CHAPTER: 87

879 49 8
                                    

SUMMERGRAVE EAST BORDER

"Alpha! Confirm na nasa brothel sila ngayon, karamihan ng mga rogue na nakatakas nitong nakaraang mission," sagot ni Jake at tumango naman si Damian, sa wakas at makakakuha na rin siya ng iba pang information tungkol sa mga rogue na naghahasik ng gulo sa East border. tatlong buwan na mahigit simula nang lumaki ang problema nila sa mga rogue, kasabay ito ng pagkawala ni Fiona kasama ng ama niyang si Algern at malakas ang kutob niya na may kinalaman ito sa mga nangyayari ngayon.

May tao sa likod ng pagwawala ng mga rogue, noon ay hindi naman sila kumikilos ng iisang pag-iisip, walang plano at nagpapagala-gala lang sa iba't ibang parte ng Gazina pero ngayon ay nagsasama-sama sila sa iisang lugar na tila ba bumubuo ng sarili nilang pack.

"Melody, ihanda mo ang mga gamit na'tin dahil mamayang gabi pagtapos ng mission na 'to ay dadaretsyo na tayo sa Herveaux pack," utos ni Damian na agad naman sinunod ni Melody.

Hindi na makapag-intay pa si Damian na puntahan si Elara, ilang buwan niya nang hindi ito nakakausap dahil sa mga trabaho na kailangan niyang unahin. Wala na siyang tulog at madalas ay umiikot sa buong border para lang makasigurado na walang gulong gagawin ang mga rogue, hindi pa siya makahanap ng signal sa liblib a parte ng border kaya hindi niya magawang tawagan ang Luna niya.

Kung namarkahan lang sana nila ang isa't isa at gising na ang wolf ni Elara ay maaari niya pa maramdaman kung ayos lang ba si Elara o nasa mabuti bang kalagayan ito. Dahil sa tumatagal na oras na magkalayo sila ay para siyang pinaparusahan, hindi siya makapag-isip ng tama, hindi mapakali at laging hinahanap ang Luna niya.

"Roger, mag iingat kayo. Bigyan niyo kami kaagad ng signal kung kailangan niyo ng back up," sagot naman ni Melody pero nakita niyang umiling si Jake dahil mukhang hindi na kakailanganin ng back up ng kanilang grupo dahil sa pagtitimpi na ginagawa ni Damain nitong mga nakaraang buwan.

Kilala nila ang kanilang Alpha, alam nilang mabilis matatapos ang mission ngayon lalo na't alam na ni Damian ang pinagtataguan ng mga rogue. Tatapusin niya ang trabaho sa loob lamang ng isang araw o kung kakayanin ay limang oras para lang mas mapabilis ang pagkikita nila ni Elara.

Kagaya ng ilang mission nila noon, alam ni Jake na bubogbugin na naman sila ni Damian ng trabaho dahil sa nais na nitong makapunta kung nasaan ang kaniyang Luna. Kaya alam niya at ng grupo nila na hindi na kailangan ng back up dahil matatapos kaagad ang laban.

"Huwag kayo masyado magmadali baka naman mabulilyaso pa ang misison na 'to kaysa sa matapos na ngayon araw," sermon ni Melody, alam niya rin kung pano mag isip si Damian dahil kasama niya na ito bata pa lamang sila. Kaya nais niyang maging maayos ang pag-iisip nito at mag focus sa laban.

"Alam ko, salamat sa pagpapaalala Mel, hayaan mo hindi ko na papalagpasin pa ang pagkakataon na 'to dahil ayoko ng tumagal pa na hindi kami nagkikita ni Elara," sagot ni Damian.

Matapos niyang marinig ang balita kay Elara na dala ni Melody ay napuno na siya ng pag-aalala. Alam niyang magtatampo sa kaniya si Elara dahil sa lack of communication nilang dalawa. Kaya nais niya na makabawi kay Elara, gusto ng puntahan ni Damian ang kaniyang Luna at bumawi sa lahat ng oras at araw na pinag-intay niya si Elara.

"Okay, mag iintay ako sa inyo rito, ihahanda ko na rin ang chopper para kapag bumalik ka ay agad na tayong makabyahe papuntang Herveaux," tugon ni Melody.

"Salamat Mel, Jake tara na!" Twag ni Damian at agad na sumunod si Jake palabas ng kanilang tent sa loob ng kanilang kampo. Isa-isa na silang naghanda sa biglaang pag-atake nila sa mga kalaban, lahat sila ay handa ng tapusin at bigyan ng conclusion ang problema na ito.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon