CHAPTER: 114

800 39 6
                                    

This chapter is dedicated to: cutie_girl26


"Ahhhh! Tulong!" Hiyaw ng isang rogue, dinamba siya ni Elara at agad na kinagat ang binti nito saka malakas na hinila dahilan para humiwalay ang binti nito sa kaniyang katawan. Nagsisitakbuhan sa ibat' ibang direksyon ang mga kalaban miske ang ilan kakampi ng Nightraven, lahat sila ay walang ligtas sa halimaw na may kontrol ng katawan ni Elara.

"Alpha Damian! Anong nangyayari sa iyong Luna? Hindi kami tumulong sa inyo para mapahamak din ang mga pack members namin!" Hiyaw ni Chris, ang Gamma ng Silvereye pack na siyang tumutulong ngayon sa pack nila Damian.

"Iwan niyo na ang gulong ito sa amin, kunin mo lahat ng mga pack members mo at lumayo na agad kayo sa lugar na 'to," utos ni Damian, hindi naman nakatanggi o nakapagreklamo si Chris dahil alam niyang hindi rin ito gustong mangyari ni Damian. Kitang-kita rin sa mga mata ni Damian ang takot at lungkot, hindi niya alam ang kaniyang gagawin para matigil na ang nangyayaring gulo at sobra siyang nag aalala para kay Elara.

"Masusunod, pero tutulungan namin lahat ng sugatan at aalis na sa lugar na 'to," sagot ni Chris.

"Maraming salamat, pakisabi sa inyong Alpha na tatanawin ko 'tong utang na loob," sagot ni Damian at tumago na si Chris saka binigyan ng command ang kanilang pack na umatras na sa laban kasama ng iba pang mga kamampi nila na sugatan.

"Alpha Damian, anong gagawin natin? Paalisin na rin ba natin ang ibang pack members?" Tanong ni Calix, sa sitwasyon na 'to ay hindi niya alam ang dapat gawin, hindi siya makaisip ng plano dahil alam niyang delikado ang bawat gagawin nila dahil ngayon ay konektado na ito sa pagwawala ni Elara.

"Lahat ba ng mga hostage ay nakuha na?" Tanong ni Damian habang hindi niya inaalis ang kaniyang tingin kay Elara, hinahayaan niya itong magwala habang mga kalaban pa ang pinupuntirya nito.

"Yes Alpha, pinasama ko na sila sa Silvereye pack na bumalik sa Nightraven," sagot ni Calix at tumango naman si Damian.

'Nightraven, lahat ng gustong bumalik sa pack house ay umatras na at sumunod sa kakampi na'tin,' utos ni Damian sa pamamagitan ng mind link. Wala na siyang iba pang paraan na naiisip para mapaliit ang damage na ginagawa ni Elara, ayaw niyang magising si Elara at makita na napatay niya ang pack members niya, ayaw niyang magsisisi si Elara sa hindi niya naman nais gawin kaya mas mabuti pang paalisin niya na ang ibang pack members para walang madamay sa gulo.

Pero walang sumagot sa utos ni Damian, tamihim silang lahat at tila naghahanda sa pagsugod.

'Nightraven! Hindi niyo ba naririnig ang utos ko!?' Muling sabi ni Damian sa mind link pero wala pa ring sumasagot sa kaniya. Hawak niya ang autoridad at sino mang pack members na hindi sumunod sa utos niya ay papatawan niya ng matinding parusa pero walang gumagalaw sa kanila, walang umaalis sa kinatatayuan nila at iniintay ang ibang utos na nais nilang marinig sa kanilang alpha.

"Walang susunod sa'yo Alpha Damian, lalo na't alam nilang kailangan nilang pigilan si Elara na kanilang Luna," sagot ni Calix at nayukom na lamang ni Damian ang kaniyang kamao.

Masyado ng marami ang pack members na namatay sa loob lang ng ksang araw dahil hindi niya ito na protektahan. Ayaw niya umabot sa punto na pati sila Calix at Jake ay masama pa sa mga masawi sa labanan.

"Alpha Damian! Nakita ko na si Calisto!" Hiyaw ni Emmanuel, bakay-bakay niya sa kaniyang likuran si Calisto, wala itong malay at sugatan.

"Nakita ko rin si Fernanda na wala ng buhay, mukhang nakatakas siya sa kulungan at siya ang gumawa nito kay Calisto," dagdag ni Emmanuel, lalong nagngitngit ang mga pangil ni Damian dahil paano nakatakas si Fernanda sa kulungan nito?

"Alpha, mukhang si Calisto ang nag trigger sa pagpapalit niya ng anyo, kailangan natin mapigilan si Elara bago pa mangyari ang ikinakatakot ko," sagot ni Emmanuel. Agad na tumulong si Calix at ilan pang medical team para gamutin si Calisto at dalhin sa maayos na lugar.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon