PROLOGUE

2.3K 24 0
                                    

THE MAFIA BOSS CAR RACER OBSESSION

PROLOGUE: KIDNAPPED

KIANNA'S POV

Ako si Kianna Madeira Chavez. 21 years old.
Isang hot bar dancer, kung saan gigiling at aakitin ang mga lalaking nanonood sa pamamagitan ng pag sayaw ko sa harapan nila, sa bawat kembot, sa bawat hiyaw nakakapanindig balahibong takot at kaba na bumabalot sa akin. Pero ano nga ba ang magagawa ko, kundi ang ipagpatuloy ang trabahong ito para sa magandang kinabukasan ng kapatid ko.

Its been five years simula ng namatay ang mga magulang ko, and you know what...pinatay sila ng walang kaawa awa sa harapan ko mismo, rinig na rinig ko ang mga pagsigaw nila habang ang walang pusong lalaking iyon....tuluyang binawi ang mga buhay nila sa kamay nito mismo.

Napasinghap ako ng hangin, dahil sa limang taon na yon. Wala pa akong nakukuhang hustisya, wala rin akong magagawa dahil wala akong sapat na ebidensyang maituturo kung sino ba ang taong 'iyon.

But damn.Kilala ko ang mga mata nya, kaya kung makikita ko man ang lalaking yun....sisiguraduhin ko na ako rin mismo ang papatay sa kaniya.

"Ate hindi kaba nagsasawa sa ginagawa mo...nakakahiya kana, nakakapagod ng pumasok sa skwelahan na puno ng pangungutya...na kesyo ang ate ko isang p*kpok" sambit ng kapatid ko dahilan para matigilan ako sa ginagawa ko.

"ANO SABI MO!" hindi ko napigilan ang mainis.

"TALAGA NAMAN EH...DIBA, SABI NGA NG KAPATID KO NAKITA KA DAW NYA SA BAR...NAG SASAYAW, NG MALALASW~" hindi pa man nito nagawang ituloy ng bumuga ako ng hangin.

"SUMASAYAW AKO SA BAR OO! MALASWA OO! SA TINGIN NG IBANG TAO MADUMI AKONG BABAE, PERO ANNA...HINDI AKO P*KPOK NA KUNG KANI KANINONG LALAKI SUMASAMA..." sambit ko ng umirap siya.

"SIYA RIN NAMAN YUN AH...AYOKO NA ATE...SAWANG SAWA NA AKO SA GANTO, PALAGI NALANG NAKADEPENDE, PALAGI NALANG PUNO NG KUTYA...HINDI KABA NAHIHIYA, HINDI KABA NASASAKT~" hindi pa man nito nagagawang ituloy ng magsalita ako.

"Hindi. Dahil kilala ko ang sarili ko, wala akong tinatapakang tao sa pagsasayaw ko....malaswa kung isipin ng iba, pero gagawin ko lahat para mapag aral ka..." sabi ko ng bigla siyang napailing iling na umakyat sa hagdan.

Napatitig ako sa kawalan.
Hindi ko naman akalain na hindi nya ako maintindihan, nasanay ako sa pangungutya, sa mga salitang mapanghusga...pero kinimkim ko iyon para lang sa pera...

I was f*cking hurt.

Nang matapos kong maglaba ng mga damit namin lumabas ako sa bahay ng bigla nalang tumambad sa harapan ko ang may ari ng pinapaupahan namin na ikinamanhid ng katawan ko.

"OH KIANNA...ANO NA! ISANG TAON KA NG HINDI NAGBABAYAD ABA, HUMAHABA NA ANG LISTAHAN AT UTANG MO! SA TUBIG SA ILAW WALA PA NI SINGKONG DULING" saad nito ng napabuga ako ng hangin.

"Eh...P-pasensya na po...medyo gipit pa ako eh...pero magbabayad naman po ak~" hindi ko ito nagawang ituloy ng tumawa sya.

"KAILAN PA?! KAPAG BUTOT BALAT NA AKO! HOY BABAE! PAUPAHAN ITO HA...HINDI MO PAGMAMAY ARI, SUMUSOBRA KANA YATA...LAST CHANCE, KUNG HINDI PA KAYO NAKABAYAD NITONG LINGGO...ABA MAGBALOT BALOT NA KAYO AT LUMAYAS KAYO" sigaw nito saka ako tinalikuran.

"T-teka...grabe naman kayo...layas agad? Magbabayad naman ako eh..." sabi ko pa ng pagak itong tumawa.

"AH TALAGA BA? MAGBABAYAD KA...SIGE...BAYARAN MO ANG FIFTHY THOUSAND NA UTANG NYO" saad nito na ikinaawang ng labi ko.

Napabagsak ang balikat ko ng makita ang ilang kapitbahay na tinititigan ako, mapanghusgang mga mata at bulungan.

"Malandi kase"
"Hasyt...katangahan ba naman eh"
"Ano yan bar dancer pero walang pèra"

THE MAFIA BOSS CAR RACER OBSESSION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon