CHAPTER: 119

856 34 3
                                    

"Akala ko hindi ka na magigising," tugon ni Elara habang nakasandal sa balikat ni Damian, nakaupo sila ngayon sa harap ng lake na pinapalibutan ng willow tree sa loob ng Nightraven.

Binabalot ng dilim ang buong paligid, tanging liwanag ng buwan lamang ang ilaw nila at ang mga alitaptap na nagkalat at naglalaro sa mga puno na nakapaligid nila. Ito ang paboritong lugar ni Elara sa buong pack house kung saan kitang-kita niya ang magandang buwan at ang mahika na binibigay ng mga alitaptap sa buong kapaligiran.

"Pwede ba 'yun? Hindi kita kayang iwan no," sagot naman ni Damian at napatingin sa kaniyang Luna. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na namarkahan niya na si Elara at ngayon ay ganap na ang bond nila bilang magfated mate.

"Alam mo ba, nung wala akong malay, ikaw lang din ang nasa isip ko." Napatingin si Elara kay Damian nang sabihin niya iyon pero nanatili siyang tahimik at iniintay ang susunod na sasabihin ng kaniyang Alpha.

"Para akong nasa loob ng mahabang panaginip na ayoko na magising, kasi sa panaginip na iyon ay masaya tayong lahat, kompleto ang Nightraven at walang nangyaring digmaan sa pagitan ng mga rogues," tugon ni Damian, siguro ay parte ito ng kaniyang isip na mariing na hinihiling na sana ay kasama niya pa lahat ng pack members niya, na walang namatay ni isa sa kanila.

"Masaya raw tayong nagtatawanan at kumakain sa training ground katulad nung last celebration na'tin, pero this time ay kasama na natin ang mga anak natin. Nakakatuwa nga na kambal na babae ang anak natin sa panaginip ko hahaha," sagot ni Damian kaya napabalikwas si Elara, hindi niya pa kasi nasasabi sa kaniyang mate ang nangyari sa kaniya.

"Kambal din?" Tanong ni Elara at tumango si Damian nang may pagtataka. Kumunot ang noo niya at umayos ng upo para maharap si Elara.

"Napaginipin mo rin sila no? Nung nilalabanan mo si Shiana?" Tanong ni Damian at tumango si Elara.

"Oo, nakita ko ang dating sarili ko, si Shiana, ikaw and anak nating kambal at ang panganay ko," nakangiti na tugon ni Elara habang nakatingin sa kaniyang tiyan pero ramdam ni Damian ang lungkot sa mga mata ni Elara kaya niyakap niya ito.

Kinulong ni Damian sa kaniyang bisig ang maliit na pangangatawan ni Elara saka niya sinandal ang kaniyang baba sa kanang balikat ni Elara. "Masaya ako na nakausap mo siya," sagot ni Damian at tumango naman si Elara.

"Siya ang nagturo sa akin ng daan pabalik sa inyo, nakita kitang naglalakad habang hawak sa magkabilang kamay mo ang kambal nating anak," kwento ni Elara at natawa si Damian dahil ganoon na ganoon din ang panahinip niya.

Lagi raw nakahawak at nakabuntot sa kaniya ang kambal niyang mga anak, hindi niya tanda ang mga pangalan nito pero alam niyang parehong pangalan ng mga bulaklak ang binigay nilang pangalan dito.

"Hahaha, tignan na lang natin kung magiging clingy pa sila sa'yo, magiging mommies girl silang dalawa no," sagot ni Elara at sabay silang napangiti ni Damian habang iniisip pa lamang ang mga bagay na iyon. Ang pakiramdam na pareho na silang magiging magulang at matututo na magmahal pa ng taong mas mahalaga sa buhay nilang dalawa.

"Pero alam mo hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ng emperor kahapon, hindi ko alam na totoong may dragon pa sa panahon na 'to," saad ni Elara, panibago na naman ang usapan nila at tila hindi ito nauubos hanggang hindi sila nakakaramdam ng antok.

"Hahaha, nung nakita ko si Achlys noon, naramdaman ko na ang kakaiba niyang lakas pero magaling kasi siya magkontrol ng kapangyarihan niya eh. Kapag kailangan niya itong itago sa iba ay ginagawa niya para mawala ang suspicion sa kaniya at sa nagpapanggap na emperor," sagot ni Damian, miske siya ay nagulat sa tunay na lakas na tinatago ng emperor. May parte pa nga sa kaniya na nagsasabing hindi pa iyon ang tunay na lakas ng emperor at may naitatago pa ito.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon