CHAPTER: 106

713 34 2
                                    

Nanginginig ang mga kamay ni Fiona, humakbang siya papalapit sa duguang katawan ni Calisto pero agad siyang pinigilan ni Algern. "Anong gagawin mo Fiona?! Nagpasya ka ng sirain ang Forestheart kaya ano pang pinagdadalawang isip mo? Kasama si Calisto sa pababagsakin natin!" Galit na sagot ni Algern, hindi niya maiwasan na lumabas ang kaniyang emosyon dahil sa pinapakitang pag-aalala ni Fiona.

"Ugrrh." sumuka ng dugo si Calisto kaya hindi na napigilan ni Fiona na lumapit sa kaniya at agad siyang alalayan.

"Dad! Anong gagawin ko? Huwag kang mamatay please, dad!" Hiyaw ni Fiona, nakatingin lamang si Algern sa kaniyang anak habang tinatawag nitong Dad ang stepdad niya, samantalang hindi siya nito matawag na Dad.

"Algern! Gumawa ka ng paraan! Hindi pwedeng mamatay si Dad, please!" Hiyaw ni Fiona at wala ng nagawa si Algern kundi magbuntong hininga at tumawag ng mga kasamahan nila na tutulong kay Calisto.

"Gamutin niyo siya at ikulong, kakailangan pa natin siya sa mission na 'to," utos ni Algern at agad naman siyang sinunod ng mga kasamahan niya. Hindi na nagtanong ang mga rogue pero pansin nila na iniingatan ni Fiona si Calisto.

"Tumayo ka dyan Fiona kung ayaw mong maghinala sa'yo ang mga kakampi natin, kapag nalaman nilang naawa ka at hindi mo magawa ang papel mo sa mission na ito ay tatalikuran nila tayo, naiintindihan mo ba?" Bulong ni Algern dahil ayaw niyang masira ang mga bagay na plinano niya para tuluyan na nilang masakop ang mga pack.

Ayaw kasing gawin ni Fiona nag plano niya na umalis na lamang ng Summergrave at magsimula ng bagong buhay sa Verine Empire, kaya naman wala siyang nagawa kundi umisip na lamang ng bagong plano na makakabuti sa kaniyang anak.

Kung gusto nitong maghiganti ay gagawin niya, kung gusto nitong agawin ang buhay ni Elara ay ibibigay niya. Pagtapos niyang gawin iyon ay alam niyang nakabawi na siya sa pagkukulang niya bilang ama at kung tanggapin pa ni Calisto si Fiona ay hahayaan niya na.

Pagod na si Algern, gusto niya na lang matapos na ang lahat ng ito.

"Dalian mo at pupuntahan pa natin si Elijah," dagdag ni Algern at tumayo na lamang si Fiona upang sundin ang utos ng kaniyang ama. Nanginginig man ang mga kamay ni Fiona na puno ng dugo ni Calisto, alam niyang kailangan niyang ipagpatuloy ang inumpisahan niya, hindi na siya makakabalik pa sa mga nagawa niyang kasalanan, hindi na siya kayang iligtas pa ni Calisto.

Nagtungo sila sa likod ng Forestheart kung nasaan ang lagusan papuntang sa secret passage na magdadala sa kanila sa evacuation center. Alam ni Algern at Fiona ang daan dahil parte sila ng Forestheart pack kaya naman walang ligtas na lugar para sa pack member ng Forestheart lalo na ngayon na bumagsak na si Calisto.

"Saan kayo pupunta? At saan niyo dinala si Calisto?" Napalingon si Fiona at Algern sa hapong-hapo na si Diego, puno na ng dugo ang braso at kamay nito, halata na rin ang pagod sa kaniyang istura at ang paghabol sa kaniyang hininga.

"Buhay ka pa rin? Well, ano pa nga bang aasahan ko sa dating Alpha ng pack na 'to?" Natatawang tanong ni Algern na may halong pang-aasar, alam niyang hindi na magtatagal pa si Diego at babagsak na rin ito dhail sa mga tama nito sa katawan kaya ayw niya ng pahirapan pa ang dating kaibigan.

"Mauna na kayo, ako na bahala rito," sagot ni Algern kina Fiona at sa iba pang rogue na sasalakay sa evacuation site ng Forestheart.

Napatingin si Fiona kay Diego, noon pa man ay hindi niya na gusto ang pakikitungo nito sa kaniya. Alam niya na ni isang beses ay hindi siya nito tinuring na anak o fated mate ni Elijah. Alam niya na si Elara pa rin ang gusto ni Diego para sa anak niya kaya naman ngayon ay hindi niha maiwasan mapangiti sa nakikita niya.

"Diego, sumuko ka na lang hindi mo na ko kakayanin labanan kung ganiyan na ang kalagayan mo," sagot ni Algern, iniikot niya ang hawak niyang dagger sa kaniyang kamay habang mababang nakatingin kay Diego na ngayon ay nakahawak na sa kaniyanb mga tuhod.

"Huwag mong gawin 'to Algern, sabay nating binuo ang pack na 'to. Ikaw ang Delta ko!" Sagot ni Diego, buong puso niyang pinagkatiwalaan si Algern ngunit sa huli ay niloko lang siya nito at sinira ang malaking tiwala na kaniyang binigay rito.

"Kasama ba talaga ako sa member ng pack na 'to? Ni isang beses walang nangamusta sa akin nung kailangan ko kayo, nung hindi na ako nag rereport pabalik sa'yo hinanap mo ba ako?" Tanong ni Algern kay Diego. Ito ang matagal niya nang hinanakit sa kaniyang Alpha, ang pagpapabaya nito sa mga pack members niya.

"Kilala kita Algern! Alam kong kakayanin mo lahat at malaki ang tiwala ko kaya alam kong babalik ka sa pack kapag gusto mo na, hindi kita hinanap o kinamusta dahil alam kong gusto mo mapag-isa, hindi ko alam na kailangan mo pala ng tulong ko," tugon ni Diego kaya natawa na lamang si Algern at lumapit sa kaniya.

"Alam mong ginagamit mo lang ako, huwag mo na itago iyon Diego. Hindi ka tunay na Alpha dahil wala kang pakialam sa mga pack members mo, ginagamit mo lang kami para sa mga plano mo, wala ng iba," sagot ni Algern habang si Diego naman ay hinahanda na ang sarili niyang umatake, pinapalabas niyang nanhihina na siya upang sa ganoon ay ibaba ni Algern ang pagiging alerto niya.

"Sumuko ka na lang ng tahimik, huwag na nating pahirapan ang isa't isa, ibigay mo na lang sa akin ang Forestheart," tugon ni Algern at tumigil sa paglalakad sa harap ni Diego. 

"Anong balak mo sa Forestheart? Anong gagawin niyo sa aming lahat?" Tanong ni Diego, pinanatili niya ang kaniyang ulo na nakayuko upang hindi makita ni Algern ang kaniyang mga mata na puno ng mga balak na patayin siya.

"Babaguhin ko, malayo sa pagpapatakbo mo. Magiging pugad ito ng mga rogue at iba pang lycan at werewolf na wala ng mapupuntahan. Magiging dealer kami ng pinaka malaking sindikato na magbebenta ng mga pinagbabawal na gamot sa buong Gazina," sagot ni Algern at hindi maiwasan ni Diego na mapangiti, at syempre hindi niya ito pinakita kay Algern.

"Tingin mo hindi kayo mahuhuli ng emperor? Alam mo naman siguro kung ano ang tunay na pagkatao ng emperor? Hindi siya mortal Algern, hindi niya hahayaan na sirain mo ang pack ng heneral niya," sagot namna ni Diedo at alam niyang hindi rin papayag si Damian na maging ganito na lamang ang katapusan ng lahat ng kanilang pinaghirapan.

"Ang Nightraven? Pero na una na naming sinira ang pack na iyon, may unting nakatakas pero paniguradong matatagalan pa bago makabangon ang pack na iyon, ngunit ang tanong ay kung hahayaan ko ba silang makabangon muli hahaha!" Malakas na umalingawngaw ang tawa ni ALgern sa lugar at alam ni Diego na ito na ang pagkakataon niyang sumugod kaya agad niyang inatake ng kaniyang mahahabang kuko si Algern pero agad itong nakaiwas at tanging galos lamang ang natamo.

"Tsk, tingin mo mapapatay mo ako ng ganun-ganun na lang?" Tanong ni Algern at sinalakay ng atake si Diego, sa bilis ni Algern ay hindi na nagawa pang iwasan ni Diego ang mga atake na iyon, tuluyan na siyang napaluhod.

Kitang kita ni Esmeralda at Elijah ang pangyayari habang bitbit sila ng mga rogue papunta sa pack house. "Algern, nakuha na namin sila," napalingon si Algern at tuwang-tuwa sa timing ng pagdating ni Emeralda at Elijah.

"Sakto ang dating niyo, makikita niyo pa si Diego bago ko siya tuluyang patayin."

TO BE CONTINUED

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon