THE MAFIA BOSS CAR RACER OBSESSION
CHAPTER 29: Paalam
SWEVEN'S POV
"Subukan mo pang galawin si Steven at ang girlfriend niya, ultimo bangkay mo hindi ko titigilan" asik na pagbabanta ko kay Mr.Cheng ng makaharap ko siya.
Kitang kita ko kung paano naging maangas ang titig nito pero tila naging madiin ang pagyukom ng kamao ko sa galit sa kabila ng ginawa nitong pagbaril sa ulo kay Steven, dahilan para mas lalong naging delikado ang brain tumor nito.
"Masyado kang mayabang" asik niya ng pagak lang akong tumawa.
"Mayabang ako kase may maipagyayabang eh ikaw?" Tanong ko sa mapanghamon na boses. "Just like i said, banggain mo ako. Wag ang kakambal ko, tsngina kung tsngina...papatayin kita" sambit ko bago umalis sa lugar na iyon.
____
KIANNA'S POV
Nakatitig ako sa hindi kalayuan pero ramdam ko pa rin ang sakit sa dibdib ko. Tila hindi ko magawang pigilan ang mga luhang umaagos sa mga mata ko ng haplusin ko ang buhok ng lalaking ngayon ay nakahiga sa hita ko.
Ramdam ko ang sakit sa bawat halik niya sa palad ko, sa bawat titig nito...sa bawat salitang binibitawan nya..Sana, sana magkaroon ng isang himala.
"Don't cry" sambit nito ng mabilis akong nagpunas luha, ng napangisi siyang umupo at hinarap ako. "Tsk, inuubos mo na agad yang luha mo, hindi pa nga ako patay eh" saad nito sa mapang asar na boses ng yumakap ako sa kaniya.
"W-wag ka kaseng malalim na magsalita. Ansakit sakit sa dibdib kapag nagpapa alam ka eh!...Steven, g-gusto pa kitang makasama" saad ko
"Ako rin naman eh....i want to spend my whole life with you, and in our kids. Gusto ko pang mapakasalan ka, but....before i die, can i.....can i marry you Kianna?" Tanong nito dahilan para umawang ang labi kong napatitig sa mga mata niya.
"M-marry me?" Garagal na tanong ko ng tanguan niya ako.
"Y-yes....yes Steven" sagot ko na agad ng pagak itong napangising inangkin ang labi ko para halikan.
Hindi na maalis sa puso ko ang saya na iyon, naging mabilis ang bawat pangyayari ng....sa isang simbahan kami nagpunta...
And its been two days passed.
Naging maayos ang mga kailangan, its a simple wedding...pero sobrang saya ko, na matutupad na rin sa wakas ang gusto niya....to marry me! Bago siya mawala.
Unti unting naging malakas ang kabog sa dibdib ko sa mga oras na bumukas ang malaking pintuan ng simbahan, tumambad sa akin napaka gandang disenyo sa paligid....ang ilang taong nakatitig at namamangha sa akin, tuluyang nagsimula ang musika kasabay ng pagtitig ko sa kinaroroonan niya.
Nakangiti siya, pero kitang kita ko ang pagpatak ng luha sa mga mata niya ng dahan dahan na rin akong lumakad....
"Congrats ate" bulong ni Anna ng makalapit ako, marahan akong napatitig kay Steven ng makalapit ako sa kaniya....kumapit ako sa braso nito at sabay nagtungo sa altar.
Sabay na nagmartsa.
Sabay na nangako sa harapan ng diyos.
Sabay na nagbitaw ng mga salita.
Sabay na nangarap.
Sabay na ngumiti, habang ang katagang iyon ay hindi na mapapawi.
Nanginginig ang mga kamay kong isinuot ang singsing na iyon sa daliri niya, tuluyang naging manhid ang katawan ko....
"Ikaw Steven Jackson Hernandez....tinatanggap mo ba ang babaeng ito, na makakasama, aalagaan at mamahalin sa hirap man o sa ginhawa?" tanong ng pari sa kaniya, na tila hindi ko magawang iproseso...dahil alam ko....kitang kita ko ang pigil na pagluha sa mga mata niya, sobrang pula iyon ng maramdaman ko na ang kakaibang tindi ng kabog sa dibdib ko.
"Y-yes...." sambit nito ng maisuot niya ang singsing sa daliri ko.
Isang basbas naging patunay....pero bago pa man magpalakpakan...isang nakakapanindig balahibong pagbagsak ni steven sa harapan ko ang nangyari.
Sumigaw ako ng malakas na ikinagulat ko, tuluyang nagkagulo....tuluyang napuno ng hagulgol ng maramdaman na ang kakaibang kaba sa dibdib ko.
"He have an three days...." sambit ng isang boses, and it was Yohan na ikinatindig kong ikinailing.
"No!!..H-hindi pa siya mawawala...hindi pa!!...Yohan hindi pa siya mamamatay! Diba!! Yohan....please....pleasee..." sigaw ko, tuluyang bumagsak ang luha sa mga mata ko ng dinala na nila ito sa kotse.
//-OSPITAL-//
Nag aalala akong nakatitig mula sa E.R nang lumabas ang doctor na mula sa loob, kitang kita ko ang pagkadismaya nito...
"Doc....doc how's my husband?..." taka kong tanong.
"Unti unti na syang nanghihina....and yes, he have an three days to live kung hindi siya maooperahan" sabi ng doctor na ikinaawang at manhid ko, mabilis akong pumasok sa kwartong iyon...at tila nanlumo akong napatitig kay Steven.
He's now suffering a pain that he can't handle.
Malakas na napapasigaw na animo'y hindi na nito kayang gawin kung anong sakit at kirot sa ulo niya."S-steven!..." garagal na pagtawag ko sa pangalan niya, ramdam ko ang paghihirap niya ng madiin ang mata nitong napatingin sa akin...kasabay ng mabilis kong pagyakap sa kaniya ng walang pakundangan niyang inuntog untog ang sarili nito sa pader.
"Steven!steven please...please tama na!...tama na....please n-nasasaktan mo na sarili mo...sshhh...im here, please...im here...stop it" pagpigil ko ng naramdaman ko ang humahagulgol na paghigpit ng yakap niya.
"H-hindi ko na kaya!!...Kianna....i was.....i was f*cking drained....ansakit sakit na....g-gusto ko nalang mamatay! Ahhh" sigaw nitong muli nang bigla nalang~.
"Kianna, can we talk?" Isang boses na mula sa pintuan...and it was Sweven, na ikinakunot noo kong sinundan sa labas.
"W-whats that"
"Kianna....alam kong hirap na hirap na si Steven, but....may plano na kaming ginawa for him...dadalhin namin siya mamaya sa ibang bansa to take an operation for his brain tumor....at kung papalarin, mabubuhay sya..." saad nito na mapait kong ikinangisi.
"T-talaga....p-pwede pa syang mabuhay!!.." tanong ko ng tila nanlumo ang mukha nito.
"But we have an problem. Sa oras na maoperahan siya, maaari siyang magkaroon ng amnesia....na makakalimutan yung ibang bagay sa buhay nya....dito nakasalalay, na baka makalimutan....ka nya" salita nito na ikinaawang ng labi ko.
"A-amnesia??!...a-are you joking me!. No he can't do that....h-hindi nya ako makakalimutan...alam ko yun, but please...do everything for him..." saad ko na ikinatango nito.
__
Nasa tabi ako ni Steven at this time...
Kitang kita ko ang sakit sa bawat pagpikit niya, mahigpit at madiin ang hawak nito sa kamay ko ng umagos na ang luha sa mga mata ko ng maalala ang sinabi ng kakambal niya."M-magpapa opera ka....ha!...Steven, please....lumaban ka, w-wag kang sumuko ha...kumapit ka lang, p-para sakin...para sa baby natin, and please....please, s-sana....sana gumising ka na wala kang makakalimutan...steven please, mangako ka! B-babalik ka sakin ha!!...babalik ka samin" tanong ko ng tanguan niya ako.
"I-i will....take care of our child...i lo-....i loveyou....no matter what happened, mamahalin at mamahalin kita....t-take this" garagal na salita nito ng ibigay nya ang isang kwintas na nasa kamay niya...kasabay nito ang pagpasok ng ilang nurse na kukuha sa kaniya para idala sa ambulance.
Tuluyang nanghina ang tuhod ko kasabay ng pagbagsak ng balikat kong napatingin sa hindi kalayuan....hanggang sa.
"Tatagan mo lang loob mo, kahit anong mangyari....asawa ka nya na! Babalik siya..." sabi ni Yohan nang tumango ako.
"S-sana nga....sana" sambit ko.
TO BE CONTINUE