CHAPTER: 112

783 36 6
                                    

This chapter is dedicated to: @marfemangu


Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi namalayan ni Fiona ang pagtilapon niya sa ere, ngayon ay nakasubsob na siya sa simento at bali ang isag braso dahil sa lakas ng impact ng atake na ginawa ni Elara sa kaniya. Lahat nang nakakita ng pag-atake ni Elara ay natulala, ramdam na ramdam nila ang kakaibang lakas ni Elara na para bang nakatingin sila sa isang halimaw, nakahatayo sa isang nilalang na kikitil ng kanilang buhay.

"Fiona!" Hiyaw naman ni Algern at agad na binuhat ang kaniyang anak at inilayo kaagad sa pwesto ni Elara, alam niyang hindi makakatayo agad si Fiona kung muling sumugod si Elara. Dahil miske si Algern ay hindi nakita ang bilis ng mga galaw ni Elara, nagulat na lamang siya na wala na si Fiona sa harapan niya at nakahandusay na sa simento.

"Elara! Huminahon ka, pilitin mong kontrolin ang paghinga mo!" Hiyaw ni Emmanuel, alam niyang mapanganib ang pagpunta ni Elara ngayon sa labanan na ito kaya siya sumama para mabantayan at makontrol ni Elara ang kaniyang emotion.

Pilit na kinakalma ni Elara ang kaniyang sarili pero nanginginig pa rin sa galit ang kaniyang mga laman, nais niyang saktan si Fiona, nais niyang pangasin ang leeg nito at ibato ang ulo nito sa apoy, gusto niyang pahirapan si Fiona kagaya ng pagpapahirap na ginawa nito kay Melody.

Hindi niya maikalma ang kaniyang sarili dahil hindi mawala ang imahe ni Melody sa kaniyang isipan, kada pipikit siya at ikakalma ang kaniyang puso at isipan ay pumapasok ang imahe ng best friend niya sa kaniyang utak. Imahe na sobrang kalunuslunos tignan.

Pansin ni Damian na nahihirapan si Elara na kontrolin ang kaniyang sarili, ramdma na ramdam niya ang lalim ng hininga ni Elara at ang pagkawala ng lakas nito. Ito ang pinag-aaralan nilang kontrolin sa training at alam niya na magwawala na si Elara kung magpatuloy pa ang iniisip nito ngayon.

Mabilis nA tumakbo si Damian papunta sa kinalalagyan ni Melody at miske siya ay hindi matignan ang kalunoslunos na dinanas ng isa sa kaniyang mga Gamma. Hinubad niya ang kaniyang leather jacket at tinakip sa hubad na katawan ni Melody habang binabalot din ito ng puting kumot.

"Emmanuel! Tumungan mo kong maalis ang kadena niya! Gawa sa silver 'to!" Hiyaw ni Damian at agad na tumakbo si Emmanuel sa pwesto niya.

Ginamit nila ang pagkakataon na makuha si Melody habang abala ang lahat sa takot na nararamdaman nila kay Elara. Aura pa lamang ng wolf ni Elara ay talagang kikilabutan ka na, tunay na nakakatakot ang sino mang Lycan na may dugong Lerian.

"Mel, gising! Mel!" Tawag ni Damian at nakita niya ang pagdilat ng mata ni Melody, hirap na hirap itong tumingin sa kaniya dulot ng pamamaga ng kaniyang mukha. Balak ni Melody magsalita at ipaliwanag kay Damian ang nangyayari pero pinigilan siya ni Damian dahil alam niyang wala ng lakas si Melody at kailangan niya na kaagad ng tulong.

"Wag ka na mag-alala, kami na ang bahala rito at magpahinga ka na. May maghahatid sa'yo sa pabalik ng pack house, gagamutin ka nila," sagot ni Damian at hinawakan ang malamig na kamay ni Melody. Ngayon lang nakaramdam si Damian ng malamig na kamay ng isang Lycan, ibig sabihin lang nito ay nag-aagaw buhay na ang gamma niya.

"Elara!" Hiyaw ni Damian kaya napatingin si Elara sa direksyon nila. Nakita niya si Melody na buhat-buhay ni Emmanuel at itatakas na sa kaguluhan na 'to para mabigyan ng paunang lunas.

"Magiging ayos din si Melody! Kaya mag focus ka sa laban!" Hiyaw ni Damian para maibalik ang isip ni Elara sa mission nila. Napaiyak naman si Elara nang malaman na buhay pa si Melody pero hindi niya maitatanggi na pinanghihinaan pa rin siya ng loob dahil sa matinding tinamo ng best friend niya.

Huminga nang malalim si Elara at tinampal ang dalawa niyang pisngi, humanda siya sa pagsugod at naka lock lang ang kaniyang mga mata kay Fiona. Nang makita ni Fiona ang pagiging berde ng mga mata ni Elara ay gumapang na ang takot sa buong katawan niya, para siyang nakatingin sa kamatayan habang nakatitig siya sa mga matang iyon.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon