CHAPTER: 113

758 31 11
                                    


This chapter is dedicated to: ionhickx


Napaluhod si Fiona habang nakatingin siya sa pagbabago ng kulay ng mga mata ni Elara, ang berde nitong mata ay kalong tumingkad. Titig pa lamang ni Elara ay hindi niya na maigalaw ang kaniyang mga paa, pero alam niyang kailangan niya nang tumakbo, kailangan niya nang makaalis sa lugar na ito pero hindi magawang bitawan ni Fiona si Calisto— kailangan niya humanap ng gagamot sa stepdad niya.

"Anong ginawa mo kay Dad?" Tanong ni Elara kaya napapitlag si Fiona, ang takot na nararamdaman niya kanina ay naging double dahil sa boses na narinig niya.

"E-elara?" Nagtatakang tanong ni Fiona dahil nagbago ang boses ni Elara, parang dalawang tao ang nagsasalita sa iisang labi ni Elara dahil dalwang boses ang lumalabas dito.

Nakita ni Fiona ang paglabas ng mga mahahabang kuko ni Elara. Dahan-dahan dinh nagbabago ang anyo niya papunta sa kaniyang wolf form.

"Pa-pa-panong?" Hindi maipaliwanag ni Fiona ang kaniyang nakikita, hindi siya makapaniwala na ang wolfless niyang stepsister ay nagtatransform bilang werewolf sa harap niya.

Isa itong puti at malaking wolf na may kakaibang kulay berdeng mga mata. Kulay ng emerald, ng buong gubat tuwing tagsibol.  Pero imbes na magandang kulay berde ang makita ni Fiona sa mga matang iyon— kamatayan niya ang nakikita niya sa mga matang iyon.

"Maniwala ka! Hindi ako ang may kagagawan kay Dad nito!" Hiyaw ni Fiona at napatingin kay Calisto na wala pa ring malay at patuloy na nagdudugo ang dibdib.

"Grrrr!" Gumapang ang kilabot sa buong katawan ni Fiona nang marinig niya ang pag growl ni Elara sa kaniyang harapan, alam niyang anytime ay aatakihin na siya nito pero hindi niya maigalaw ang kaniyang mga paa.

"Da-dad so-sorry pe-pero kailangan kitang iwan," nauutal na sagot ni Fiona at agad siyang tumakbo papunta sa pinto ng bahay pero bago pa siya tuluyan na makalabas ay agad siyang sinakmal ni Elara sa kaniyang braso na kaniyang kinahiyaw.

Ang malaking at matutulis na mga ngipin ni Elara ay agad na bumaon sa payat na braso ni Fiona, winasiwas siya ni Elara at tumilapon sa garden ng bahay nila. Tumama ang katawan ni Fiona sa gate at napaluhod, napatingin si Fiona sa kaniyang braso at napahiyaw nang makita ang pagkakalasog-lasog nito.

"Aaaaaah!" Sa sobrang sakit ay hindi na makapag-isip ng tama si Fiona, ang huong atensyon ni Elara ay nasa kaniya lamang. Walang ibang rogues na nasa paligid nila at maging si Algern ay abala sa pakikipaglaban kay Damian.

"Aaaah! Please wag kang lalapit!" Hiyaw ni Fiona habang humahakbang papalapit si Elara sa kaniya. Pero wala ng kontrol si Elara sa kaniyang katawan maging sa kaniyanb isipan, ngayon na lumabas na ang kaniyang wolf ay hindi niya na magawa pang kontrolin ang lakas nito lalo na ngayon na magulo rin ang kaniyang emotion at isipan.

"Please stop! Dad! Help me!" Hiyaw ni Fiona habang gumagapang patayo at namamadaling buksan ang gate. Nakalabas siya ng gate pero hirap na hirap siyang lumakad palayo, sa lakas ng impact ng atake ni Elara ay ilan sa kaniyang mga buto ang tuluyan ng nabali.

Kahit anong sigaw at pagmamakaawa ni Fiona ay hindi rumirihistro sa tenga at isip ni Elara. Patuloy siyang humahakbang papalapit habang pinaglalaruan ang takot ni Fiona. Isang malaking wolf na hinahabol ang isang maliit na koneho na hindi na makatakbo.

Habang hirap na hirap maglakad si Diona ay tumutulo ang kaniyang dugo sa simento, ito ang bakas na sinusundan ni Elara habang nilalasap ang paghihirap ng kaniyang stepsister. Ramdam na ramdma niya ang takot ni Fiona na nagbibigay ng satisfaction sa kaniya.

"Dad!" Hiyaw ni Fiona at hindi si Algern ang tinatawag niya kundi si Calisto, natatakot na siya at alam niyang pinaglalaruan na lamang siya ni Elara. Hindi na rin siya makapag transform sa kaniyang wolf form dahil sa panghihina niya, ni hindi man lang siya nakalaban kay Elara o na puruhan man kang ito.

Akala niya ito na ang paghihiganti na iniintay niya pero ramdam niya na ito na ang kaniyang katapusan.

"Fiona, anak ko," malambing na tawag ni Fernanda kay Fiona kaya napalingon si Elara at Fiona sa direksyon ni Fernanda, duguan ang kamay nito at ang mahahaba nitong kuko, galing siya sa likod ng bahay nila Elara at ngayon malinaw na kay Fiona kung sino ang gumawa noon kay Calisto.

"Aah! Anong ginawa mo Mom!" Hiyaw ni Fiona, lalo siyang nanlumo sa mga nangyari at nakikita niya ngayon. Mukhang ito na nga ang karma niya sa lahat ng mga kasalanan na ginawa niya kay Elara.

Hindi alam ni Fiona kung sino ang nagpatakas kay Fernanda at kung bakit sinaktan ni Fernanda si Calisto. Wala na siyang maisip kundi ang galit at inis dahil walang umaayon sa mga plano niya.

Nagngingit sa galit ang wolf ni Elara, pamilyar sa kaniya ang mukha ni Fernanda at alam niyang dapat niyang saktan ito. Walang anu-ano pa man ay sinugod ni Elara si Fernanda at kinalmot ang mukha at leeg nito. Sa bilis ng pangyayari ay nahati ang balikat, leeg at ulo ni Fernanda at tumilapon ito sa simento.

Nang makita ito ni Fiona ay lalo siyang nilamon ng takot, nagkalakas siya na tumakbo papalayo kay Elara dahil alam niyang mas malala ang mangyayari sa kaniha kung mahuli siya ni Elara.

Dinala ni Fiona si Elara sa labanan kung saan maraming mga rogue na poprotekta sa kaniya, pero laking gulat ni Fiona nang makita niya si Elara na inaatake rin ang ilan sa mga Nightraven.

Doon niya na pagtanto na nagwawala ito at hindi makontrol ang kaniyang wolf. Muling napangiti si Fiona at agad na hinanap si Damian at iba pang Nightraven sa labanan.

"Elara!" Hiyaw ni Fiona at iika-ikawng tumakbo papunta sa pwesto ng ilan sa mga pack members ng Nightraven at pagdating pa lang ni Elara sa lugar ng labanan ay naramdaman na ng lahat ng intense na lakas na mayroon ang Luna ng Nightraven.

Gulat na gulat ang buong pack ng Nightraven at Forestheart maging ang Silvereye pack na tumutulong sa kanila, alam nilang mananalo na sila sa labanan dahil sa lakas na pinaparamdam sa kanila ni Elara. Alam nilang nung nagpakira na si Elara sa battle field ay tapos na ang laban pero lahat sila ay napatulala nang biglang sakmalin ni Elara ang isa sa pack members ng Silvereye pack at ihagos ito nang sobrang lakas gamit ang kaniyang bibig.

Doon nila na pagtanto na hindi lang mga rogues ang nanganganib kundi pati mga buhay nila.

Napatulala si Damian nang makita niya ang wolf ni Elara, hindi niya alam kung ano ang nakapag trigger kay Elara para mag transform ito sa kaniyang wolf form pero ang alam niya lang ngayon ay nanganganib ang lahat ng nasa labanan na ito.

"Nightraven! Fall back!" Hiyaw ni Damian na agad sinunod ng lahat ng kaniyang mga kakampi, naiwan ang mga rogues sa harap ni Elara at mabilis silang pinag sasakmal at pinagkakalmot ni Elara.

Nangangatog man sa takot at nagawa pa ring ngumiti ni Fiona nang makita niyang tama ang kaniyang hinala na hindi nga kayang kontrolin ni Elara ang kaniyang wolf. Kung makakatakas siya ngayon sa sitwasyon na 'to habang nagwawala si Elara sa buong lugar ay may pagkakataon pa siya para maghiganti muli.

"Si Elara na ang lilinis ng kalat na ginawa ko, papatayin niya ang lahat ng nasa palaigid niya habang nagtatago ako at kapag nagkaroon na siya ng malay at kontrol ay makikita niya ang ginawa niya, makikita niya ang mga pinatay niyang pack members niya at sigurado akong iyon ang sisira sa pagiging Luna niya at sa pagiging kampante niya," bulong ni Fiona ba ang nagtatago sa likod ng puno at pinagmamasdan kung pano makipaglaban ang mga rogue kay Elara.

"Elara!" Hiyaw ni Damian sa kaniyang Luna at pilit na tinitignan kung nakikilala ba siya ni Elara pero mukhang hindi dahil ni tingin ay hindi siya pinagbigyan nito.

Parami na nang parami ang napapatay ni Elara, nakakakilabot din ang mga pagkamatay ng mga ito dahil sa sobrang talim ng kuko ni Elara na kayang pumutol ng isang buong puno. 

"Masama 'to, hindi niya ako naririnig."

TO BE CONTINUED

AN: Sorry guys ang ikli lang ng update ko. Sobrang pagod ko today and hinabol ko lang 'to for daily updates. Post ko 'yung second part bukas.

A T E  V E N N

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon