CHAPTER: 107

618 26 5
                                    

"No, please! Wag mong patayin ang asawa ko! Wag!" Umalingawngaw ang sigaw ni Esmeralda sa buong pack house, nagmamakaawa na huwag patayin ang kaniyang mate. Hindi makagalaw o makapalag si Esmeralda dahil hawak siya ng tatlong rogues na pumipigil sa kaniyang lakas, samantalang si Elijah naman ay hindi makapaniwala sa mga nangyayari sa kaniyang harapan.

Ni hindi pumasok sa kaniyang isipan na mangyyari ito sa kanila, hindi niya inakala na makikita niyang nakahandusay sa lupa ang kaniyang ama at natalo sa isang laban, hindi niya inaasahan na ganito ang magiging katapusan ng isa sa mga pinaka malakas na pack sa buong Summergrave.

"Dad..." tawag ni Elijah, gusto niyang tumayo at iligtas ang kaniyang ama pero hindi niya maramdamna ang kaniyang mga binti at paa. Wala na siyang lakas bilang Alpha, isa na siyang inutil at walang kwentang lycan sa pamilyang Reed.

"Algern, huwag mo na idamay ang pamilya ko rito, hayaan mo na silang makatakas! Kunin mo na langa ng pack house pero hayaan mo ng makaalis ang mga members nito," pagmamahaawa ni Diego at hinawakan ang binti ni Algern upang pigilan ito sa kaniyang binabalak.

"Ha? Sino ka para magdesisyon sa kung ano ang gagawin ko? Alam mo naman siguro kung ano ang ginawa ng anak mo sa unica hija ko?" Sarkastikong sagot ni Algern at sinipa ang kamay ni Diego.

"Gaganti ako sa lahat ng bagay na ginawa niyo sa anak ko," sagot ni Algern.

"Pero naging Luna ng pack na 'to si Fiona! Walang gumawa sa kaniya ng ikakapahamak niya pero siya! Iyang anak mo ang dahilan kung bakit hindi na pwedeng tumakbo muli ang anak kong si Elijah! Anong karapatan mong sabihin na kami pa ang may kasalanan sa anak mo samantalang siya ang tumalikod sa pack niya!?" Hindi na napigilan pa ni Diego na sumagot, wala na siya sa wisyo para magmakaawa pa o isipin ang kapakanan niya. Ang nais niya na lang ay iparating kay Algern na hindi si Elijah ang dapat sisihin sa lahat ng ito, kundi si Fiona.

"Ah, ganun? So, sinasabi mo na ang anak ko pa ang gumawa ng mali sa inyo? Hindi mo ba alam kung anong nangyari sa kaniya? Nakunan siya, tapos ang nagtangak pang pumatay sa kaniya ay si Francis!" Hiyaw ni Algern at hindi na napigilan pa ang kaniyang emosyon kaya malakas niyang tinadyakan si Diego sa likuran nito.

"Namatay ang apo ko dahil sa hayop mong anak! "yang panganay mo ang pinaka demonyo sa lahat! Pero huwag ka mag-alala dahil ako na mismo ang pumutol sa sungay ng anak mong si Francis, pinatay ko na siya at sinugurado ko na kakainin ng mga hayop sa gubat ang bangkay niya! Isusunod ko 'yang anak mong si Elijah at pati na rin 'yang si Esmeralda! Uubusin ko ang lahi niyong mga Reed hanggang sa wala ng matira at maputol na 'yang pinagmamalaki mong blood line!" Hiyaw ni Algern habang patuloy pa ring sinisipa si Diego na ngayon ay hindi na makahinga at hindi na makalaban pa.

"Ah! Tama na 'yan! Diego!" Hindi na kayang tignan ni Esmeralda ang mga nakikita niya, sobrang sakit na para sa kaniya ang mga ginagawa ni Algern sa kaniyang fated mate at ramdam na ramdam niya ito, miske ang kanyang wolf ay umiiyak na sa mga nangyayari.

"Dad, tama na 'yan. Kailangan pa natin sila para sa plano na'tin hindi ba?" Tanong ni Fiona dahil may mga kailangan pa silang impormasyon para tuluyan nilang makuha ang kapangyarihan ng Forestheart pack at ng Nightraven.

Napatigil naman si Algern at lumapit kay Elijah na ngayon ay nakatulala na lamang at wala ng magawa, trauma at takot ang nakaguhit sa kaniyang mukha banag nakatingin sa kaniyang ama na ngayon ay wala ng malay at duguan.

"Ikaw, ituro mo sa amin lahat ng mga papeles at password ng bawat bank account na hawak ng Forestheart, kung hindi mo gagawin 'yun ay sisiguraduhin ko sa'yong hindi na makakatagal pa ng isang araw ang buhay ng ama mo," sagot ni Algern kay Elijah at sinenyasan ang mga rogues na kunin at ligpitin na ang mga kagamitan na kailangan nila.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon