CHAPTER 3

1K 16 0
                                    

THE MAFIA BOSS CAR RACER OBSESSION

CHAPTER 3: I GOT YOU

STEVEN'S POV

"You're so obsessed with her huh" pang aasar ni Yohan ng taimtim lang akong napangisi habang inaalala kung paano inangkin ang mga labi ni Kianna.

Damn.

Mababaliw na yata ako.

"Hoy tol. Ano? Tameme kana jan! " biglang sabi pa nitong bansot na toh ng singhalan ko siya.

"What the f*ck! Ano bang problema mo, eh kung itapon kita sa labas na pandak ka" saad ko ng kamot ulo itong tumawa.

"Taena talaga! Bansot, pandak, dwende...ano pa? Porket pinagpala kayo sa tangkad ganyan na kayo? Lalaitin nyo na height ko, aba mali yun. Maliit lang ako pero naks..tol, cute naman" saad niya pa.

"Can you shut the f*ck up" saad ko ng kinunutan nya ako ng noo.

"Sya nga pala...about dun sa pinapagawa mo, wala pang lead...at sa car racer, may laban kayo sa susunod na linggo" sabi nito sa seryosong boses

"Tsk. Asikasuhin mo yung kasal namin ni Kianna,hindi yan" sambit ko ng bigla itong napabuga ng hangin.

"Wow pare! Lakas talaga ng tama mo noh! Ano bang meron sa Kianna Madeira Chavez na yan! At tila...pinapatibok tibok nya, pinapaheart heart nya mat~"...

"F*CK! ANG LIIT LIIT MO ANG TILIS TILIS NG BOSES MO!" Usal ko ng napahilamos siya sa mukha nya.

"Ang sakit mo naman magsalita tol! Pero eto na nga seryoso na...yung sa lead tungkol kay Sweven wala pa" sabi nito na ikinatango ko.

Its been a year simula ng makita ko ang kakambal ko, wala na akong balita sa kaniya...ni hindi ko nga alam kung buhay pa siya.

He's Sweven Jackson Hernandez.
And i am Steven Jackson Hernandez.
See? Kakambal ko eh..

Napasinghap ako ng hangin bago nagawang tumayo mula sa swivel chair, seryoso kong sinimsim ang alak ng maalala ang mukha ni Kianna. F*ck. I didn't know how to forget that kiss!.

_______

      (KINABUKASAN)

//-KIANNA'S POV-//

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. Ramdam ko pa ang pananakit ng likuran ko dahil na rin sa binuhat ko kagabi sa bar, pero ang hindi ko magawang kalimutan.

Yung kiss.
Yung pagdampi ng labi ni Steven sa akin.
The way he looks at me.
The way he kiss me...f*ck.
Mariin akong napapikit kasabay ng kakaibang pagngiti ng maalala pa ang pag tawag nya ng "asawa ko" its kinda cute..

"Ate...ate!!" Sunod sunod na katok ang kumawala sa pintuan na ikinakunot noo ko.

"Anna, ang aga aga pa! Walang pasok ngayon" sabi ko saka humilata pa lalo ng bigla nalang bumukas ang pintuan .

"May tao sa labas...hinahanap ka" sabi niya na ikinanlaki ng noo ko.

"Ano sino? Maniningil ng utang...sabihin mo wala pa akong pera" sabi ko ng bigla itong kumamot ulo.

"Ate hindi! Lalaki siya....matangkad, gwapo...maputi, pinkish and kissable lips...may mahabang pilik mata, may makapal na kilay...attractive at mapungay ang mata, tapos..."

"T-tapos ano?? Ano??" Sunod sunod ko pang tanong.

"Tapos...siya daw si Steve Jackson Hernandez....asawa mo daw" sabi nito na ikinaawang ng labi ko.

"HA?ANO?! A-ASAWA KO?? MAY ASAWA AKO?" tila gulat na gulat kong tanong

Halos madapa akong tumakbo palabas sa kwartong iyon, para akong nagslow motion na napatitig sa lalaking nasa sofa...umiigting ang panga nyang nanlilisik na nakatitig sa picture family namin na nasa bandang tv...kumunot ang noo ko ng akmang lalapit siya dun, kaya mabilis akong tumikhim na ikinabuga nito ng hangin.

THE MAFIA BOSS CAR RACER OBSESSION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon