THE MAFIA BOSS CAR RACER OBSESSION -SEASON 2
CHAPTER 45:
KIANNA'S POV
Masayang masaya si Dwight habang nakikipag asaran ito kay Yohan, pero hindi ko maiwasang mapakali sa pag aalala kay Steven, its been hours wala pa din siya.
Hindi ko rin maiwasan na kabahan at mag alala, hanggang sa...kinuha ko na iyong mga baso na ginamit nila para maisinop sa kusina, pero tila namanhid ang katawan ko nang dumulas ito sa kamay ko dahilan na ikinabasag nito sa harapan ko. Tuluyang nanlaki ang mata kong nanginginig na napatitig mula sa bubog.
"Kianna? What's wrong" tanong ni Yohan.
Hindi na ako makahinga, hindi ko na maiwasang mabalisa.
"Yohan, tawagan mo nga ulit si Steven...please" sambit ko ng nangunot ang noo niya.
Ilang beses nitong sinubukan tawagan pero walang kahit anong sagot.
"Ate baki~".. hindi nito nagawang ituloy bigla nalang may bumubusina mula sa labas na ikinakunot noo ko.
Lumabas si Yohan para tignan iyon, at pagbalik niya....mga pulis ito.
Tila napataas ang noo kong napatitig sa kanila, pero may isang bagay na halos ikinakabog ng dibdib ko ng sobra...
"Ms.Chavez, nakuha po namin ang ilang gamit na ito sa taong nagmamay aring naaksidente..." saad ng isang pulis kasabay ng paglahad nito sa cellphone at basag na relo sa kamay.
"A-aksidente??.." garagal na tanong ko.
"Opo maam, naaksidente po ang taong nagmamay ari ng mga gamit na yan, at kritikal ang kondisyon nito sa ospital" sabi ng pulis na nasa harapan ko, tuluyang umawang ang labi ko, at mabilis na dumausdos ang luha sa mga mata ko.
Hindi ko maiwasang manginig na hawakan ang mga gamit na alam kong kay Steven, duguan iyon, ng tila nanghihina akong napatingin kay Anna at Dwight na nagtataka kung bakit ako umiiyak.
Kaya sa pag aalalang iyon, mabilis naming tinungo ang ospital kung nasaan sya...animo'y kakapusin ako sa paghinga sa pag aalala ng makita ang kalagayan nya.
"What the hell are you doing here" asik ni Danica na nandito rin, pero napakunot ang noo ko ng makita ang ilang gasgas nito sa braso niya.
"ASAWA PA RIN NYA AKO!!" asik na salita ko ng pagak nya akong tinawanan.
"Asawa ka nya, oo..pero sa papel, I'm his girlfriend.." sambit nito ng hindi ko na nagawang pigilan na malakas ginawaran sya ng sampal.
"Girlfriend?!..hinuhuthutan mo lang naman ng pera si Steven diba?!..i know your f*cking secret Danica, kaya wag mo akong angasan na para kang walang duming taglay. Akala mo hindi ko alam?!..pumupunta ka sa hotel, to make s*x into two guy!..ang lala ng sexual appetite mo, sumusobra, tapos ipagsisiksikan mo pa ang sarili mo sa asawa ko" salita ko ng pagak nya akong binugahan.
"Dahil mahal nya ako! Eh ikaw??" Tanong nito ng hindi ako nakapagsalita dahil sa paglabas ng doctor mula sa kwarto kung nasaan si Steven.
"Doc...how's my boyfriend?"
"Doc. K-kamusta po yung asawa ko"
Sabay naming tanong, kaya hindi naiwasan na mapakunot noo lang ang doctor bago ito nagsalita.
"Malala ang naging pagtama ng ulo niya dahil sa aksidente.." sabi ng doctor.
"T-then...wh~"..
"Doc...magigising paba sya?" tanong ko.
"Oo, hintayin nalang natin" sabi nito na ikinatango ko.
Dahil sa inis, nagawa kong sabayan si Danica na pumasok sa kwarto kung saan nakahiga si Steven, nasa kanan siya habang ako nasa kaliwa, naghihintay sa pagmulat ng mata ng lalaking nasa harapan namin.
"Kung ako sayo, umalis kana dito" asik nito.
"Ano bang problema mo Danica, asawa ko si Steven...at kahit saang anggulo, ako ang may mas karapatan sa kaniya" singhal ko.
"Pero ako na ang mahal niya...and his going to divorced you" asik nito ng bigla akong nagulat ng bumukas na ang mata ni Steven, kunot na kunot ang noo nito..
"Babe! H-how are y~"...
"F*CKNG SHIT...GET OUT, LEAVE" singhal na salita nito na ikinakunot noo ko, nagulat din si Danica sa salitang iyon ni Steven.
"Narinig mo ba yon ha! Umalis ka dito" asik ni Danica ng bigla nyang hinatak ang buhok ko at kinakaladkad palabas sa kwartong iyon, hanggang sa....
"BITAWAN MO ANG ASAWA KO!!" salitang nanlalamig na boses ni Steven,dahilan para umawang ang labi kong napatingin sa kaniya.
"B-babe...babe, it's me...your girlfriend...im Danic~" hindi nito nagawang ituloy ng walang pakundangan na inalis ni Steven ang mga gamot na nakatusok sa kaniyang katawan.
Naging malamig ang titig nito sa akin, na malakas kong ikinakabog sa dibdib para matakot. Hanggang sa....
"Hon?" saad nitong salita na ikinanlaki ng mata ko sa gulat.
It's our callsign.
"Babe...it's not our callsig~" hindi natuloy ni Danica iyon ng pinanlisikan siya ni Steven.
"THE HELL!!..SINO KABA..HINDI IKAW KINAKAUSAP KO" asik ni Steven na ikinakunot noo ko.
What the meaning of this?!..
Hindi nya maalala si Danica?
TO BE CONTINUE