CHAPTER: 104

757 37 11
                                    

Nabalot ng sigawan ang buong pack house, karamihan sa mga bata ay umiiyak na at nagtatakbuhan upang magtago sa kaguluhan, ang mga warrior wolf naman ay nakikipaglaban sa mga rogue at iba pang kalaban, samantalang ang mga elder at omega ay tinutulungan makatakas at ilagay sa ligtas na lugar ang mga bata at may mga sakit.

Sunod-sunod na pagsabog ang kanilang narinig, napalingon si Melody sa kanilang hospital na ngayon ay nasusunog na. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin, kaliwa't kana. ang kaguluhan sa paligid, sa iba't ibang direksyon ay nakakarinig siya ng malalakas na pagsabog at barilan, umaalingawngaw rin sa kaniyang tenga ang sigawan at iyakan ng kaniyang mga pack members at kahit saan siya lumingon ay hindi niya alam kung ano ang uunahin niya.

"Mel! Kumalma ka, rinig na rinig ko ang kaba mo!" Sigaw ni Lilian, alam niyang hindi sila handa ni Melody sa mga nangyayari ngayon pero kailangan nilang ipaglaban ang pack sa abot ng kanilang makakaya.

"Melody! Nakapagpadala na ako ng mensahe kay Beta Calix! Sigurado akong papunta na sila rito," sagot ng isa sa tech team nila at tumango naman si Melody.

"Kailangan na lang natin lumaban hanggat hindi pa nakakarating ang Alpha at Luna! Protektahan ang Nightraven!" Hiyaw ni Melody at sumugod na rin sa pakikipaglaban. Agad niyang kinuha ang kaniyang dalawang dagger, mas sanay si Melody sa one on one battle, mas malapit na kalaban ay mas maganda para sa kaniya ngunit aminado siya na kalaban niya ang mga long range na kalaban.

"Hahaha! Ang hina naman pala ng Nightraven kapag wala ang kanilang Alpha!" Hiyaw ng isang rogue at aatakihin ang isang omega kaya agad na sumugod si Melody at bago pa man nitong masaktan ang pack members ng Nightraven ay agad nang tumilapon ang braso nito sa lupa.

"Ahhhh!" Hiyaw ng rogue at agad na tumulong si Melody sa mga omega na sinasaktan nito.

"Tumayo ka, nasa likod sila ng pack house, tumakas kayo sa likod!" Utos ni melody at naiiyak na nagpasalamat ang omega sa kaniya. "Salamat gamma Melody," tugon nito at agad na inalalayan ang ilang matatandang members ng pack papunta sa likod ng pack house para doon dumaan at makatakas.

"Tingin mo hahayaan namin makatakas ang mga mahihinang omega na 'yan?" Tanong ng isang rogue, humanda naman sa pag-atake si Melody hawak ang dalawang dagger na kayang humiwa ng puno sa sobrang talim.

"At tingin niyo hahayaan namin kayong guluhin ang pack na 'to?" Tanong ni Melody at sumugod na sa labanan. Tatlong rogue ang kalaban ni Melody pero wala itong binatbat sa kaniya, madali niyang natalo ang mga kalaban pero hindi pa rin nauubos ang mga ito, pansin din ni Melody na lulong sa droga ang mga rogue, kitang-kita ang blood lust sa mga mata ng mga ito.

"Sino ang nag-utos sa inyo para gawin 'to?" Tanong ni Melody pero walang ni isa ang gustong sumagot sa tanong na iyon.

"Walang magsasalita? Osige, tutal ayaw niyo naman gamitin ang mga dila na 'yan ay ako na mismo ang puputol sa mga 'yan!" Hiyaw ni melody saka mabilis na tumakbo papalapit sa mga kalaban at isa-isa silang sinalakay.

Pero hindi patas lumaban ang mga ito, pansin ni Melody na ang ilan sa mga kalaban niya ay nagsusuot ng gas mask at bago niya pa malaman kung bakit ay biglang may hinagis ang isa sa mga rogue na bomba at sumagod ito, kumalat ang pulbura sa hangin, agad na tinakpan ni Melody ang kaniyang ilong at bibig para hindi niya malanghap ang hangin dahil paniguradong delikado ito para sa kaniya.

"Tignan natin kung makakalaban ka pa gamit ang dalawang kamay!" Hiyaw ng isa at sabay-sabay na sumugod ang apat na rogue sa direksyon ni Melody. Pinigilan ni Melody ang kaniyang hininga at ginamit ang dalawa niyang kamay sa pakikipaglaban, hindi siya sanay na hindi ginagamit ang pareho niyang mga kamay sa pakikipaglaban kaya naman pinigilan niya na lamang saglit ang kaniyang hininga. Ngunit nakaramdam din siya ng hapdi sa kaniyang mga mata, mukhang hindi lang ilong at bibig ang delikado sa pulbura, dahil ramdam niyang nanlalabo na rin ang paningin niya.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon