CHAPTER: 110

715 34 8
                                    

This chapter is dedicated to: @louiesaline


❦❦❦

Nagising si Damian sa kaniyang kwarto, maliwanag at maaliwalas ito, kagaya noon nung iniwan niya ito para magtungo sa Herveuax pack. Marahan siyang bumangon at tinignan ang buong paligid, iniisip na panaginip lang ba lahat ng mga nangyari? Binangungot lang ba siya at lahat ng mga nakita niyang karumaldumal na tinamo ng kaniyang pack ay nasa ulo niya lang?

Pero nung inapak niya ang kaniyang mga paa sa carpet at unti-unting naglakad patungo sa bintana ng kaniyang kwarto ay naramdaman niya ang pakiramdam ng may kulang sa kaniyang puso o sa pagiging Alpha niya, at pagtingin niya sa labas ay doon niya nakita ang pinsala na tinamo ng Nightraven.

Hindi iyon isang bangungot, totoong nangyari ang lahat at unti-unti na naman siyang nahihirapan huminga. Siguro ay ayaw niya na talagang lumanghap pa ng hangin dahil naamoy niya ang dugo ng humahalo rito, dugo ng kaniyang pamilya at matatalik na kaibigan.

'Damian, ikalma mo ang paghinga mo. Hindi ka pwedeng maging mahina sa sitwasyon na 'to,' tugon ni Xavier sa pamamagitan ng mindlink. Nais niyang matanggap ni Damian ang nangyayari ngayon, nais niyang buksan ni Damian ang kaniyang isipan para makagawa na sila ng panibagong hakbang at makapagsimula na sa paghihiganti.

"Bumibigat ang pakiramdam ko tuwing naamoy ko ang mga dugo nila na humahalo sa hangin, 'yung mga imahe nila sa utak ko na hindi ko na makakalimutan at babaunin ko hanggang kamatayan. Xavier, kailangan nila tayo pero wala tayo sa tabi nila bilang kanilang Alpha, anong silbi ko kung hindi ko maprotektahan ang sarili kong pack?" Tanong ni Damian, napakapit na naman siya sa kaniyang dibdib, nakayuko at nakasandal sa bintana habang dinadaing ang sakit na nararamdaman niya.

'Kailangan ka pa ng iba pang pack na natira sa Nightraven, tandaan mo binuwis nila Lilian ang buhay nila para sa pack na 'to, alam nilang hindi mababaliwala ang pagkamatay nila dahil ikaw ang Alpha nila,' sagot ni Xavier, nais niyang bigyan ng lakas si Damian, pero alam niya rin nkung gano kabigat ang responsibilidad na buhat-buhat nito.

"Buhay pa si Fiona, hindi mawala sa isip ko na pano kung kunin din sa akin si Elara? Pano kung magkatotoo 'yung nangyari sa previous life niya? Pano Xavier? Kailangan may mamatay isa sa kanila at ngayon na napatunayan natin na buhay pa si Fiona, mananatiling nasa panagnib ang buhay ni Elara, ng Luna natin! Hindi ko na kakayanin na mawala pa pati siya," sagot ni Damian, puno ng sakit at hinagpis ang boses ni Damian, iniisip niya pa lang na makikita niya rin ang bangkay ni Elara sa kaniyang harapan kasama ng iba pang pack members ng NIghtraven ay para na siyang mamatay.

'Kung hindi ka kikilos ngayon at gagawa ng counter attack ay lalong mangyayari ang kinatatakutan mo,' sagot ni Xavier. Hindi niya maitatago na miske siya ay kinakabahan sa hinaharap nila kasama si Elara, hindi pa nito tuluyan na nakokontrol ang wolf niya at hindi pa rin ito nagigising tapos ngayon ay may panibago na naman silang problema.

"Kung magpakalayo-layo na lang kaya kami? Kung ibigay na lang natin kay Fiona ang gusto niya? Tumakas na lang kami ni Elara at ilayo siya sa babaeng iyon." Wala na sa tamang pag-iisip si Damian, ang tanging nasa isip niya na lamang ay ang mailigtas si Elara na nag iisang pinaghahawakan niya ng kaniyang lakas.

'Naririnig mo ba ang sinasabi mo Damian? Ikaw ba talaga ang kausap ko? Ang kilala kong Damian ay hindi mahina, hindi sagot ang pagtakas sa mga nangyayari ngayon at hindi mo maililigtas si Elara sa kapalaran niya kung hindi mo mapapatay si Fiona,' galit na sagot ni Xavier, hindi niya akalin na darating ang panahon na maiinis siya sa pinapakita ni Damian. Kilala niya si Damian bilang matapang at walang inuurungan na partner, hinahangaan niya si Damian dahil sa lakas ng loob nito at determinasyon sa lahat ng bagay— pero ngayon ay naawa na lamang siya kay Damian.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon