CHAPTER: 97

814 38 1
                                    

Dumating si Calix sa tapat ng gubat, pinarada ang kaniyang motor sa tabi ng kalsada at inintay na dumating ang kaniyang Alpha.

Sa pagkakaalam ni Calix ay malayo pa ang cabin sa main road pero abot na ang wolf scent ng kaniyang Luna sa kinatatayuan niya. Napatakip ng kaniyanh ilong si Calix dahil nakakaramdam siya ng init sa kaniyang katawan, agad na lumingon sa paligid para mawala ang atensyon niya sa nakakaakit na amoy na iyon.

"Calix," tawag ni Damian at agad na lumingon si Calix saka inabot ang paper bag na puno ng grocery na tatagal ng tatlong araw.

"Pang tatlong araw lang 'yang binili ko, hindi na kasya sa motor na dala ko kaya babalikan na lang kita kapag may kailangan ka pang ipabili sa akin," sagot ni Calix sabay tapik ni Damian sa kaniyang balikat.

"Salamat," sagot ni Damian at tumingin si Calix sa kaniyang Alpha, sa mukha pa lamang nito ay halata niya nang pagod si Damian at walang tulog.

"Mukha kang tuyot na bangkay, hinigop ba lahat ni Luna Elara ang lakas mo, Alpha Damian?" Natatawang tanong ni Calix, nais niyang asarin ang kaniyang Alpha dahil mukha na itong turumba sa pagod, pero ramdam niya na may malaking pinagbago sa katawan ng Alpha, kapangyarihan na nakuha nito mula sa Luna. 

"Nakakatakot si Elara kapag in heat siya, hindi siya tumitigil hanggat hindi ako nawawalan ng malay," biro ni Damian sabay kamot sa kaniyang ulo.

"Miske dito ay abot ang pheromone niya, iniisip ko na baka may mapadpad na he-wolf sa parte na ito ng Herveaux at maamoy si Elara. Pero mukhang nakapag-anunsyo na si Alpha Kalil tungkol dito," sagot ni Damian at tumango naman si Calix bilang pag sang-ayon.

"Agad niyang inabisuhan ang lahat na lumayo muna sa parte na 'to ng Herveaux, ang mga inuutusan niya lang rumonda rito ay ang mga mortal na members niya," paliwanag ni Calix.

Malaki ang utang na loob ni Damian sa Herveaux pack, sa pagtulong pa lang ng pack sa training ni Elara at pagtanggap nito sa kanila ay isang malaking na pasasalamat na. Pero alam ni Damian na may kapalit ang mga ito, hindi naman pwedeng walang makuha si Alpha Kalil sa pagtulong niya sa kanila at na pag-usapan na nila iyon bilang Alpha ng dalawang pack.

"Kakayanin mo ba mag-isa rito?" Tanong ni Calix, iniisip na baka may maligaw na ibang he-wolf at maakit sa wolf scent ni Elara. Mapanganib iyon kung magkataon dahil maaari magwala ang he-wolf at maging in rut.

"Kaya ko, anong tingin mo sa Alpha mo?" Tanong ni Damian, pero hindi maiwasan mag-alala ni Calix.

"Kapag wala na kayo sa katinuan ni Luna Elara, hindi mo na alam kung sino o ano ang nasa paligid mo, masyado ka ng lunod sa tawag ng laman niyo kaya hindi imposible na mapahamak kayo," sagot ni Calix.

Alam ni Damian na may punto si Calix sa bagay na iyon pero hindi niya naman hahayaan na mapahamak din si Calix. Isa pa ay nais niyang masolo si Elara sa lugar nanito, nais niyang maging malaya si Elara sa pagnanais ng katawan niya dahil walang nakakakita o nakakaalam ng ginagawa nila.

"Hindi na Calix, tutal mahigpit na rin naman binalaan ni Alpha Kalil ang pack members niya. Walang susuway ng pinag-uutos niya, kaya sige na mauna ka na. Kailangan konpang balikan doon si Elara at baka mamaya sumpungin na naman siya ng cycle niya, tatawagan na lang kita akpag may kailangan ako," tugon ni Damian at wala ng nagawa si Calix kung hindi sundin ang gusto ng kaniyang Alpha.

Sumaky na si Calix sa kaniyang motor at si Damian naman ay naglakad na pabalik sa cabin kung saan niya iniwan si Elara. Habang naglalakad ay naamoy na ni Damian ang pheromone ni Elara at mukhang in heat na naman ito.

"Ah, kailangan ko muna siya pakainin bago ang lahat," sagot ni Damian at hindi maiwasan mapabuntong hininga dahil alam niyang sasakit na naman ang balakang at likod niya.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon