CHAPTER: 109

754 38 5
                                    

Nang mabasa ni Damian ang nakasulat sa simento at kung pano babuyin ni Fiona ang katawan ni Lilian ay nakaramdam siya ng matinding pagbigat ng kaniyang dibdib, napaluhod siya at hawak-hawak ang kaniyang puso dahil pakiradmam niya ay kakapusin siya ng hininga.

"Damian!" Agad siyang nilalayan ni Elara, pagkahawak pa lamang ni Elara sa braso ng kaniyang Alpha ay naramdaman niya na kung gano ito kalamig, naninigas din ang kaniyang mga daliri at nanatiling nakatikom ang mga kamay habang naghihikahos sa kaniyang paghinga.

"Calix! Calix, dalian mo!" Hindi alam ni Elara ang kaniyang gagawin, ngayon niya lang nakita sa ganitong sitwasyon si Damian. Hindi makapagsalita si Damian sa sobrang sakit ng kaniyang nararamdaman, lumuluha ang kaniyang mga mata at nakikiramay sa lahat ng mga namatay na parte ng pamilya niya.

"Elara... hindi ako makahinga," naghihikahos niyang paghingi ng tulong sa kaniyang Luna, napakapit siya sa damit ni Elara at napaluhod na ng tuluyan.

"Nagpapanic attack ka," hinala ni Elara at agad niyang inalalayan si Damian ngnit bigla na lamang bumagsak si Damian at nawalan ng malay. Mabilis na dumating si Calix at nagulat din sa kaniyang nakita, hindi niya lubos maisip na ito ang kapalaran na tatamuhin ni Lilian at ng Nightraven sa kamay ng mga kalaban.

Pero binaliwala niya na muna iyon dahil kung mag fo-focus siya sa mga nangyayari ay hindi niya magagawang suportahan ang kaniyang Alpha, at bilang beta ay kailangan niyang siguraduhin na siya ang magiging sandalan ni Damian sa mga pagsubok na ito, kailangan siya ng kaniyang Alpha at ng kaniyang Luna.

"Dalhin natin siya sa pack house! Jake! Kailangan ko ng tulong dito!" Hiya ni Calix at binuhat nila si Damian papasok sa pack house at doon tinignan ang kalagayan nito. Habang buhat-buhat nila si Damian ay napatingin naman si Elara sa nakasulat sa simento, sulat pa lamang ay alam niya ng si Fiona ang may kagagawan nito.

Lalong nakaramdaman ng matinding galit si Elara, pero pinipilit niya pa rin maging matatag at isipin na kung magppadala siya sa kaniyang emosyon ay lalong mananalo si Fiona sa jjlaban na ito. Malakas ang kutob niya na buhay si Fiona at hindi siya nagkakamali rito, alam niyang hindi basta-basta mamatay si Fiona dahil alam niyang siya ang kailangan pumatay sa stepsister niya.

Sinampal ni Elara ang kaniyang mga pisngi para makapag-focus sa pagcontrol sa kaniyang emosyon. Pero hindi niya mapigilan na umiyak para kay Lilian, hinubad niya ang jacket na suot niya at itinakip sa katawan ni Lilian saka niya marahan na ipinikit ang mga mata nitong wala ng buhay.

"Igaganti kita Lilian, pangako kong igaganti ko kayong lahat," bulong ni Elara at agad nang sumunod sa loob ng pack house para tignan ang kalagayan ni Damian. Pumasok siya sa loob ng kwarto ni Damian at nakita ang isang pack doctor galing sa Silvereye pack na ngayon ay tumutulong sa kanila.

"Doc, ano pong nangyari kay Damian?" Tanong ni Elara, hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala nag kaba sa dibdib niya.

"Ayos lang siya, nagkaroon lang siya ng panic attack," sagot ng Doctor at tinignan ang hawak niyang mga records.

"May history na ba siya ng panic attack o ano mang anxiety at depression?" Tanong ng doctor at tumingin si Elara kay Calix dahil mas matagal niyang nakasama si Damian kaysa kay Elara.

"Mayroon na po, at lately wala siyang pahinga sa dami ng trabaho at isipin niya," sagot ni Calix at tumango naman ang doctor habang may sinusulat sa record niya.

"Okay, binigyan ko siya ng pampakalma at mayamaya lang din ay magigising na siya. Dahan-dahan ang mga impormasyon na ibibigay niyo sa kaniya lalo na ngayon na maraming pack members niyo ang nawala ang buhay, siguro ay nakadagdag din sa panic attack niya nung naramdaman niya na unti-unti nawawala ang bond niya sa kaniyang pack members, ramdam niya ang isa-iasng pagkamatay ng mga ito na nagbigay sa kaniya ng mabigat na responsibilidad at lungkot," dagdag ng doctor at sabay na napatingin si Elara at Calix kay Damian.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon