CHAPTER: 88

878 44 3
                                    

Mabilis na hinila ni Damian ang kamay ni Elara at malakas na tinulak si Mainard, mabilis na nasangga ni Mainard ang atake na 'yun kaya hindi siya tumilapon palabas ng training ground.

"Kaya ba hindi mo sinasagot ang mga tawag ko dahil busy ka sa training mo?" Inis na tanong ni Damian, nanlaki ang mga mata ni Elara at hindi makapaniwala sa unang salitang sasabihin sa kaniya ni Damian pagtapos ng ilang buwan nilang hindi pagkikita.

"Seriously? Ikaw pa talaga ang may gana magsalita sa akin niyan? Ako? Ako ang hindi sumasagot sa tawag?" Tanong ni Elara dahil nagpintig ang kaniyang tenga sa bungad ni Damian sa kaniya.

Masaya siyang makita muli ang kaniyang Alpha pero hindi niya akalain na ganito anb una nilang pag-uusapan. Agad na hinila ni Elara ang kaniyang braso sa pagkakahawak ni Damian at masama tumingin dito.

"Galit ka sa akin? Bakit ikaw pa 'tong galit samantalang ikaw 'tong may kasamang ibang lalaki? Bampira pa talaga, Elara?" Tanong ni Damian, hindi na siya makapag-isip ng ayos tila ba nagdilim na ang kaniyang paningin nung makita niya si Elara na may kasamang ibang lalaki.

Nakaramdam siya ng pagtataksil kahit na alam niya naman na dapat siya magtiwala kay Elara, hindi niya alam bakit selos na selos siya, galit na galit sa nakita niya.

"Ha!? Hindi ko alam 'yang pinagsasabi mo pero Damian nagkakamali ka," sagot ni Elara at doon niya na pagtanto na na misunderstood sila ni Damian.

"Aalis na ko," pabalang na sagot ni Damian at naglakad pabalik ng main gate kung nasaan ang chopper.

Nagkatinginan si Melody at sila Alpha Kalil pati na rin si Emmanuel. Hindi nila inaasahan ang turn of events na 'to at 'yung makikita ni Damian.

"Teka, magpapaliwanag ako! Sandali lang Damian!" Habol ni Elara kay Damian at akmang magpapaliwanag din sana si Mainard pero pinigilan na siya ni Alpha Kalil at hindi na sinundan pa ang dalawa.

"Ano pang ipapaliwanag mo? Na nainip ka sa kakaintay sa akin kaya nagahanap ka muna ng ibang makakasama mo?" Tanong ni Damian kaya lalong nawalan ng kontrol si Elara sa kaniyang emosyon.

"Naririnig mo ba 'yang mga sinasabi mo? Ilang buwan kitang inintay, nag iintay na tumawag ka sa akin at iniisip kung may pakialam ka pa rin ba sa akin, pero ngayon andito ka na paghihinalaan mo pa ako? Kaibigan ko lang si Mainard, bibigyan ko lang sana siya ng kaunting dugo dahil siya ang lagi kong kasama sa training," sagot ni Elara sabay tigil ng paglalakad at hindi na hinabol pa si Damian.

"Alam mong matagal na kitang iniintay, matagal ko ng gustong makita ka at marinig ang boses mo pero bakit ganito ang nangyari ngayon na magkasama na tayo? Tinatalikuran mo ko," sagot ni Elara, nanginginig na ang kaniyang boses, para bang may malaking bara sa kaniyang lalamunan at nais niyang pigilan ang pagtakas ng mga luha niya.

"Aalis ka ulit? Sige, umalis ka na at iwan mo na lang ulit ako rito. Titiisin ko na lang ulit na malayo sa'yo," sagot ni Elara at tumalikod na kay Damian.

Naglakad papalayo si Elara at bawat hakbang na kaniyang ginagawa ay parang paruss kay Damian. Nadudurog ang puso niya at doon niya napagtanto na mali ang mga sinabi at inakto niya, na lahat iyon ay dahil sa selos at pagnanais lang makita ang Luna niya.

 Nadudurog ang puso niya at doon niya napagtanto na mali ang mga sinabi at inakto niya, na lahat iyon ay dahil sa selos at pagnanais lang makita ang Luna niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon