CHAPTER: 90

1K 45 2
                                    

Nakatitig si Elara sa repleksyon niya sa salamin, kagaya ng dati ay mas pansin niya na mas nagiging matingkad ang pagkaberde ng kaniyang mga mata lalo na nitong mga lumipas na buwan na hindi na siya umiinum ng ano mang suppressant drugs.

Gising na gising na rin ang wolf sense niya, ang kaniyang pandinig ay mas naging matalas, ang kaniyang paningin ay unti-unti nang lumilinaw kahit pagsapit ng gabi o kahit nasa dilim pa siya na lugar, mabilis din niyang nakikilala ang amoy ng sino man, ang wilf scent ng bawat isa ay tanda ng kaniyang utak.

"Ayos ka lang?" Napalingon si Elara nang makita niya si Damian na nakabihis na at handa na para sa training nilang araw.

"Medyo kinakabahan lang dahil parang kahapon lang ay wolfless ako tapos ngayon hindi pa rin nag sisink in sa utak ko na magigising na ang wolf ko. Kinakabahan ako na nae-excite kasi sa wakas ay magiging normal din akong omega," sagot ni Elara, malaya niyang nasasabi ang mga concern at isipin niya sa kaniyang Alpha, wala siyang tinatago rito dahil alam niyang hindi naman siya huhusgahan nito.

"Hindi omega, kundi isang Luna. Ikaw ang pinaka malakas na Luna, Elara," sagot ni Damian at napangiti naman si Elara dahil binibigyan siya parati ng lakas ni Damian at naririnig niya ang mga salitang nais niyang marinig mula sa kaniyang Alpha.

"Hahaha, sana makayanan natin 'to. Sa totoo lang ay kinakabahan ako na baka hindi natin magawang kontrolin ang wolf ko. Pero aasa at magtitiwala na lang ako sa sating dalawa, at sa mga taong tumutulong sa atin para magawa ito," sagot ni Elara. Tumango si Damian at lumapit sa kaniya para yakapin siya mula sa likod at halikan siya sa kaniyang pisngi.

"Magiging ayos ang lahat, makokontrol natin ang wolf mo. Kaya tara na at baka iniintay na tayo ni Beta Emmanuel," sagot ni Damian at tumango rin si Elara at naglakad na sila palabas ng pack house papunta sa training ground.

Napatingin ang karamihan ng mga nag tetraining sa pagdating nila, nakatingin sila kay Damian dahil hindi nila maiwasan matakot sa aura na binibigay nito. Ngayon lang nila personal na nakita ang Dark Shadow at tinaguriang Tyrant ng Nightraven at Summergrave Empire.

"Si Alpha Damian, totoo ang sinasabi nila na malakas nga siya."

"Tingin niyo sino ang mananalo kapag naglaban sila ni Alpha Kalil?"

"Shhh— ayaw nating magkaroon ng gera sa pagitan ng dalawang pinaka malakas na pack sa Gazina."

Rinig na rinig ni Elara ang mga usapan ng mga pack member ng Herveaux pack at hindi niya maiwasan na mapatingin kay Damian. Kung hindi niya totoong kilala si Damian ay iisipin niyang nakakatakot at nakaka intimidate talaga ang Alpha, tindig pa lang ni Damian at ang mga mata nito ay talagang kakabahan ka na, pero sinong mag-aakala na isang sweet at clingy na he-wolf ang Alpha na ito? Nakalimutan na nga ni Elara na tyrant nga pala ang tawag kay Damian noon.

"Makakasama natin ang Alpha sa training ngayon, kasama ang kaniyang Luna para sa paghahanda sa paggising ng Lerian wolf ni Luna Elara," paliwanag ni Emmanuel kahit na napaliwanag na ito ni Alpha Kalil sa kaniyang pack member.

"Roger!" Sagot nilang lahat at bumalik na sa training nila.

"Ano handa na ba kayo?" Tanong ni beta Emmanuel at tumango naman ang dalawa.

"Salamat sa pagtanggap niyo sa amin sa pack niiyo at sa pagpayag niyo na makita namin ang training na ginagawa niyo sa Herveuax pack," sagot ni Damian at umiling lang si Emmanuel habang nakangiti.

"Wlaang anuman, marami rin naman tayong pag-uusapan na negosyo at koneksyon pagtapos nito," tatawang tawang sagot ni Emmanuel dahil iyon ang napagkasunduan nila ni Calisto, Damian at Alpha Kalil.

"Oo naman, makakaasa kayo sa bagay na 'yan," tugon ni Damian.

Sinuri naman ni ELara ang paligid dahil hindi niya nakikita o naamoy si Mianard sa loob ng training ground. Makulimlim naman ang panahon pero mukhang hindi muna mag eensayo si Mainard ngayon.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon