CHAPTER: 18

1.8K 55 8
                                    

"So ano na ang next step mo? Pakikusapan mo na rin ba sila na payagan kang umalis sa pack? For sure mas mahihirapan ka sa request na 'yan," tanong ni Melody kay Elara habang kumakain sila sa isang restaurant sa central city ng Summergrave Empire.

Sa loob ng Summergrave Empire ay naninirahan ang iba't ibang klase ng nilalang katulad na lang ng mga Lycans, vampires at may myth pa sa kanila na ang nagtayo raw ng empire na 'to ay isang black dragon.

Pero sa mga lumipas na taon ay mas dumarami na ang mga mortal na nakatira rito kaya tago na rin ang kanilang pagkatao pero patuloy silang nabubuhay kasama ng mga 'to.

"Dapat pala mung nasa rejection ceremony ako ay sinabi ko na rin kay Alpha Deigo ang bagay na 'yun, tingin ko kasi mas okay kausapin si Alpha Diego ng direkta kaysa kay Elijah," sagot naman ni Elara sabay higop ng paborito niyang java chips drink.

"Hahaha parang inichipwera mo na talaga si Elijah kapag ginawa mo 'yun, mas tinuturing mo pa ring Alpha si Alpha Diego kaysa kay Alpha Elijah," sagot naman ni Melody at sumubo na rin ng pagkain niya.

Kung tutuosin naman kasi ay talagang mas malaki pa rin ang kapangyarihan ni Alpha Diego kaysa kay Elijah. Nakuha lang naman kasi ni Elijah ang pwesto niya ngayon dahil sa pinamana na ito ni Alpha Elijah, hindi katulad ng ibang Alpha na nakikipag dwelo para makuha ang posisyon na iyon.

"Actually wala talaga akong tinuturing na Alpha sa kanila simula nung malaman ko ang mga ugali ng mga 'yan." Sagot ni Elara sabay tingin sa paligid niya pero pinalilibutan naman sila ngayon ng mortal kaya alam niyang walang makakarinig ng usapan kila.

"Parepareho lang silang mag-aama." Kumuha ng fries si Elara at dinuro-duro ito sa mukha ni Melody.

"Simula kay Alpha Deigo, kay Francis at kay Elijah, lahat sila ay babaero." Napansin ni Melody na kulang ang pangalan na nabanggit ni Elara kaya napatingin siya rito ng nagtataka.

"Hindi kasali si Alpha Damian? Anak din siya ni Alpha Deigo for your information," sagot ni Melody at patagong napangiti sa pinapakita ng best friend niya. Iniintay niya kung anong rekasyon ang gagawin ni Elara at natatawa siya dahil mukhang hindi ninto nahahalata na nag iiba na ang pakikitungo niya kay Damian.

"Babaero ba si Alpha Damian?" Halata sa mukha ni Elara ang kuryosidad, nais niya pa kasing makilala pa si Damian at malaman ang totoong ugali ninto.

Bukod kasi sa pagiging pilyo ni Damian at sakit sa ulo ng Forestheart ay wala na siyang ibang alam tungkol sa ugali ninto.

"Bakit bigla kang nagkaroon ng interest kay Alpha Damian? Akala ko ba war kayo?" Mapang-asar na sagot ni Melody.

Agad na kumunot ang noo ni Elara, hindi niya na papansin na nagiging interesado na siya sa Alpha.

"Ay kung sabagay, ginulat niyo kaming lahat dahil kayo ang magkakampi sa mga nangyayari ngayon," dagdag ni Melody sabay tingin nang malisyoso kay Elara.

Agad naman iniwasan ni Elara ang tanong at dinepensahan ang kaniyang sarili, kilala niya kasi si Melody at paniguradong hindi siya lulubayan ninto hanggat hindi niya sinasabi ang totoo.

"Hindi ko pa ba nasabi sa'yo?" Tanong ni Elara at tumaas ang isang kilay ni Melody. Sinasabi niya na nga ba! May tinatago ang best friend niya.

"Nasabi ang alin? May iba ka pa bang sekreto d'yan? Ang lihim mo kamo!Sabi ko na nga ba't may iba pang nangyayari sa intong dalawa ni Damian, anong secret myan? Spill the bean!" Pinagmamadali ni Melody si Elara dahil hindi niya na matiis ang kuryosidad niya, matagal niya ng kilala si Elara at halos lahat ng hilim ninto ay alam niya kaya hindi niya hahayaan na makalagpas ang isang 'to.

"Pangako mo na secret lang natin 'to ah, ikaw pa lang ang sinasabihin ko sa bagay na 'to, kaya wag ka magtatampo d'yan," reklamo ni Elara at inaya na lumapit sa kaniya si Melody. Tinukod naman ni Melody ang kaniyang dalawang kamay sa lamesa at tumayo para lapitan ang bibig ni Elara.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon