CHAPTER: 118

890 44 5
                                    

This chapter is dedicated to: krencananero

Nakabantay si Elara sa kaniyang Alpha na hanggang ngayon ay wala pa ring malay, mahigit isang linggo na pero wala pa ring pinapakitang ano mang senyales si Damian ng paggising nito. Natatakot na si Elara dahil habang patagal ng patagal ay mas lalong lumalaki ang pangamba niya na baka hindi na magising pa ang Alpha niya.

Pero patuloy lang nilalakasan ni Elara ang kaniyang loob dahil hindi niya susukuan si Damian kahit umabot pa ang pag-iintay niya ng ilang taon.

"Sana lang magising ka bago man lang ako manganak. Sabi ni tito Emmanuel ay aabutin lang daw ng isang linggo ang pagpapahinga mo pero bakit sobra na ng tatlong araw? Kinakabahan na ako Damian kaya gumising ka na," saad ni Elara sa kaniyang Alpha, hinawakan niya ang kamay nito at tinignan ang mahimbing na pagtulong ni Damian.

Ilang beses na rin sinusubukan ni Elara na makausap si Xavier sa pamamagitan ng mind link pero hindi rin maramdaman ni Shiana ang wolf mate niya. Sabi ni Shiana ay maaaring natutulog din si Xavier at hindi marinig ang wolf call niya.

"Shiana, tingin mo matatagalan pa sila?" Tanong ni Elara sa kaniyang wolf, narinig niyang nag umingit si Shiana at hindi rin alam kung anong sasabihin.

'Sa totoo lang Elara, hindi ko maramdaman si Xavier ngayon. Nung nakaraang linggo ay alam kong nagpapahinga lang siya pero ngayon ay hindi ko na mahanap ang presence niya,' sagot ni Shiana sa pamamagitan ng mind link. Ayaw niya man sabihin at aminin kay Elara ang bumabagabag sa isipan niya ay kailangan niyang maging totoo sa partner.

"Pero magigising pa naman sila hindi ba?" Bakas na sa mga mata ni Elara ang lungkot at nagbabadya na rin ang kaniyang mga luha dahil sa kaniyang mga naririnig.

'Magigising sila Elara, stable naman ang lahat sa katawan ni Damian. Babalik din sila mag intay lang tayo,' sagot ni Shiana at pinatibay ang loob ng kaniyang partner.

Napayuko na lamang si Elara sa higaan ni Damian at doon natulog. Hindi niya nilulubyan si Damian nitong mga nakaraang araw dahil nag aalala na siya noong lumagpas na sa isang linggo at hindi pa rin nagigising ang kaniyang Alpha.

Araw-araw siyang nagpapabalik-balik sa loob ng hospital room ni Damian, doon na rin siya natutulog at gumagawa ng kaniyang trabaho. Iniiwan niya lang ito kapag may importante siyang kailangan puntahan bilang Luna ng pack pero kung kaya naman ni Calix na gawan ng paraan ay nagpapaiwan si Elara para bantayan si Damian.

Ganoon ang naging routine ni Elara buong apat na linggo, lumipas na ang mga araw hanggang sa naging linggo at ang linggo ay naging buwan. Hindi na nakakatulog si Elara ng ayos dahil hindi niya na alam kung ano ang tunay na nangyayari kay Damian.

Miske sila Emmanuel ay nagtataka na kung bakit hindi pa rin nagigising si Damian, sa pagkakaalam kasi ni Emmanuel ay isang linggo lang ay magiging ayos na ang lahat. Kaya nag-aalala na sila sa kalagayan ni Damian at naghanap ng sulosyon sa iba't ibang lugar na maaaring nakakaalam ng nangyayari.

"Elara?" Napalingon si Elara sa pintuan at nakita niya si Melody, agad na napangiti si Elara at jnaya si Melody na pumasok sa loob ng kwarto ni Damian.

"Mel, kamusta ang vacation niyo ni Shouta? Handa ka na ba lumipat sa Herveaux pack?" Tanong ni Elara dahil kung iyon ang pasya ni Melody ay masaya niyang tatanggapin iyon.

"Hindi ako pwedeng umalis sa pack hanggat hindi ko nakukuha ang approval ni Damian—ng Alpha," sagot ni Melody at napatingin sa kaniyang Alpha.

Ngumiti ngunit malungkot ang mga mata ni Elara nang sabihin iyon ni Melody, masaya siya dahil iniintay ni Melody si Damian at hindi pa siya agad iiwan ng best friend niya, malungkot dahil hindi makasunod si Melody sa fated mate niya dahil hindi pa rin nagigising ang Alpha niya.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon