THE MAFIA BOSS CAR RACER OBSESSION -SEASON 2
CHAPTER 31- PAGKIKITA
KIANNA'S POV
"Mommy, where are you going?" tanong ni Dwight.
"Ahhh...baby, may....kakausapin lang si M0mmy ha...at promise ko sayo, pag uuwi ako...makikita mo na si Daddy" ngisi ko.
"Talaga mommy? Promise?"
"Promise baby...i will do everything...for you" saad ko saka tuluyang bumaba sa hagdan.
"Maam?".
"Bahala kana muna kay Dwight Manang, may importante lang akong pupuntahan" sabi ko.
____
"C-can i have his number?" garagal na ang boses kong iyon mula sa staff ng isang condo na sinabi ni Yohan.
Martir na kung martir.
Baliw na kung baliw.
But he is my husband, and he is the father of my son.
"Maam, hindi po kami nagbibigay ng mga ganyang detalye, im sorry" sabi ng babaeng kaharap ko ng tila nagpanting ang tenga ko sa inis.
"Please, nakikiusap ako...ibigay mo na yung number ni Steven" madiing salita ko.
"Maam, im sorry po. Pero bawal po tala~".
"Ako y-yung asawa nya....maawa naman kayo sa akin, please...g-gusto ko lang syang makausap" saad ko ng napailing iling ito.
Dahilan para bagsak balikat akong napatingin sa paligid, hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
Pero ang bigat sa dibdib, sumisikip iyon sa tuwing humihinga ako.
I want to see him.
I want to hug him...
Lalo na at nasabi ko sa anak kong dumating na sya, umaasa yung anak namin....at ayoko iyon na biguin.
Pabalik balik ang tingin ko mula sa labas, tila namamanhid na ang mga paa ko..
Hanggang sa~....
"S-steven" sambit ko sa isang lalaki....
"Kianna" saad nito kaya kumunot ang noo ko.
"S-sweven" tila nanghihinang saad ko ng nagkamali ako ng hinala.
"Yes...it was me, Sweven....Kianna its been 10pm anong ginagawa mo dito?" Tanong niya ng nagpunas luha akong mapait na ngumisi.
"Si....si Steven?!...n-nakita mo ba sya?!...gusto ko siyang makita, please....nasaan sya? Nasaan yung asawa ko?" tanong ko ng napabuga ito ng hangin.
"Kianna....please, ayokong masaktan ka sa kung ano man an~".
"Sweven, asawa ko yun!!..kaya kahit madurog at masaktan ako kakayanin ko...asawa ko siya at ama siya ng anak ko, nasaan sya" madiin pang tanong ko.
Nang masabi nya ang lugar na iyon, mabilis akong umalis sa hotel at saka pumara ng taxi.
Ramdam ko na ang pagod sa katawan ko, pati na rin ang sakit sa mga mata ko sa panlalabong kakaiyak ko.
Pero wala akong magawa kundi ang maharap ang lalaking matagal kong hinintay, yung lalaking inaaasahan kong tutupad sa usapan...na babalik siya...babalikan niya ako!.
"Manong para po" saad ko sa taxi driver, nagmamadali akong bumaba at pumasok sa mamahaling restaurant na iyon.
Sobrang lamig na ng paligid, pero tila wala sa akin iyon.
Mas nanaig pa rin ang kaba sa dibdib ko sa bawat hakbang na ginagawa ko.
Ramdam ko ang mabigat sa paa ko, lalo na ang sikip sa dibdib ko....ayaw kong tumuloy dahil alam kong masasaktan ako.
Pero hindi dapat ako sumuko....
Dahil nung mga panahon na nasa sitwasyon ko siya, hindi niya ako sinukuan...."Maam...do you have any reservations?" tanong ng isang babae ng umiling ako, nagpatuloy ako sa paglalakad.
Hanggang sa~...isang tao ang biglang nakabanggaan ko, halos namanhid ang katawan kong napatingin sa kaniya.
Sa mga mapupungay nyang mga mata.
Sa labi niya, at sa makapal nitong kilay na nagpalakas ng kabog sa dibdib ko.
"Im sorry!!" saad nito saka nilagpasan ako na ikinaawang ng labi ko.
"S-steven" tawag ko sa pangalan niya dahilan para mapahinto ito at seryosong tinitigan ako.
"Yes miss...did i know you?" tanong nito na mas lalong nagpasikip sa dibdib kong mapaawang na tignan siya.
"H-hindi mo ako kilala?" tanong ko pa na tila hindi makapaniwala.
"It isn't obvious? Tatanungin ba kita kung kilala kita!?" saad nito sa pabarang sagot dahilan para mapahiya ako.
"Steven....ako toh!!..." turo ko sa sarili ko ng pagak niya akong tinawanan.
"Tsk. Miss, hindi kita kilala okay! Sorry kung nabangga kita....but it was your mistake at all" saad nito saka tuluyan akong tinalikuran dahilan para mapakagat labi ako, pinipigilan ko ang pag agos ng luha sa mga mata ko ng hindi ko iyon napigilan.
"Steven....steven" sigaw ko saka siya hinabol.
Nakita ko ang pag asik niya saka ako nanlilisik na tinitigan.
"WHAT?! WHO THE HELL ARE YOU" asik nito na ikinabagsak ng balikat ko.
"Kahit katiting ba...wala ka ng tinira para maalala ako?!...k-kahit spark manlang?!...Steven i.....i was your wife...." turo ko sa sarili ko, kitang kita ko ang pagtaas ng kilay nya ng hindi ko na makayanan ang sakit sa dibdib ko.
"Its been a year....but f*ck...im still waiting for you to comeback, naghintay ako....kase nangako ka eh....sabi mo, babalik ka. Steven, nasaan na yung lalaking mahal ako?!..nasaan na yung lalaking n-nangako na kahit anong mangyari hindi ako sasaktan! Steven, k-kinaya ko lahat ng sakit!!"
"I don't remember you" malamig na tono ng boses nito. "Baka kakambal ko yun, hindi ako" saad niya pa
"Steven....please, try to remember me...please...Im Kianna....its me, your wife...
Your girl, you~".."Wife?!...miss, wala akong balak makipaglokohan sayo ha...bye, i have an date" saad nito saka sumakay sa kotse at iniwan akong nakatulala sa kawalan.
"STEVEN!! STEVEN PLEASE LISTEN TO ME! MAAWA KA NAMAN SAKIN...STEVEN, Y-YUNG ANAK NATIN...HE'S ALSO WAITING FOR Y~"..
Mas naging matindi ang sakit sa dibdib ko sa mga oras na iyon, na animo'y pinagsukluban ako ng langit at lupa ng dahil sa sikip ng dibdib ko..
TO BE CONTINUE
![](https://img.wattpad.com/cover/361767705-288-k674261.jpg)