CHAPTER: 103

746 37 1
                                    

BANG!— umalingawngaw ang malakas na tunog ng baril at ang amoy ng pulbura sa hangin. Mabilis na nakailag si Francis sa bala ng baril na nakatutok sa kaniyang ulo, napapitlag siya sa gulat dahil hindi niya inaasahan na magagawa ito ni Fiona sa kaniya. Agad na tumayo si Francis at pilit na humakbang palayo kay Fiona at Algern.

"Bakit umilag ka pa? Hindi ka na lang mamatay ng tahimik?" Tanong ni Fiona, iritableng iritable na siya dahil hindi niya magawang mapatay si Francis. Gusto niya ng makuha ang paghihiganti na hinahanap niya.

"Papaanong buhay ka pa? Kitang-kita kong nahulog ka sa bangin!" Hiyaw ni Francis, hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita. Akala niya ay tauhan ni Damian ang humahabol sa kaniya, akala niya ay sinira na ng kapatid niya ang usapan nila pero hindi pala— kailangan niya itong masabi kaagad kay Damian dahil paniguradong may binabalak na plano si Fiona at Algern sa Nightraven o Forestheart.

"Oo nakita mo kong nahulog sa bangin pero ni hindi mo man lang ako tinutulungan, hinayaan mong mamatay ang anak natin!" Hiyaw ni Fiona at tinutok ang baril sa binti ni Francis at binaril ang tuhod nito kaya agad na napaluhod si Francis dahil sa sakit.

Kumalat ang panghihina sa kaniyang buong binti, ang silver bullet na iyon ang humihigop ng kaniyang lakas bilang Lycan. Hindi siya makapag transform o makatakbo man lang para humingi ng tulong.

"Kung kinausap mo lang sana ako ng ayos ay hindi mangyayari sa'yo 'yun! Hindi sana mamatay ang anak natin!" Hiyaw ni Francis, binabaliktad niya ang bintang upang makatakas pa siya sa nangyayari sa kaniya ngayon.

"Hahaha! Hanggang sa huli magiging gago ka pa rin? Tingin mo maga-gas light mo ko sa mga pinagsasabi mo!? Umpisa pa lang ay may balak ka ng patayin ako at ang anak natin dahil ayaw mo ng responsibilidad!" Galit na galit na si Fiona, nais niya nang patayin kaaagd si Francis para matapos na ang mga naririnig niyang kasinungaling sa kaniyang harapan.

Pero hindi niya maiwasan na isipin at magtanong kung bakit sa kaniya nangyayari ang mga bagay na ito, bakit niya kailangan danasin lahat ng bagay na ito? At bakit namatay ang kaniyang anak.

Gusto niyang makita ang taong pumatay sa kaniyang anak na naghihirap, gusto niya makita si Francis na lumuhod sa harapan niya at magmakaawa.

"Fiona, kailangan na nating dalian. Patayin mo na 'yan bago pa may makakita sa natin," komento naman ni Algern, gusto niya rin saktan at pahirapan si Francis dahil ngayon ay alam niya na kung ano ang ginawa ni Francis sa kaniyang anak at apo, pero hindi sila pwedeng magtagal sa labas, madaming mga mata ang emperor at baka mabulilyaso pa ang plano nila.

"Sandali! Hindi naman ako ang may kagagawan ng lahat! Inutusan lang ako ni Damian! Oo, tama si Damian at si Elara ang may kagagawan ng lahat ng iyon, inutusan ako ni Elara na hulihin ka, pero sabi ni Damian ay patayin ko na kayong dalawa kung gusto ko makalaya sa mga kasalanan ko sa Forestheart," pagsisinungaling ni Francis, kahit sa hulimg sandali ay gumagawa pa ein talaga siya ng paraan para makatakas sa lahat ng kaniyang kasalanan.

Nanginig ang laman ni Fiona dahil sa galit, hindi na siya nakapagtiis at sunod-sunod na binaril si Francis sa kaniyang dibdib at iba't ibang parte ng kaniyang katawan.

"Aaah!!! Mabulok ka sa impyerno! Mamatay ka na!" Hiyaw ni Fiona at inubos ang bala sa kaniyang hawak na baril.

Sumuka ng dugo si Francis, hawak-hawak niya ang kaniyang dibdib na puno ng dugo at tadtad ng bala. Hindi gumagaling ang sugat niya kahit anong gawin niya dahil sa silver bullet na gamit ni Fiona.

"Ugh! Blrrugh!" Sumuka siya ng dugo at napaluhod sa harap ni Fiona, tumingin siya kay Fiona at pilit na inaabot ang paa nito, humingi ng tulong pero tinapakan lang ni Fiona ang kaniyang paa at dinuraan siya.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon