CHAPTER: 101

817 38 4
                                    

Isang linggo na ang nakakalipas nung sabihin ni Elara ang katotohanan kay Damian, naging maayos naman ang pagbalik nila sa pack house ng Herveuax, walang naging abirya bukod sa sermon na binigay sa kanila ni Emmanuel. Nasabi kasi ni Damian na hindi siya nakapagpigil at nadala na ng tawag at init ng laman kaya hindi siya nakainum ng contraceptives o nakapagsuot ng protection.

Bukod doon ay wala na silang iba pang inalala kundi ang pagbalik nila sa training ni Elara, hindi pa naman sigurado kung buntis na si Elara o kung may nabubuo na sa kaniyang sinapupunan kaya naman pinayagan pa siya ni Emmanuel na makapagtraining para makompleto at ma-perfect niya na ang pagkontrol sa kapangyarihan ng wolf niya.

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo Alpha Damian," tanong ni Calix, nasa loob sila ng kwarto ni calix ngayon at nag-uusap ng ilang bagay na kailangan ayusin sa Nightraven, may mga bagay kasi na kailangan ng confirmation galing kay Damian kaya inaayos ngayon ni Calix ito para masend na rin kay Melody at Lilian.

Pero pansin ni Calix na malalim ang iniisip ng kaniyang Alpha, simula nung bumalik ito galing sa cabin ay lagi niya na itong nakikitang tulala at malalim ang iniisip. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa pagitan ni Damian at Elara, pero alam niyang nakakaapekto ito kay Damian ngayon.

"Alpha," tawag ni Calix at doon lang nabalik sa ulirat si Damian, agad siyang lumingon kay Calix at tinaas ang dalawa niyang kilay bilang pagtatanong.

"Ha? May sinasabi ka ba?" Tanong ni Damian kaya nakumpirma ni Calix na may gumugulo nga sa isip ng kaniyang Alpha. "Hindi mo ako narinig? Isa kang lycan pero hindi mo narinig 'yung sinabi ko?" sarkastikong tanong ni Calx kasi hindi siya makapaniwala na talaga wala ang atensyon ni Damian sa kaniyang paligid.

"Ah, dami ko lang iniisip ngayon Calix. Ano ba 'yun, may kailangan ba akong ireview o pirmahan na documents?" Tanong ni Damian at umiling naman si Calix kasi patapos na siya sa mga trabaho niya at na send niya na rin ang ilang documents sa email ng pack house.

"Wala, ayos na ang lahat. Pero ikaw, mukhang hindi ka pa ayos. May iniisip ka ba o gumugulo sa isipan mo?" Tanong ni Calix at malalim na nagbuntong hininga si Damian, hindi niya pwede sabihin kay Calix ang sikreto ni Elara o ang mga bagay na sinabi nito kaniya.

"Nag-aalala lang ako kay Elara, malapit niya na makompleto ang training niya, pwede ko na siyang markahan at kapag nangyari iyon ay magigising na ng tuluyan ang wolf niya," sagot ni Damian at hinilot ang kaniyang sintido.

Nung hindi niya pa alam ang sikreto ni Elara ay malakas ang loob niya na makakaya nilang kontrolin ang wolf ni Elara. Pero nung malaman niyang nakatakdang mamatay si Elara ay pinuno na ng kaba ang puso niya.

"Sigurado ba kayo na patay na si Fiona?" Tanong ni Damian na pinagtaka naman ni Calix dahil biglang tumalon ang usapan nila kay Fiona.

"Ayon kay Francis, oo. Nakita naman nating lahat 'yung bangkay niya sa ilalim ng bangin hindi ba?" Tanong ni Calix, nagtataka siya kung bakit naisipan ng kaniyang Alpha na tanungin ang tungkol kay Fiona.

"Pero nakita ba ang bangkay niya? Nailibing ba?" Tanong ni Damian, ngayon ay hindi siya mapalagay, kinakabahan siya na baka hindi pa patay si Fiona at hindi pa napunta ang kapalaran ni Elara sa babaeng iyon. Pano kung hindi pa patay si Fiona? Pano kung si Elara ang mamatay kagaya ng first life nito?

"Alam mo nag o-over think ka lang, Alpha Damian. Nakita naman natin kung pano mawala ang buhay sa mga mata niya at kung pano siya makunan hindi ba? Walang makakaligtas sa taas ng bangin na iyon sa ganoong sitwasyon," paliwanag ni Calix dahil pansin niyang hindi maganda ang timpla ni Damian, na kinakain ng what ifs ang utak nito.

"Hindi lang ako mapakali, gusto ko lang matapos na ang lahat ng problema na 'to," sagot ni Damian at malalim ulit na nagbuntong hininga.

Inintindi na lamang ni Calix ang iniindang stress ng kaniyang Alpha, alam niya na pagod na rin ito sa lahat ng mga nangyayari, hindi niya masisisi si Damian kung hindi ito mapakali. Dahil miske siya ay hindi maiwasan mag-isip at mag-alala sa lhat ng bagay na nangyayari sa kanila.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon