CHAPTER: 108

731 32 5
                                    

"Sabihin mo sa akin lahat ng information sa finance ng Forestheart, ibigay mo sa akin lahat ng bank accounts at iba pang investment ng pack ngayon din!" Hiyaw ni Fiona, kanina pa kasi walang imik si Elijah at hindi siya pinapakinggan nito.

"Hindi ka magsasalita? Hindi ka talaga kikilos?" Tanong ni Fiona pero hindi umiimik si Elijah, nanatili itong nakaupo sa kaniyang wheelchair, nakayuko at walang salita ang lumabas sa kaniyang bibig.

"Gusto mo bang sumunod sa mga magulang mo?" Tanong ni Fiona at doon lang tumingin sa kaniya si Elijah, walang emotion ang mga mata nito, blang ko at hindi makikitaan ng kahit ano mang galit o lungkot.

"Hindi ba't sabi niyo ay hindi niyo papatayin ang mga magulang ko kung magsasalita ako at ibibigay sa inyo ang lahat ng kayamanan ng Forestheart? Nasaan na sila ngayon? Ano pang silbi ng pagsaalita ko?" Tanong ni Elijah dahilan para mag ngitngit ang mga ngipin ni Fiona sa galit.

Hindi niya naisip ang bagay na iiyon, wala na panghahawakan pa si Elijah, wala ng importante sa kaniya ngayon na pati si Esmeralda ay patay na. Wala ng kinatatakutan pa si Elijah, wala na itong kahinaan dahil wala ng natira sa kaniya para magkaroon ng anu mang poprotektahan.

"Tsk, ano ba kasi nangyari at pati si Esmeralda ay pinatay ni Algern?" Tanong ni Fina at tumingin sa labas ng bintana kung saan makikita ang malaking apoy na kumakain sa mga kabahayan sa village.

"Kung ibibigay mo sa akin ang lahat ng bank account niyo at investment ay sisiguraduhin ko na ililigtas ko pa ang pack na 'to, hindi pa naman huli para sa Forestheart na makabangon ulit," tugon ni Fiona at pilit na inuuto at gumawa ng paraan para mabuhayan si Elijah pero nanatiling tikom ang bibig ni Elijah sa mga salitang anrinig niya.

Lalong kumunot ang noo ni Fiona, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya ngayon. Paniguradong mas pipiliin pa ni Elijah na mamatay na lamang kaysa sa makuha nila ang pinaghirapan na yaman ng Forestheart pack.

Nagpabalik-balik si Fiona sa harap ng bintana habang kagat-kagat ang kuko niya sa kaniyang hinlalaki, patuloy na nag-iisip ng paraan para makuha niya ang impormasyon na kailangan niya kay Elijah.

"May iba pang pack members na nanatiling buhay, kung ibibigay mo sa akin ang mga impormasyon na kailangan ko ay papakawalan namin sila," sagot ni Fiona pero wala na sa wisyo si Elijah para maniwala pa at makinig sa mga sinasabi niya.

"Wala ka na pakialam sa pack members mo? Anong klaseng Alpha ka?" Tanong ni Fiona sabay sampal sa pisngi ni Elijah, hindi niya na mapigilan ang galit at inis niya dahil sa pinapakita ni Elijah sa kaniyang harapan.

Gusto niya na lang matapos na ang interogasyon niya kay Elijah dahil hindi niya magawang tignan ang mga mata nito at lalo na ang kondisyon na pinapakita sa kaniya nito. Hindi niya nakilala si Elijah bilang isang mahina at walang kwentang he-wolf, siya ang isang bagay na nais niyang makuha kay Elara noon dahil naiingit siya sa pinapakitang pagmamahal ni Elijah sa stepsister niya na si Elara, pero ngayon na alam niyang fated mate niya talaga si Elijah at sila talaga ang para sa isa-isa, tila ba nawalan na ng kinang ang mga mata ng kaniyang Alpha, para bang si Elara lang talaga ang kayang mabigay ng saya na iyon sa mga mata ni Elijah.

"Kung hindi mo ibibigay sa akin ang kailangan ko, sisiguraduhin ko na papatayin ko si Elara at ibibigay ko sa'yo ang ulo niya." Ayaw man tanggapin ni Fiona ang katotohanan pero alam niyang mas importante pa rin kay Elijah ang stepsister niya.

"Huwag! Huwag na huwag mong gagawin 'yan!" Hiyaw ni Elijah, kulang na lamang ay tumayo siya sa kaniyang wheelchair at saktan si Fiona.

Lalong nakaramdam ng galit sa kaniyang puso si Fiona dahil sa pinakita ni Elijah sa kaniya, ngayon ay kompirmado niya na, kahit na fate mate niya si Elijah ay kay ELara pa rin tumitibok ang puso nito at wala ng iba.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon