CHAPTER 4

638 13 0
                                    

THE MAFIA BOSS CAR RACER OBSESSION

CHAPTER 4: Dressing me up

KIANNA'S POV

//MALL//

Its been four hours simula ng pumayag ako sa deal with Steven Jackson Hernandez.We have a contract about one hundred million na naging usapan namin..Hindi ko alam, pero napapayag nya ako hindi dahil sa karupukan kung gaano siya kayaman, but one things that i would never ever forget...his eyes.

Kumunot ang noo ko ng huminto ang sinasakyan naming kotse sa isang malaking mall, napatitig ako sa walang emosyong mukha ni Steven.

"Anong ginagawa natin dito?" taka kong tanong ng bahagya nitong pinitik ang tungki ng ilong ko, kumunot ang noo kong inirapan siya sa ginawa nito.

Pero kitang kita ko sa mga mata niya ang saya.

Nang makababa sa kotse, huminto rin ang sinasakyan ni Yohan, at todo alalay ito sa kapatid ko na kasama niya. Tumaas ang kilay ko at akmang lalapitan sila, pero namanhid ang katawan ko ng humarang si Steven sa harapan ko.

"Tsk, don't you ever ruin their own life. Nandito naman ako, bakit kaya hindi ako ang pagtuunan mo ng pansin" ngisi nito.

"Bakit kapatid ba kita?! Pagsasabihan ko lang si Yohan, baka kung anong gawin nya sa kapa~" hindi ko pa man nagagawang ituloy ng biglang inakbayan nya ako at saka pumasok sa mall.

Umawang ang labi ko sa gulat kung paano kaseryoso ang mukha nito, pinilit kong tanggalin ang kamay niya mula sa akin.

"F*ck what the hell are you doing" asik nito.

"Hindi kaba nahihiya, tanggalin mo kaya kamay mo sakin" pagsusungit na sabi ko ng pagak itong tumawa

"At bakit? I owned you. Kaya gagawin ko ang gusto ko, kaya wala silang pake kung ipagsigawan ko na akin kana! Tsk, oh come on Kianna, hindi mo alam kung anong kaya kong gawin" panghahamon nito.

"Talaga ba? I am a bar dancer...at mapapahiya ka sa oras na malaman ng ibang tao na ang isan~" hindi ko natapos ang mga sasabihin ko ng mahigpit nitong hinawakan ang kamay ko, naramdaman ko ang madiing pagpisil niya mula roon.

"I don't f*cking care what others say Kianna" sabi nito.

"Steven..." sabi ko pero tila wala siyang narinig.

Mas naging madiin ang pagkakahawak niya sa kamay ko, kitang kita ko ang pagka walang emosyong mukha nito...pero hiyang hiya akong napapayuko sa bawat taong nilalagpasan namin dahil sa mga bulungan nila.

Sino ba naman ako diba?!.

"Its that Steven?" rinig kong tanong ng isang babae sa kasamahan nito.

"Yes...a son of Hernandez...pero sino ang babaeng kasama nya?" Taka nilang tanong sabay titig sa akin.

Pinipilit kong kumalas sa pagkakahawak ni Steven ng walang pakundangan ako nitong hinarap.

"Dito ka lang! May gagawin lang ako" sabi nito saka ako iniwan.

Kamot ulo akong naglalakad lakad sa loob ng Mall, pero ramdam ko ang mga kakaibang titig ng iba sa akin.

"Girlfriend ba sya ni Steven?"

"Tsk..mukha syang gold digger!"

"Ahh oo...baka pera lang habol nya"

Napayuko akong binilisan ang paghakbang ko para lang makalayo sa mga babaeng nag uusap na iyon, hanggang sa...isang bagay ang umagaw sa atensyon ko.

Isang manika.

Napangisi akong hinawakan iyon, pero nanlaki ang mga mata ko sa malakas na pagtulak sa akin ng isang babae. .

THE MAFIA BOSS CAR RACER OBSESSION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon