THE MAFIA BOSS CAR RACER OBSESSION -SEASON 2
CHAPTER 43: being crazy is not easy
STEVEN'S POV
"Bakit mo ako inaya dito" asik ni Yohan ng suminghal lang ako.
"I don't know...i was f*cking confuse" singhal ko saka kumuha ng alak.
We're here in bar.
Para makalimot.
At para mawala ang inis ko sa sarili ko.
Litong lito na ako sa nararamdaman ko.
Hindi ko na nga kayang kontrolin kung ano nga ba ito.
But f*ck...i was jealous.
"Confuse o selos?!" Pang aasar ni Yohan ng pinanlisikan ko siya.
"Can you shut up your mouth" singhal ko.
Wala pa mang ilang oras nang halos laklakin ko na lahat ng laman nitong bote.
Sobrang gigil at kumukulo ang dugo ko, idagdag mo pa itong Martinez na toh sa kakasabi niya na aagawin nya yung chix nya sa asawa nito.
Eh gag*! Ako pala yung asawa nang chix nya.
"Tol, ikalma mo" sabi ni Yohan.
"Paano kakalma, eh...hindi siya mawala wala sa isip ko f*cking shit. Alam mo yung tipo na para akong inaakit sa tuwing tititig sya!" Asik ko ng pagak itong tumawa.
"Siraulo" bulong nito.
"Nawawalan na ako ng oras for my girlfriend because of her...ginugulo niya yung isip ko, and the worst thing is...may isang gabi na natutulog ako and damn it...pati sa panaginip ko sinusundan nya ako" asik ko ng malakas na tumawa itong kasama ko.
Pero hindi ako natutuwa sa nangyayari sa akin, daig ko pa baliw...na sa bawat tingin ko sa paligid siya lang yung nakikita ko.
"Eto ah....kaya ganyan ang nararamdaman mo, kase isip mo lang nakalimot...pero yang puso mo, still...siya pa rin" saad nito ng napaasik ako.
"Pero may girlfriend nga ako, and i love her" diing salita ko.
"Love mo si Danica?oh sige nga...hiwalayan mo si Kianna. Divorce her at pakasalan mo yang sinasabi mong mahal mo, at pag wala na kayo...didiskarte yung boss n~" hindi pa man nito nagawang ituloy ng napahilamos ako sa inis.
"Hindi nga sya pwedeng ligawan" asik na salita ko.
"Bakit hindi? Eh hindi naman kay~".
"Asawa ko siya....sabi mo diba...edi akin siya" salita ko.
"Wow tol ang lala mo, may asawa kana...may girlfriend kapa, baka gusto mo pa humirit...idagdag mo na ako sa kabit" sabi nito saka nang aasar na tumatawa.
Pero nagseryoso akong tumitig lang sa kawalan, i was confused about her...lalo na nung halikan ko siya na hanggang ngayon parang nakadampi pa rin ang labi ko sa kaniya.
Nakakabaliw...
*KRRIIINGGG *KRRRIINGGG
Inis kong tinignan kung sino ang tumatawag na iyon and it was Dave Martinez...yung lalaking gustong agawin si Kianna.
The hell is this man.
"What" gigil na pagbungad ko.
"Brooo watzup brrooo" sabi nito ng suminghal ako.
"Watzup broo...tsngina ano sasabihin mo" gigil na sabi ko dahil sa inis sa mokong na ito.
"Ang init ng dugo mo sakin ah! May red day~" hindi nito nagawang ituloy ng malutong akong nagmura.
"Ul*l..wag mo akong mabiro biro!!.." saad ko.
"By the way...brooo, popormahan ko na chix ko, at aagawin ko na sya.." sabi nito ng tila inis akong napasabunot sa sarili ko.
"May sasabihin din ako" sabi ko.
"Ano yun brooo"
"Kilala ko na kung sino ang gustong umagaw sa asawa ko..."
"Really??...edi nilampaso mo na ba yung mukha nya? Brooo...gusto mo tulungan pa kita" sabi nito ng pagak na tumawa si Yohan mula sa tabi ko.
"Ilalampaso ko talaga sya, at sisipain ko yung mukha nya kapag pinormahan nya asawa ko!!..dudurugin ko" asik ko pa saka inis na pinatay iyon.
"Si Martinez pala ang karibal mo" pang aasar ni Yohan ng umismid lang ako.
Pinagpatuloy ko ang paginom ng alak, hanggang sa nakakarami na ako...and few hours later, ramdam ko na ang hilo at pagkalasing...tila umiikot na ang paligid ko...hanggang sa~
"Tol, lasing kana uwi na kita" sabi ni Yohan ng pagak akong tumawa.
"Lasing sinong lasing? Hindi ako lasing" sabi ko ng bigla niyang inalalayan ako palabas ng bar na iyon.
______
//-YOHAN'S POV-//
Mabuti nalang at hindi ako gaanong uminom, kung hindi baka pareho kaming tumba ng lalaking toh.
Baliw!.
Nagmumukha siyang ewan sa mga ginagawa nya, bakit kase hindi nya nalang panindigan ang nararamdaman niya.
Inaalalayan ko siya papunta sa parking lot kung nasaan ang kotse ko, pero napahinto ako ng biglang~.
"Tsnginaaaa...Sinusundan mo ba ako" biglang sigaw nito na ikinakunot noo ko....bigla siyang kumawala sa hawak ko at lumapit sa isang baklang may wig.
"Tol...anong pinagsasabi mo, halika na...lasing kana" awat ko ng hindi ito nagpaawat, bagkus...pagak siyang kumawala ng tawa at tinitigan itong nasa harapan namin.
"Anong nangyayari jan?" Tanong ng bakla sa harapan namin.
"Wala...wala umalis kana, lasing lang tong kasama ko..." sabi ko, nang bigla siyang lumakad bigla nalang hinatak ni Steven yung braso nito na ikinanlaki ng mata ko.
"Kianna, b-bakit mo ba ako binabaliw ha!...ano!!..a-akala mo...t-type kit~" hindi nagawang ituloy ni Steven ng hilain ko siya.
"Tol...anong Kianna, hindi yan si Kianna" sambit ko nang tumawa siya.
"Tol...si Kianna toh oh!!...ang ganda ganda ng...a-asawa ko..." sabi nito saka walang pakundangan na lumapit sa nasa harapan namin.
Hinaplos haplos nito ang mukha niya..
"Ang ganda gandaaa" sabi pa ni Steven ng biglang hinalikan nito ito...na ikinanlaki ng mata ko, pigil na pigil ang pagtawa ko sa mga oras na ito sa kung anong reaksyon ni Steven.
nagsalita ang inaakala niyang asawa nya.
"Matagal na akong maganda noh! Naku...hindi ko alam na type mo pala ako fafa" sabi nito ng biglang napatigil si Steven saka siya napa atras na animo'y nagising sa kalokohan nito.
"Tekaaa...saan si Kianna??..bakit ikaw nasa harapan ko, hindi kita type...pweee...hinalikan mo ako" asik ni Steven ng hinila ko siya palayo doon..
"SI KIANNA! TOL, SYA YUNG KANINA" sabi pa nito ng malakas na ngang kumawala yung tawang kanina ko pa pinipigilan.
"Tol...ano? Masarap ba?!..walang hiya oh!!..nagka amnesia ka lang, mukha ka ng tsnga...kung ako sayo, sa mental na ako magpapatingin" pagtawa ko ng tila hindi pa rin siya makapaniwala...pero kalaunan, punas labi ang ginawa nito...
"Pait!!..pweee...bakit hindi mo ako inawat" asik nito ng kumibit balikat ako.
"Malay ko ba na gusto mong makipaglips to lips" saad ko ng asikan nya ako....
TO BE CONTINUE