawa niyang rejection sa fated mate niya.

Hindi niya rin mapigilan mainis kay Damian dahil sa ginawa nitong paninira kay Elijah, hindi niya alam kung ano ang tinutukoy ni Damian kanina pero alam niya at malakas ang kutob niya na isa 'tong bagay para sirain ang imahe ni Elijah na alpha ngayon ng Forestheart.

Napailing na lamang si Elara at naglakad papunta sa opisina ni Elijah. Nakita niyang nakaawang ang pinto nito at mukhang masaya ito habang may kausap sa kabilang linya ng telephono.

Ni hindi nga naramdaman ni Elijah ang pag dating niya, nakatayo na siya sa harap ng pinto pero patuloy pa rin ang pagngiti ni Elijah habang hawak ang telephone.

"Hahaha, don't worry babe. Ibibigay ko 'yung allowance mo, you can buy all the things that you want."

Kumunot ang noo ni Elara nang marinig ang salitang babe sa labi ni Elijah, agad siyang umubo at doon lang naramdaman ni Elijah ang presensya ni Elara sa loob ng kaniyang opisina.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon