CHAPTER 7

435 9 0
                                    

THE MAFIA BOSS CAR RACER OBSESSION

CHAPTER 7: nakita ko.

STEVEN'S POV

Buhay siya.
Buhay si Sweven, my twin brother.
Pero paano?! Bakit siya nasangkot sa isang grupong kinakalaban ako!.Ilang tanong ang paulit ulit na sumasagi sa isip ko, hindi ko man nagawang tignan ang kabuuan ng mukha ng lalaking bumaril sa akin, alam ko at kitang kita ko naman ang bahid ng titig ng mga mata nito sa akin. Nag aapoy iyon at nanlilisik.
Kaya walang pakundangan nito akong tinamaan ng baril sa laki ng galit niya. Damn it!

Madiin akong napadaing sa sakit ng tusukin ni Yohan ng gunting ang balikat ko para kunin ang bala, hindi ko kinaya ang sakit ng napabuga ako sa hangin.

Damn it!.

"Ano tol kaya pa?" tanong nito ng tumango lang ako ng bahagya, but deep inside...sobrang sakit na animo'y pinipiga ang sugat ko.

Tinakpan niya iyon saka ako tumayo mula sa kinauupuan kong swivel chair mula sa opisinang kinaroroonan ko.

"Teka...delikado yang sugat mo, hindi kapa magpapadala sa ospital" saad nito ng pagak akong tumawa.

"Tsk. Hindi naman umabot sa atay eh..may date pa ako" sabi ko saka mabilis na lumabas sa gusaling iyon.

Kahit anong ngisi ang gawin ko, hindi ko magawang alisin ang kaba sa didbib ko lalo na ngayong alam kong buhay pa ang kakambal kong si Sweven...na ginawa akong kalaban sa mga kamay at mata nito..Delikado.
Sobrang delikado bawat kilos ko, at ayokong madamay si Kianna sa laban namin na ito.! Mariin akong napasinghap sa hangin ng mabilis kong pinaharurot ang kotse mula sa mansyon. Kitang kita ko ang galit sa mga mata ng babaeng tila kanina pa naiinip na ikinataas ng kilay ko sa naging itsura nya

"Saan ka galing?!" tanong ni Kianna sa masungit na boses.

"Sorry. May importan~" hindi ko iyon nagawang ituloy ng bigla siyang inirapan ako.

"Ah ganun? So inuna mo pa yun kaysa sa akin?! Hoy para sabihin ko Sayo Steven Jackson Hernandez, sabi mo magdadate tayo at exactly 10 am...diba, naku! Inuut~" hindi ko siya pinatuloy ng bigla akong bumaba ng kotse at hapitin ang bewang nya.

Ramdam ko ang madiing paghawak nito sa braso ko ng madiinan nyang hinawakan ang sugat ko. Gusto kong dumaing sa sakit, pero hindi nya iyon dapat malaman...ng walang pakundangan kong inangkin ang labi nito para angkining halikan, sa diing pagkakahawak nya sa sugat ko ay siyang madiing pagkagat ko sa labi nito bago pakawalan.

Kitang kita ko ang kaba at pagkabigla sa mga mata niya ng mapang asar akong ngumiting kinindatan siya.

"galit kapa?" tanong ko ng umiling iling ito.

Nang makapasok sa kotse, agaran ko na ring pinaharurot iyon sa isang lugar na gusto kong puntahan kasama siya. I want to spend time with her, gusto kong iparamdam kung gaano ko siya kamahal, kaimportante sa araw araw...this girl is really deserve to be treated right.

"Anong gagawin natin dito?! Makikipaglaro sa mga bata?" natatawang tanong niya ng ngumisi ako.

"Hindi. Gagawa tayo ng bata" sabi ko ng bahagya ako nitong hinampas.

Ouch. Yung sugat ko!!
Damn it.
Napakagat labi na nga lang akong naunang bumaba ng inalalayan ko ito sa paglalakad patungo sa ilalim ng mangga...kung saan tanaw na tanaw ang magandang paligid.

"Kianna...can i ask you a question" marahang boses na tanong ko.

"Hmmm?"

"Mapapatawad mo ba ako....sa oras na....may mali akong nagawa sayo?! Na ikinadurog mo!" Tanong ko ng kumunot ang noo nito.

"Why you ask me that?!...pero for me...kung masyadong malalim ang sugat at sakit na 'yon...hindi! Dahil kung anong sakit, man ang ginawa mo...i will make sure...na gaganti akong saktan ka" saad nito na nagpakunot ng noo kong nginisian lang sya.

Pero animo'y ang mga salitang iyon ay makahulugang sinambit nito sa akin. Dahan dahan na hinawakan ko ang mga kamay nya ng walang anumalyang lumapit akong hinaplos ang mukha nito.

She's f*cking gorgeous.

"You know what....nung una kitang makita, ang sabi ko sa sarili ko...ikaw na...ikaw yung gusto kong makasama sa habang buhay, Kianna...i want to spend my life with you!" Sambit ko ng bigla nitong hinila ang kamay nya na ikinaawang ng labi ko, kitang kita ko ang pagbabago ng ekspresyon nyang galit na nakatitig sa akin.

"Steven...anong gagawin mo sa oras na pinatay ang mga magulang mo mismo sa harapan mo?! Papatayin mo ba yung killer na yun sa oras na makita mo sya" tanong nito na ikinakunot noo ko.

Sa bawat salitang binibitawan nya, sobrang lalim na hindi ko alam.

Ngumisi ako at agad tumayo.

"Wait lang...bibili lang ako ng pagkain, baka gutom lang yan" sabi ko saka mabilis na tumalikod sa kaniya para maghanap ng mabibilhan ng meryenda..

______

//-KIANNA'S POV-//

Kakaibang ngisi ang kumawala sa labi ko ng makita ang mabilis nitong pag alis sa harapan ko. Tsk.

Habang wala pa si Steven, ginawa kong naglakad lakad muna ako para naman mawala ang pagka boring kong nakatitig lang sa kawalan...pero tila umawang ang labi ko sa gulat ng~...

"Steven??" garagal at gulat kong sambit sa isang lalaking palapit sa akin, kitang kita ko ang pagngiti nya ng hinawakan ako nito sa kamay at saka hinihila.

"Teka...saan mo ako dadalhin! Hoy! Steven ano bang nangyayari sayo" sunod sunod kong tanong ng tila nabibingi ito.

"Aalis na tayo halikana! Bilis" sabi nito na ikinakunot noo ko.

"Pero bakit? Diba sabi mo dito lang tayo at teka...nasaan ang mga binili mong pagkain??" taka ko pang tanong ng nakita ko ang panlilisik ng mga mata nito, hanggang sa malayo kami sa lugar na iyon.

"STEVEN! ALAM MO KUNG NANG AASAR KA LANG WAG AKO HA!!..BAKIT MO AKO DINALA DITO??" tanong ko pa saka tumingin sa paligid ng bigla itong nawala sa paningin ko.

Kumunot na halos ang noo ko.
Nababaliw na ba yun.

"STEVEN!!" sigaw ko ng hinahanap ko siya.

Pero kumunot ang noo ko ng makita siyang nakangising may hawak na pagkain...lumapit ako ng bahagya ng hinampas ko siya.

"PINAGLOLOKO MO BA AKO!" Asik na tanong ko ng kumunot ang noo nito.

"The f*ck! What are you looking at me like that! Saan kaba galing, diba sabi ko stay here" saad nito ng pagak ko siyang tinawanan.

"HOY STEVEN JACKSON HERNANDEZ! NABABALIW KANA BA HA...EH HINILA HILA MO NGA AKO TAPOS DINALA MO AKO DUN! TAPOS PARA KANG BALIW NA SASAMAAN AKO NG TI~"...hindi ko ito nagawang ituloy ng malaglag ang mga hawak nitong tila nagulat sa mga sinabi ko.

"W-what did you say??!...l-lumapit ako sayo at hinila kita? Damn...Kianna, bumibil~"...tila napahinto ito sa sarili niya ng mariin siyang napamurang napatingin tingin sa paligid na ikinakunot noo ko.

Teka ano bang hinahanap nito.

"DAMN IT!...HE'S HERE!!..S-SINAKTAN KABA NYA??" tanong nya.

"Sinong nya? Eh ikaw nga yun diba! Ikaw ang hilig mo rin mang prankster ha! Ikaw yun noh...yung damit mo siya rin!!...Bakit mo ako hinihil~"..

"DAMN IT KIANNA! HINDI AKO YUN!!..."

TO BE CONTINUE

THE MAFIA BOSS CAR RACER OBSESSION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon