CHAPTER: 117

770 33 6
                                    

This chapter is dedicated to: jnLnFnDez


Isang linggo na ang nakakalipas, unti-unting bumabangon ang dalawang pack mula sa gulong ginawa ni Fiona at Algern. Karamihan ng mga rogue ay nasa kostidiya na rin ng Emperor at ng Nightraven.

Lahat ay muling bumabangon muli pagtapos ng unos, marami mang nawalan ng buhay at nasirang tahanan at hanap-buhay, ay mas marami naman ang nakaligtas at nanatili sa pack nila.

Ngunit hindi rin maitatanggi na malaki ang iniwan na sugat ni Fiona sa lahat ng pack members ng dalawang pack. May mga sugat na sobrang hirap maghilum, sugat na kakailanganin ng matagal na panahon para makalimutan at gumaling.

"Kamusta si Melody?" Tanong ni Elara kay Shouta na ngayon ay nagbabantay sa fated mate niya. "Kumakain na siya, pero hindi pa rin siya nagsasalita," sagot ni Shouta habang hawak nang mahigpit ang kamay ni Melody. Napaiwas ng tingin si Elara dahil nagbabadya na naman ang mga luha niyang pumatak sa mga pisngi niya.

Simula nang mangyari ang gulo at magising si Melody ay hindi na ito makausap ng ayos, parati itong tulala at nakatingin lang sa malayo. Kapag nakakaamoy siya ng usok o nakakakita ng apoy ay magwawala siya at hihiyaw, minsan kapag nakakakita siya ng ibang lalaki ay magtatago siya at mangbabato ng iba't ibang bagay. Si Shouta lang ang nakakapagpakalma sa kaniya, ang pack members niya lang ang tanging lalaking nakakalapit sa kaniya.

Sabi nila ay matinding trauma ang dinanas ni Melody sa kamay ng mga rogue na iyon. Puno ng pasa at sunog ng sigarilyo ang kaniyang likod at tiyan, ayon din sa clinical examining niya ay nagalaw siya ng mga rogue, binaboy at kinuha ang pagkababae niya.

Nung malaman iyon ni Elara ay inisa-isa niyang ang mga rogue na kanilang nahuli ng buhay at tinanong mga ito. Matinding pagpapahirap ang ginawa niya sa bawat rogue at kung sino man ang hindi magsasabi ng totoo ay agad niyang pinapatay.

Alam ni Elara na hindi na malinis ang kaniyang mga kamay, hindi niya nagamit ang kapangyarihan ni Shiana sa kabutihan at pagprotekta sa kaniyang pack ngunit hindi niya hahayaan na hindi makukuha ni Melody ang hustisya na kailangan niya.

Pagtapos malaman ni Elara ang mga gumahasa kay Melody ay pinakita ni Elara sa best friend niya kung pano niya pahirapan at patayin ang mga ito. Nung panahon na iyon ay doon lang nakaiyak si Melody, doon lang siya nakawala sa takot na babalikan siya ng mga nanakit sa kaniya, doon lang siya nagsimulang kumain at makatulog. Kaya walang pagsisisi na naramdaman si Elara sa pagpatay niya sa mga rogue na iyon.

"Shouta ikaw muna ang bahala kay Melody, maraming salamat sa pagbabantay mo sa best friend ko." Sobrang laki ng pasasalamat niya kay Shouta ag sa Herveaux pack sa pagdating nila at sa pagtulong nila sa pagbangon ng pack ng Nightraven at Forestheart.

"Lahat gagawin ko para kay Mel," saad naman ni Shouta kaya napangiti si Elara at naglakad papalapit kay Melody saka hinalikan ang buhok ng best friend niya.

"Pupunta tayo sa beach bestie, magpapahinga tayo roon at gagawin natin lahat ng mga gusto nating gawin nug mga bata pa tayo," saad ni Elara at tumingin sa kaniya si Melody saka tumango. Masaya na si Elara sa bagay na iyon, nakikita niyang unti-unti humabalik ang buhay sa mga mata ni Melody at ipaparamdam niya ang pagmamahal niya sa best friend niya na simula't sapul nasa tabi niya.

"I love you Mel, thank you sa lahat at sorry dahil hindi kita na protektahan," bulong ni Elara at naiiyak na naman siya, tuwing nakikita jiya ang best friend niya ay hindi niya maiwasan sisihin ang sarili niya sa nangyari. Naramdaman niya ang paghawak ni Melody sa kamay niya at nagsalita ito sa pamamagitan ng mind link.

'I love you too, bestie." nanlaki ang mga mata ni Elara at masayang niyakap si Melody. Marinig niya lang ang boses nito ay masaya na siya, umiyak siya nang umiyak sa bisig ni Melody at paulit-ulit na humingi ng patawad.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon