CHAPTER: 98

897 38 1
                                    

Panay ang ulan tuwing sumasapit ang hapon at gabi, pero maganda ang timpla ng langit ngayon umaga kaya na pagdesisyonan ni Damian na ayain si Elara na maglibot pa sa ibang parte ng Herveuax. Nangako rin si Damian sa kaniyang Luna na ipapasyal niya ito gamit ang kaniyang wolf form.

"Hindi pa rin ako sanay na hindi ka nagsusuot ng jacket or cardigan, dati kahit summer makapal pa rin ang suot mong damit dahil lagi ka may sakit at nilalamig, pero ngayon ay parang normal na she-wolf ka na, hindi ka na nakakaramdam ng lamig dahil sa init ng katawan mo," sagot ni Damian, naalala niya kasi na lagi siya nag-aalala sa kung ano ang susuotin ni Elara dahil lamigin ito at laging nagkakasakit.

"Hahaha, oo nga no? Hindi ko rin napansin, madalas nga akong nilalamig noon pero ngayon ay hindi na ako ganoong nakakaramdam ng lamig sa katawan. Lalo na... nitong mga nakaraang araw," nahihiyang sabi ni Elara at nagdadalawang isip na banggitin ang mga huling salita niya dahil nahihiya siya na sobrang init ng kaniyang katawan dahil sa in heat siya ngayon.

"Hahaha, wag mo ikahiya ang in heat cycle mo, normal sa ating mga Lycan at werewolf ang bagay na iyan, binigay ng Moon Goddess para magparami tayo," sagot ni Damian at nilahad ang kaniyang kamay sa kaniyang Luna.

"Ano tara na?" Tanong ni Damian at tumango naman si Elara, dala-dala niya ang pamalit na damit ni Damian dahil paniguradong masisira ang denim shorts na suot nito kapag nagshift siya sa kaniyang wolf form.

Mabilis na nagpalit si Damian ng kaniyang anyo, mula sa kaniyang normal na katawan papunta sa kaniyang wolf form. Hindi pa rin makapaniwala si Elara sa kaniyang nakita, hindi siya makapaniwala sa kagandahan ng wolf ni Damian, sobrang laki rin nito na sing laki ng isang sasakyan, itim na itim ang kulay ng kaniyang balahibo na kumikintab kapag natatamaan ng sikat ng araw, ang gintong mga mata nito ay parang bilog na orb na gawa sa ginto.

Hindi tuloy maiwasan ni Elara na himasin ang malambot na balahibo ni Damian, hinawakan niya ang mukha nito at pinanggigilan ang mga tenga ni Damian. Para siyang nakayakap sa isang malaking stuff toy na sobrang lambot at init.

"Hahaha, wag mong paglaruan ang tenga namin, Elara. Iyan ang kahinaan namin Xavier," sagot ni Damian sa pamamagitan ng mind link kaya agad na napabitaw si Elara sa tenga ni Damian.

"Sorry, ang cute niyo lang talaga," sagot ni Elara kaya natawa si Damian.

'Ikaw lang ang nagsabi na cute ang wolf form namin, Luna Elara. Karamihan ng nakakakita sa amin ni Damian ay natatakot sa laki at kulay ng wolf form namin,' sagot naman ni Xavier sa pamamagitan pa rin ng mind link.

"Sino ang matatakot sa ganito ka-cute na werewolf? Ang lambot pa ng balahibo niyo," sagot ni Elara kaya natawa na lamang si Xavier at si Damian naman ay nakaramdam ng hiya.

Gusto tuloy ni Damian na dambain si Elara at maging cuddle na lang dito kaysa sa lumabas sila ng cabin at maggala. Pero hindi pwede, baka mabali ang buto ni Elara sa bigat niya, o hindi naman ay baka hindi ito makahinga kapag dinaganan niya ang kaniyang Luna.

"Tara na, sumakay ka na sa akin at marami pa tayong pupuntahan," sagot ni Damian at nilapat ang kaniyang katawan sa damuhan para maabot ni Elara ang kaniyang likuran, marahan naman sumampa si Elara sa likuran ni Damian at doon sumakay.

"Are you ready? Kumapit ka ng mabuti," sagot ni Damian at mahigpit naman na yumakap si Elara sa bandang leeg ni Damian pero hindi ito maabot ng kaniyang mga braso dahil sa laki kaya kumapit lang siya sa balahibo ni Damian.

"Hindi ka ba masasaktan kung kakapit ako sa balahibo mo? Parang sinasabunutan na kita ninto eh," nag-aalalang tanong ni Elara dahil alam niya na kung sobrang bilis ng takbo ni Damian ay talagang mapapakapit siya sa balahibo ni Damian.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon