CHAPTER: 111

783 40 13
                                    

This chapter is dedicated to: @Ssaejah_16


Nakabalik ng ligtas ag grupo nila Jake galing sa mission, nakakuha sila ng impormasyon tungkol sa nangyayari sa Forestheart at hirap silang sabihin ang kalagayan ng pack dahil sa puno ng usok at apoy ang paligid. "Hindi namin alam kung ligtas ang pack members, wala kaming nakitang mga bangkay sa labas ng pack house pero amoy na amoy namin namin ang amoy ng kamatayan sa paligid," pagrereport ni Jake, hindi niya kakumpirma sa mga kasamahan kung ilang ang mga patay o kung may nakaligtas ba.

"Ginawa ba nilang kampo ang Forestheart?" Tanong ni Damian at tumango naman si Jake.

"Yes Alpha, nakita namin na nag papatrolya ang mga rogues sa gate at iba pang bahagi ng pack house, mga armado sila, karamihan ay may mga dalang baril na ang tanya ko ay may silver bullet," sagot ni Jake dahil ang silver bullet na iyon ang nakita nilang umubos sa kaniyang mga kasamahan.

"Nakita mo ba si Fiona o si Algern sa kanila? Nabilang niyo ba kung iilan na lamang ang natitira sa kanila? Panigurado akong hindi na sila ganoon karami ngayon kumpara sa dami nila nung sinugod nila ang Nightraven," sagot ni Damian dahil pinagbasihan niya ang dami ng mga napatay ng kaniyang pack members sa pakikipaglaban.

"Kanina ay may nakita pa kaming mga paparating na rogues sa pack house ng Forestheart, mukhang nakahanap pa sila ng mga kakampi, paniguradong bumalik lang sa bilang ang dami nila ngayon, Alpha Damian." Napabuntong hininga si Damian at nasuklay ang kaniyang buhok sa frustration.

"Siguradong hostage nila ang mga natitirang pack members ng Forestheart, alam ni Fiona at Algern ang evacuation site sa pack house, hindi sila makakapagtago roon," sagot ni Damian kaya lalong nakaramdam ng bigat ang bawat isa sa meeting room.

"Pano ang mga nakakulong sa dungeon? Tingin niyo pinatakas din nila ang mga preso natin doon?" Tanong naman ni Calix, alam niyang malaking gulo kung makakatakas pa ang mga kalaban nila at baka magsanib pwersa pa ang mga ito.

"Hindi mangyayari iyon dahil nasa akin ang susi, hindi ko iniwan sa Forestheart ang mga susi ng selda doon sa dungeon," sagot ni Damian kaya nakahinga naman ng maluwag si Calix. Karamihan kasi ng mga nakakulong sa dungeon ng Forestheart pack ay mga kilalang kriminal at rogue sa Summergrave.

"Heneral, tinatanong ng emperor kung nais mo raw ng tulong," sagot ng isang lieutenant na kasama nila sa meeting room, si Harieth ang pinadala ng emperor para maging representative niya sa gulo na ito.

"Sabihin mo sa kaniya na kailangan ko ng mga doctor at iba pang mag-aayos ng mga nasira sa pack ko, bukod doon ay kami na ang bahala sa laban na ito dahil mahihirapan kayo sa mga makakalaban niyo," sagot ni Damian, malaki ang pasasalamat niya sa emperor sa mabilisang pagtulong nito sa kanila ngunit hindi niya papayagan na ibuwis ng mga royal guards ang buhay nila sa isang laban na wala silang kalaban-laban.

"Masusunod General Ashford," sagot naman ni Harieth.

Nilatag ni Damian ang malaking mapa ng buong Forestheart pack, magsisimula na sila sa kanilang strategy para mabawi ang pack at mailigtas ang mga pack members nila. "Dito tayo susugod," sagot ni Damian at tinuro ang front gate ng pack house, lahat sila ay napatingin kay Damian na may pagtataka at parang hindi makapaniwala sa simpleng statehiya niya.

"Damian? Sure ka? Heads on natin silang susugurin?" Tanong naman ni Elara pero si Calix at seryosong nakikinig sa Alpha niya.

"Oo, heads on. At ang iba sa atin ay dadaan dito," sagot ni Damian sabay turo sa east wing ng Forestheart pack. Dahil doon ay mas luminaw ang vision nila sa plano na binubuo ni Damian.

"Tama, mas maganda na dumaan ang iba rito, maganda rin kung hahatiin natin ang grupo sa tatlo, isa sa magliligtas sa mga hostage, isa sa main gate for diversion at ang main force na susugod kina Fiona at Algern," sagot naman ni Calix na kinapikon ni Damian dahil kinuha nito ang spotlight niya.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon