CHAPTER: 57

1.1K 57 9
                                    

Habang nasa byahe ay inaaliw ni Elara ang kaniyang sarili sa magandang tanawin na nasa harapan niya. Pinaliligitan ng matataas na burol at buntok ang border ng Summergrave Empire, puno ng mga malalawak na anyong tubig ang kapatagan at binabalot ng kulay berde ang buong lugar lalo na sa parte ng probinsya.

"May ipapakita pala ako sa'yo," sagot ni Damian at pinakita ang picture na dala ni Melody kanina. Kumunot ang noo ni Elara at tinignan ang picture, inisa isa niya ang mga estudyante sa letrato at nakita niya ang ilang pamilyar na mukha rito.

"Huh? Class picture nila mama?" Tanong ni Elara sa kaniyang sarili, hindi mapigilan mapangiti dahil madalang siya makakita ng picture ng kaniyang ina noong dalaga pa ito.

"Classmate niya nga si Mom at si Fernanda," sagot ni Damian, tumingin si Elara sa picture at nakita nga roon ang picture ni Fernanda. Hindi nagkakalayo ang pwesto ni Fernanda at ni Emely sa picture kaya agad niya itong namukhaan.

Hindi alam ni Elara ang dahilan pero biglang bumilis ang tibok ng puso niya, pakiramdam niya ay may kailangan siyang malaman at kailangan niyang tuklasin ang nakaraan ng kaniyang ina at ni Fernanda, sa pag-iisip ay biglng may pumasok sa utak niya— isang memorya bago siya bawian ng hininga sa unang buhay niya.

'Alam mo Elara, tama na 'yang paghihirap mo. Huwag kana lumaban dahil wala ka naman kakampi rito, tuluran mo na lang ang iyong ina, namatay siya ng walang kalaban-laban dahil sa drugs na 'to. Hahaha,' umalingawngaw ang boses ni Fernanda sa tenga niya, agad siyang napatakip sa kaniyang tenga at yumuko dahil sa masamang memorya na malinaw na bumabalik sa utak niya.

"Elara? Anong nangyayari?" Natatarantang tanong ni Damian at sandalimg tinigil ang sasakyan sa gilid ng daan. Mabuti na lang ay wala pa sila sa central city at walang ibang sasakyan ang dumadaan sa maluwag na kalsada.

Hindi naman masabi ni Elara ang problema dahil pano niya aaminin kay Damin na naalala niya 'yung sinabi sa kaniya ni Fernanda bago siya mamatay sa hinaharap?

"Elara, sabihin mo sa akin kung anong masakit? Teka, kukuha ako ng tubig," sagot ni Damian at inabot ang dala niyang tubig.

Uminum naman si Elara at kinalma ang kaniyang sarili , hindi niya pwede aminin kay Damian kung ano ang iniisip niya ngayon. Hindi pwede malaman ni Damian ang lahat ng mga naranasan niya sa unang buhay na mayroon siya, hindi siya pwede magkamali.

"Malakas ang kutob ko na may kinalaman si Fernanda sa pagkamatay ng nanay ko," sagot ni Elara, dahil ngayon ay malinaw niya nang naalala kung ano ang mga huling salita na iniway sa kaniya ni Fernanda nung gabing iyon.

"Kumalma ka, hahanap tayo ng evidence para mapakulong natin ang mag ina na 'yan, makakahanap ka ng hustisya sa mga ginawa nila sa'yo," sagot ni Damian pilit na pinapakalma ang kaniyang luna habang hinahagod ang likod ninto.

"Salamat Damian," sagot naman ni Elara at hinayaan na muna ni Damian na huminahon si Elara saka sila nagpatuloy sa byahe.

Nakarating sila sa bayan at sinalubong ng busy na pamayanan. Sobrang daming tao dahil holiday din ngayon, maraming nag gagala at kumakain sa labas, maraming mga taong sinusulit ang kanilang bakasyon.

"Saan mo gusto pumunta? Kumalma ka na ba? Gusto mo kumain tayo?" Tanong ni Damian at tumango na lamang si Elara at hinayaan si Damian mag decide kung saan sila kakain.

Pinarada ni Damian ang pulang Aston Martin niyang sasakyan na pinagtitinginan ng mga tao sa daan. Kinakabahan siya sa balak ni Elara, gusto kasi nitong ipakita sa mga tao sa buong Summergrave na fake news ang mga umiikot na aritcle at news tungkol sa kanilang dalawa at sa Nighthraven.

"Sure ka ba kaya mo pa gawin 'yung plano na'tin?" Tanong ni Damian, nakita ni Elara ang pag-aalala sa mga mata ni Damian at alam ni Elara na kailangan niyang lakasan ang loob niya kung gusto niyang protektahan ang mga taong mahalaga sa kaniya.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon