CHAPTER: 116

823 44 8
                                    

This chapter is dedicated to: jamelahfate


Unti-unting minulat ni Elara ang kaniyang mga mata at nakita ang mukha ni Damian na puno ng pag-aalala. Buhat-buhay siya nito habang duguan at nanghihina, ramdam ni Elara na wala siyang anumang suot sa kaniyang katawan dahil ramdam niya ang pagdampi ng hangin sa kaniyang balat.

"Damian..." tawag ni Elara sa kaniyang Alpha at ngumiti lang ito sa kaniya. Nagtataka si Elara kung bakit tila hirap na hirap si Damian at nung maihiga siya nito sa sofa ay doon niya nakita ang malaking kalmot sa kaniyang dibdib at sugat sa kaniyang tagiliran.

"Mabuti naman at gising ka na," saad ni Damian habang gamit ang nanghihina niyang boses. Aabutin pa lamang ni Elara ang kamay ni Damian nang bigla itong bumagsak sa sahig at nawalan ng malay.

Agad siyang tumayo pero bigla rin siyang napaluhod dahil sa panlalambot, ang mga tuhod niya ay ayaw kumilos, ang mga paa niya ay hindi niya maramdaman.

"Luna!" Napalingon si Elara kay Calix at dumating din si Emmanuel.

"Calix! Si Damian!" Hiyaw ni Elara at agad na tumakbo si Calix sa pwesto ni Damian at tinignan ang kalagayan nito. Agad niyang hinawakan ang palapulsuhan ni Damian upang tignan kung may heartbeat pa ba ito at ramdam niya ang mahinang pintig ng ugat nito.

"Buhay pa siya, sandali at tatawag ako ng tulong. Sir Emmanuel ikaw na muna ang bahala sa kanilang dalawa," sagot ni Calix at tumango naman si Emmanuel at lumapit sa kaniyang pamangkin na si Elara, kinuha niya ang suot niyang jacket at ibinigay sa kaniyang pamangkin.

Binuhat niya rin si Damian at inihiga sa isa sa mga kwarto sa loob ng pack house, sunod niyang inalalayan si Elara na hindi na maigalaw ang kaniyang mga binti dahil sa panghihina at inihiga rin ito sa kabilang kwarto.

"Dito ka muna, magpahinga ka at kami na ang bahala kay Damian," sagot ni Emmanuel pero hindi pa rin mapanatag si Elara, wala siyang natatandaan sa mga nangyari kundi ang pagkikita nila ni Shiana at ng anak niyang si Ezekiel.

Tumango na lamang si Elara, halo-halo ang nasa isipan niya. Kinakabahan siya magtanong ng mga bagay na baka lalong makagulo sa utak niya. Gusto niyang tanungin kung anong nangyari sa kaniya, kung bakit siya nawalan ng kontrol at kung ano ang nangyari kay Calisto.

"Ah! Si Dad!?" Napabalikwas si Elara sa kaniyang pagkakahiga, unti-unti niya nang naalala kung ano ang mga nangyari bago magdilim ang paningin niya.

"Nasa maayos na siyang kalagayan, nadala na siya ng Silvereye pack sa Nightraven," nakangiting paliwanag ni Emmanuel habang naghahanap ng damit ni Elara.

"Sandali lang at babalik ako, Elara. Suotin mo muna ang damit na 'to at titignan ko muna ang kalagayan ng Alpha mo," sagot ni Emmanuel at tumango naman si Elara.

Napayuko siya at napatingin sa malaking tshirt na nilapag ni Emmanuel sa ibabaw ng kama. Pilit niyang hinalukay ang memorya niya, sa pagkakatanda niya ay nakita niya si Fiona na duguan ang kamay habang hawak nito si Dad, doon ay hindi niya na alam kung ano ang sunod na nangyari.

"Nawalan ba ako ng kontrol?" Tanong niya sa kaniyang sarili at doon niya lng napagtanto ang lahat. Kung bakit siga nakahubad ngayon, kung bakit wala siyang maalala at kung bakit nakilala kiya si Shianan at ang anak niya.

"Nasaktan ko ba si Damian? Ako ba ang may kagagawan nito sa kaniya?" Tanong ni Elara at sunod-sunod nang tumulo ang mga luha niya sa kaniyang pisngi. Pumatak ang mga ito sa puting bedsheets at bumakat ang luha niya na walang tigil sa pagtulo.

'Elara,' napasinghap si Elara nang marinig niya ang boses na iyon.

'Shiana! Totoong andito ka na! Totoong nakakausap na kita!' Hindi maipaliwanag ni Elara ang saya at takot na naghahalo sa dibdib niya. Gusto niya magdiwang dahil tagumpay nilang na kontrol ang wolf niya. Isa na siyang ganap na Lycan at hindi na isang mahinang omega, pero hindi niya magawang sumigaw sa saya dahil natatakot siya— natatakot siyang malaman kung sinu-sino ang mga nasaktan niya, o kung may napatay ba siya sa pack members niya.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon