CHAPTER: 115

715 39 3
                                    

This chapter is dedicated to: Melmashcka


'Damian!' Hiyaw ni Xavier, kitang kita nilang dalawa ang pagtulo ng malapot na dugo sa kaniyang tiyan, malalim siyang nasugatan ni Elara kaya agad silang lumayo kay Elara. Pansin nilang dalawa na may kakaiba sa mga kinikilos ni Elara, may mali at mukhang mas nawawalan ito ng kontrol sa kaniyang sarili na tila ba kalaban niya ang kaniyang sarili.

'Anong nangyayari Xavier?' Tanong ni Damian sa kanilang mind link at tumingin lamang si Xavier kay Elara at inaalam kung ano ba ang tunay na nangyayari kay Elara.

'Hindi ko rin alam, tingin ko ay talagang kinain na ng galit si Elara, walang iba ang nasa isip niya kundi ang pagnanais niyang makapaghiganti at patayin ang sino mang nagdudulot sa kaniya ng paghihirap at kalungkutan noon.'

'Hindi kaya kontektado 'to sa previous life niya?' Tanong ni Damian at iyon din ang tingin ni Xavier. Hindi sila gumagalaw sa kanilang kinatatayian, nais na magpalit ni Damian ng kaniyang kaanyuan para magamot ang kaniyang sarili ngunit hindi naman siya makakalaban lalo kay Elara kapag ginawa niya iyon.

Pero pansin nila na hindi pa sila sinusugod ni Elara hindi katulad kanina na talagang sino man ang makita nito ay hahabulin at papatayin niya, pero ngayon ay nagwawala lamang ito, naglalabas ng malakas na alulon at paghingi ng tulong.

'Kailangan na antin kumilos Xavier, hindi ko na kayang tignan si Elara sa ganitong sitwayson," sagot ni Damian at wala na nagawa pa si Xavier kundi ang sumang-ayon kay Damian. Muli silang sumugod ng atake kay Elara habang nagwawala ito at walang pakialam sa kaniyang paligid, kagat-kagat ni Damian ang isa pang silver chain sa kaniyang bibig at pinupulot ito sa dalawang braso ni Elara dahilan para mawalan ng balanse si Elara at tumumba.

'Elara!' Tawag ni Damian sa pamamagitan ng mind link pero hindi pa rin niya naririnig ang boses ni Elara. 'Elara labanan mo siya, kaya mong makontrol ang wolf mo,' dagdag ni Damian, nagpalit na siya ng anyo pabalik sa kaniyang human form at hinawakan ang mukha ng wolf ni Elara. Tinitigan niya ang mga mata nito, hinahanap niya ang kaniyang Luna kahit na ilang beses na siya nakakalmot ng mga kuko ni Elara.

"Elara, gumising ka! Kailangan mong labanan ang wolf mo, kailangan mo siyang kontrolin," sagot ni Damian, nagpupumiglas ang wolf ni Elara habang hawak niya ang mukha nito at nais siyang kagatin. Kung hindi lamang naiiwas ni Damian ang kaniyang ulo ay malamang na patay na siya ngayon.

"Elara! Pakinggan mo ko, kailangan kita dito sa tabi ko kaya please bumalik ka na! Hindi ko kakayanin na mawala ka sa akin, hindi ko kakayanin kung ako mismo ang papatay sa'yo, ayokong saktan ka mahal ko, ayokong ako ang maging dahilan ng pagkawala mo. Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa gawin ang bagay na iyon." Hindi na mapigilan ni Damian ang kaniyang emosyon, sa totoo lang ay natatakot siya sa sitwasyon nila ngayon dahil hindi niya alam kung makakausap niya pa ba ulit ang kaniyang Luna.

Pano kung hindi na makilala ni Elara si Damian? Pano kung tuluyan ng magkaroon ng kontrol ang wolf ni Elara sa kaniyang katawan at pareho silang mamatay? Hindi niya kakayanin iyon, hindi niya kakayanin na mabuhay sa mundo ng wala nag kaniyang fated mate.

"Please Elara, mahal ko. Gumising ka na," bulong ni Damian, nahihirapan na siyang pigilan ang lakas ni Elara dahil mauubusan na siya ng dugo sa dami ng mga sugat na kaniyang natamo pero hindi pa rin siya nagpapatalo sa wolf ni Elara, niyayakap niya pa rin ito at pinipigilan ang pagwawala nito.

"Bubuo pa tayo ng pamilya hindi ba? Tutulungan mo pa ako magpatakbo ng dalawnag pack at mag tatravel pa tayo sa iba't ibang parte ng mundo ng magkasama dahil sabi mo hindi ka pa nakakapunta sa ibang lugar at gusto mong ma-explore ang buong mundo." Tumulo na ang luha ni Damian, nahihirapan na siya sa lungkot na kaniyang nararamdaman pero hindi siya nawawalan ng pag-asa na maririnig siya ni Elara.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon