CHAPTER: 53

1.2K 55 9
                                    

"Ano ba kasing ipinunta niyo rito? Hindi ba kayo makapag-intay sa reply ko, busy lang ako kaya hindi ko ma-check ang mga emails galing sa inyo," sagot ni Damian kay Diego na nakaupo sa couch kasama si Francis.

"Pumunta ako rito para personal na makita ang sinabi nila, at mukhang tama ang hinala ko," sagot ni Diego dahil pagpasok niya pa lamang sa pack house ay naramdaman niya na kaagad ang malakas na kapangyarihan ng kaniyang anak na si Damian, malayo sa kapangyarihan ninto noon nung hindi pa ito namamarkahan ni Elara.

"Ang hinala mo na alin?" Inis na tanong ni Damian, nakapatong ang kaniyang isang binti sa kanan niyang hita at nakacross arm habang nakalean sa office chair niya. Tinignan ni Damian ang kapatid niyang si Francis na tahimik lang na nakikinig sa usapan nilang dalawa ng kaniyang ama.

"Na hindi wolfless ang luna mo, na tinatago lang ni Calisto ang tunay na lakas ni Elara," sagot ni Diego kaya nakakuha siya nang matalim na tingin mula kay Damian.

"Minamatyagan mo ba kami ng aking Luna?" Tanong ni Damian sa kaniyang ama pero ngumiti lang si Diego at ininum ang nakahandang tea para sa kaniya.

"Hindi, pero syempre kailangan kong malaman kung sino ba ang fated mate ng aking mahal na bunsong anak," sarkastikong sagot ni Diego kahit hindi naman talaga ito ang dahilan. Wala naman talaga siyang pakialam kay Damian nung una pero habang lumalaki ang impluwensya at kapangyarihan ng kaniyang anak ay kailangan niya na rin makialam dito.

Gusto rin malinis ni Diego ang pangalan ni Damian, dahilan dumadami na naman ang allegations tungkol dito, ayaw niyang madamay siya sa mga nangyayari kay Damian, gusto niya lang madikit ang pangalan niya sa kaniyang anak tuwing may maganda itong impluwensya sa kaniya.

"Bakit sinama niyo si Francis dito? Hindi niyo na ba kayang maglakad mag isa at nagsama pa kayo ng alalay niyo?" Sarkastikong tanong ni Damian, gusto niyang asarin ang kuya Francis niya na walang ibang ginawa kundi magpasarap sa buhay at panoorin lang silang lahat.

"Hahaha, kahit ayoko, kailangan ko dahil ako na ang humahawak ng Forestheart pack ngayon pagtapos mong gawing baldado ang sarili mong kapatid na si Alpha Elijah," tugon ni Francis, talagang pinamukha niya pa kay Damian na siya ang dahilan kung bakit hindi pa rin nagkakamalay ang kapatid nilang si Elijah.

"Tama na 'yan, huwag na kayo mag-ayaw dalawa. Andito lang naman ako para mag propose ng isang kasunduan, tumatanda na ako at ayoko naman mamatay nang hindi ako kampante sa kalalagyan ng pack ko," sagot ni Diego, matagal niya na itong nais gawin pero hindi siya makapagdesisyon dahil na rin sa kaniyang mga anak.

"Sabihin niyo na kaagad, huwag na kayo magpaligoy-ligoy pa dahil ayokong nasasayang ang oras ko," sagot ni Damian kaya napatawa si Alpha Diego.

"Hindi ko alam kung magigising pa si Elijah, at kung mangyari man na magising siya alam kong hindi na siya ituturing na Alpha ng mga pack members niya dahil magiging mahina na siya, kaya gusto kong ibigay ang Forestheart sa pinaka capable na humawak ninto," sagot ni Diego, nais niya sana magsagawa ng labanan sa lahat ng pack members at kung sino ang pinaka malakas ay siya ang mamumuno sa pack, peromasyado ng old tradition iyon at ayaw niya rin ibigay sa iba ang kayamanan ng mga Reed.

"Ibig bang sabihin ninto gusto niyo pang bigyan ng karapatan si Damian na hawakan ang Forestheart?" Tanong ni Francis, hindi niya maiwasan maiyukom ang kaniyang kamao na nakapatong sa arm rest ng bangko.

Buong akala ni Francis ay si Elijah na lang ang kailangan niyang kalabanin pero mukhang hindi ito ang gusto ng kaniyang ama.

"Gusto mo bang magpatayan pa kami para sa posisyon ng Alpha ng Forestheart? Kontento na ako sa kung anong hawak ko, bahala na kayo sa pack niyo," sagot ni Damian dahil ayaw niya nang makisali pa sa gulo ng pamilya niya.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon