CHAPTER: 102

758 36 3
                                    

1 MONTH BEFORE

"Algern, kamusta ang plano? Mukhang dumadami ang customer mo ah, paniguradong mas marami pa tayong maaangkat na droga kapag nagpatuloy pa ang negosyo mo," sagot ng isang lalaki na kasosyo ni Algern sa kaniyang pagbebenta ng droga sa mga rogue.

"Kaya damihan mo pa ang stock ng droga na iyan, may malaki pa akong pagde-deliveran ng mga iyan," sagot ni Algern, kinuha niya ang alak na nasa ibabaw ng counter, tinitigan niya ito at inamoy muna.

"Ang tagal mo na umiinum sa bar ko, hanggang ngayon wala ka pa ring tiwala sa bago na binibigay ko sa'yo?" Tanong ng barista habang pinupunasan ang mga baso niya.

"Kailangan ko mag-ingat, wala ka na pwedeng pagkatiwalaan sa panahon ngayon," tugon naman ni Algern kaya tumawa ang dalawa niyang kanegosyo na kasama niyang nakaupo sa halera ng upuan sa tapat ng counter top.

"Hahaha, pagpasensyahan mo na 'tong kaibigan namin. Marami lang siyang pinagdaanan kaya mahirap na siyang magtiwala sa kahit sino man," tugon nung isang lalaki sabay tapik sa balikat ni Algern.

"Ilang beses na kasi siyang nalason noon, kaya mas nag-iingat siya ngayon. Lagi rin mag-isa ang lalaking 'to kaya hindi niya alam pano magtiwala," dagdag nung isang he-wolf at umiling naman 'yung nakaakbay kay Algern.

"Hindi ah, may kasama na siya ngayon. Hindi ba't kasama mo ang anak mo? Ano ulit ang pangalan niya?" Tanong nung isa saka naman humigop ng alak si Algern sa basong hawak niya.

"Fiona," sagot ni Algern, napatitig si Algern sa yelo na nasa gitna ng baso patuloy na naglalayag ang isip niya sa mga plano na kaniyang kailangan buoin.

"Kamusta naman siya? Buntis siya 'di ba? Magkakaapo ka na, wag ka muna mag reretiro hanggat hindi nating natatapos ang negosyo natin ah," paalala naman ng isa, pero para kay Algern ay isa itong pagbabanta na kung hindi nila maayos at mapalago anv kanilang negosyo ag mangananib ang buhay ng kaniyang anak at apo.

"Anong ipapakain ko sa anak at apo ko king hindi ako magnenegosyo, gusto ko bigyan sila ng magandang buhay kaya dapat lang na ihanda niyo na ang mga kaklangan ko kapag lumuwas na kami ng Verine Empire," sagot ni Algern dahil balak niyang dalhin sa ibang lugar si Fiona at ang magiging apo niya para doon ulit magsimula ng panibagong buhay.

Nagpagawa siya ng pekeng identification para sa kanilang tatlo, bumili na rin siya ng mga properties doon gamit ang perang sa napagbentahan niyang mga droga sa iba't ibang parte ng Gazina.

Ito ang buhay na nais ni Fernanda sa kanila pero dahil sa pagtalikod ni Feenanda at hindi pagtitiis nito ay nagkaloko-loko ang lahat ng plano ni Algern at ngayon naman ay nanatiling nakakulong si Fernanda.

"Osiya, mauna na ako sa inyo dahil kailangan ko pang bumili ng makkain ni Fiona. Salamat sa pera na 'to, aasahan ko ulit ang tulong niyo," sagot ni Algern dahil sa wakas ay makakain na ng ayos ang kaniyang anak.

Ito ang iniintay ni Algern, ang magbunga ang mga pinaghihirapan niya ng ilang taon, nakuha niya na ang bayad sa paghihirap niya para makabenta ng droga at bumuo ng malaking komunidad na bibili at kulunsumo ng malaking pursyento ng droga

Agad na sumakay si Algern sa kaniyang sasakyan at nagmaneho papunta sa bayan. Tago ang kaniyang mukha, nagtungo siya sa back alley para mag-utos sa isang pulubi na ibili siya ng makakain kapalit ng malaking halaga.

Hindi kasi siya pwede maglakad sa bayan dahil kitang-kita niya ang mga royal knight na rumoronda sa buong central city. Bawat kanto ay may mga nagbabantay na royal knight, ilan din dito ay ang mga matataas na members ng Nightraven pack.

"Ibili mo ko ng pinaka masarap na manok sa central at ibibigay ko sa'yo 'to," utos ni Algern sa isang batanb pulubi at mabilis niya itong nauto para utusan.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon