CHAPTER: 94

887 34 4
                                    

Isang buwan na ang lumipas simula nang mabalitaan nila ang nangyari kay Fiona, simula nun ay tumahimik ang lahat ng mga kaguluhan na nangyayari sa loob ng Summergrave dahilan para makapagpahinga silang lahat sa mission at makapag-focus sa training nila sa Herveaux pack.

Malaki ang hinala ni Calix na konektado si Algern sa pagbebenta ng droga sa mga rogue, at napatunayan na nila Damian ang bagay na iyon dahil simula nang mabalitaan nila ang nangyari kay Fiona ay tumigil ang galaw ni Algern at nabawasan ang kaguluhan na nangyayari sa border ng Summergrave, pero hindi ibig sabihin ninto ay tapos na ang mission nila dahil hanggat hindi nila nahahanap si Algern ay hindi matatapos ang labanan na ito.

"Nakakapanibago na hinayaan mo kong magpahinga, Alpha Damian," sagot ni Calix, nakaupo siya sa gazebo na nasa gilid ng training ground, isang lugar na ginawa ni Beta Emmanuel para pagpahingahan ng kaniyang pamangkin na si Elara.

"Hahaha, baka kasi isumpa mo na ako kung hindi kita bigyan ng day off, isa pa wala naman masyadong trabaho ngayon kaya si Melody at Lilian muna ang bahala sa pack," paliwanag ni Damian. Pinagpalit niya muna ang kaniyang Beta at Gamma sa pagsama sa kaniya sa Herveaux pack, nais din kasi ipakita ni Damian kay Calix kung pano ang intense training na ginagawa nila sa Herveaux.

"Sus, gusto mo lang gawin ang training na 'to sa mga warrior natin para mas maging malakas, tingin mo susundin nila ang nakakatakot na training na 'to? Alam mo naman may iba't ibang fighting style ang bawat isa sa atin," tugon ni Calix, isa pa ay hindi niya kayang ituro ito sa mga warrior nila, iniisip niya pa lang ay sumasakit na ang ulo niya.

"Hahaha, kung matutunan natin ang training nila as a group ay wala na makakalaban sa'tin," sagot ni Damian at napailing na lamang si Calix dahil hindi siya iniintindi ng Alpha nila.

Napatingin silang dalawa kay ELara na ngayon lang ulit nakabalik sa kaniyang training, isang linggo rin nagpahinga si Elara pagtapos niyang mabalitaan ang nangyari kay Fiona. Hindi nila alam ang iniisip ni Elara, o kung ano ang nararamdaman nito.

Hindi nila nakitang umiyak o nagluksa si Elara, hindi rin ito nakitang naging masaya o natuwa sa nangyari kay Fiona. Tila ba malalim ang iniisip nito at parating tulala. Kaya binigyan muna siya ni Beta Emmanuel ng oras para makapagpahinga at nitong nakaraang tatlong linggo ay nagsimula na ulit siyang magtraining.

Nakakagulat ang improvement na pinakita ni Elara sa kanila, nakontrol niya na ang kaniyang eighty percent Lerian power at unti na lang ay handa na ang katawan niya para harapin ang wolf niya.

"Alpha Damian may tanong ako." Hindi mapigilan ni Calix na magtanong dahil nag-aalala siya sa kaniyang Alpha. Ngayon na nakikita niya ng personal ang lakas ng kanilang Luna ay miske siya ay hindi maiwasan kabahan at matakot sa lakas ni Elara.

Napapaisip tuloy si Calix kung makakaya ba talaga ni Damian na harapin si Elara, o kung kaya ba nitong saktan ang luna niya kung magwala ito at mawala sa kontrol. Nag-aalala siya na baka mas malakas na si Elara ngayon sa kanilang Alpha, dahil hindi pwede mangyari ang bagay na iyon, dapat ang Alpha pa rin ang pinaka malakas sa isang pack at hindi ang kaniyang Luna.

"Ano? Nag iisip ka na naman kung makakaya ko bang kalabanin si Elara?" Tanong ni Damian dahil ilang beses na rin itong natanong sa kaniya ni Melody at Lilian nung makita nila ang tunay na kapangyarihan ni Elara.

"Hindi naman sa wala akong tiwala sa'yo o nagdadalawang isip ako sa kakayahan mo. Hindi ko lang mapigilan mag-alala para sa inyong dalawa," sagot ni Calix at tumango si Damian.

"Huwag ka mag-alala, hindi ako pwedeng matalo ni Elara o ng wolf niya. Nag te-training din ako para mahigitan siya at isa pa mas matagal ako sa labanan, mas may alam ako sa mga sitwasyon na mangyayari kaya huwag ka mag-alalala. Isa pa kung mawala man ng kontrol si Elara ay hindi naman mag-isang haharap sa kaniya kundi ang buong pack niya," tugon ni Damian na kinangiti naman ni Calix.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon