CHAPTER: 120

1.6K 65 14
                                    

Pabalik-balik sa paglalakad si Damian sa harap ng operating room, hindi mapakali at puno ng kaba. Nakahalukipkip siya habang nakasuot ng pajama na kulay sky blue at stripes, isa lang ang suot niyang flip flops at sobrang gulo ng kaniyang buhok na halatang kakagaling lang sa kama.

"Damian! Ano na? Kamusta na ang best friend ko?" Tanong ni Melody na kakarating lang at hingal na hingal din, byumahe pa siya galing sa Herveaux at namamadaling nagtungo sa Nightraven para alamin ang kalagayan ni Elara.

"Wala pang balita pero sobrang tagal na! Ilang oras na ako rito, pero wala pa ring balita. Nakarating ka na't lahat-lahat pero wala pa ring balita galing sa mga doctor," sagot ni Damian ay pinagpatulot ang paglalakad niya nang pabalik-balik sa harapan ni Melody, nahihilo na si Melody sa ginagawa ni Damian kaya hinanap niya na lang ang mga pamangkin niya.

"Nasaan sina Daphne at Caspia? Sino nagbabantay sa dalawa?" Tanong ni Melody at biglang napatigil si Damian sa paglalakad at napatingin kay Melody nang gulat na gulat. Nasapo ni Melody ang kaniyang ulo at hindi makapaniwala kay Damian.

"Dont tell me iniwan mo ang kambal! Sino nagbabantay sa kanila Damian? Nakakaloka ka!" Hiyaw ni Melody at agad na tumakbo sa hallway para puntahan ang mga pamangkin niya dahil ang kanilang ama ay wala na sa matinong pag iisip dahil sa kaba.

Natataranta pinindot ni Melody ang button down ng elevator, "sorry Mel! Pero pwede ikaw na muna bahala sa kambal? Hindi ko na alam ang gagawin ko!" Natatarantang sagot ni Damian at napabuntong hininga na lamang si Melody.

"Ito na nga gagawin ko na, kanina ka pa nakatayo dyan ngayon mo lang naisip ang kambal!? Pano kung ano na nangyari sa dalawa na 'yun?" Sermon ni Melody dahil alam niyang nawala sa isip ni Damian ang kambal sa sobrang pagkatarantas sa pagsakit ng tiyan ni Elara.

Manganganak na kasi ito at sobrang selas ng pagbubuntis ni Elara ngayon kaha kinakabahan maigi si Damian na baka may mangyari na masama sa kaniyang Luna sa panganganak nito.

Madaling araw at tulog na tulog na si Damian dahil sa pagod sa mission na binigay sa kaniya ng emeperor at mga kalagitnaan ng madaling araw ay nagising na lang siya sa malakas na sigaw ni Elara at sa hirap na hirap na paghinga nito.

Wala na siya sa katinuan para mag isip at naka set na agad ang utak niya na tumakbo sa hospital sa sobrang pagkataranta niya. Naiwan niya ang kambal na mahimbing na natutulog, ni makapagpalit nga ng pajama ay hindi na nagawa ni Damian dahil sa sobrang pagmamadali.

*Ping!*

Bumukas ang pinto ng elevator at sasakay pa lamang si Melody nang lumabas si Shouta na hawak ang kambal at naghihikab pa. "Hindi ko alam kung saan ka dadaretsyo, kaya dumaretsyo ako sa main house pero wala kayo roon at nag iiyakan na sila kaya dinala ko sila rito," inosenteng sagot ni Shouta habang takang-taka sa istura ni Melody at Damian na para bang natataranta.

"Hulog ka talaga ng langit babe," sagot ni Melody at kinuha ang kamay ng kambal at hinalikan si Shouta sa pisngi, napangiti na lamang si Shouta at tinulungan sj Melody na mag-alaga ng kambal habang nag iintay sila sa kalagayan ni Elara.

"Ilang hours na siya nasa operation room?" Tanong ni Shouta kaya napatigil si Damian sa paglalakad at para bang hindi niya ein alam kung ilang oras na nasa loob si Elara, pakiramdam niya kasi ay ilang taon na siyang nag-iintay na bumukas ang pinto ng operation room.

"Babe wag mo na tanungin ang lalaking iyan, hindi mo ba nakikita lumulutang ang isip niya kanina pa. Hindi ko nga alam bakit nasa labas siya ng operation room eh dapat kasama niya si Elara sa loob di ba?" Tanong ni Melody at doon lang na pagtanto ni Damian na tama ang sinabi ni Melody.

Kailangan siya ni Elara sa tabi nito, dapat hawak niya ang mga kamay ni Elara at binibigyan ng lakas ang Luna niya pero hindi na ito naisip ni Damian dahil pagsugod niya kay Elara sa pack hospital ay kinuha na agad ito ng nga doctor at pinasok sa emergency room.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon