THE MAFIA BOSS CAR RACER OBSESSION -SEASON 2
FINAL CHAPTER
KIANNA'S POV
FEW MONTHS LATER;
"Danica is in jail"
Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Steven, tila kumunot pa nga ang noo ko ng mapang asar nya akong pinanlakihan ng mata.
"What?!..inaakit kaba ng kagwapuhan ko?" Pang aasar nito bahagya ko siyang sulyapa.
"Siraulo hindi, bakit siya nakulong? I mean anong kasalanan nya...diba sabi mo hindi mo na siya maalala simula ng bumalik yang memory mo?" Usal na tanong ko saka nag focus sa pagprito nitong ulam. Baka mamaya masunog pa.
Naramdaman ko ang paglapit nito at pagdampi ng katawan nya mula sa likuran ko. Sobrang ilang ako sa ginawa nyang 'yon dahil pawis na pawis na ako sa ginagawa kong pagluluto. At hindi maiwasan na baka ang baho ko na, wala pa naman akong ligo.
"Naalala ko siya, pero ayoko ng alalahanin...nasusuka ako" sabi nito saka ipinatong ang mukha nya mula sa balikat ko, marahan nitong hinaplos ang likuran ko at nagawang yumakap sa bewang ko.
"Then what you put her in jail?" Seryosong tanong ko sa kaniya.
"Because he deserve that. Siya ang bumangga sa akin, at siya rin ang nagnakaw ng ilang pera ko sa bangko. She's crazy" asik nito ng pagak lang akong tumawa.
Pero tila nawala ang isip ko sa mga sinasabi nito ng maramdaman kong hinahalikan niya ako sa leeg ko.
"Damn, ang dami kong nagawang kasalanan sayo." Bulong nito ng maramdaman ko ang mainit na pagbuga ng hangin sa tenga ko, nanlaki pa ang mata ko sa mga sumunod nitong ginawang kinagat iyon.
"Araayy!!.." asik ko ng pinatay ko na yung apoy ng gasol at hinarap siya.
Matamis at malawak ang pagngisi nito ng walang pakundangan niyang hinapit ang bewang ko, dahilan para mapahawak ako sa dibdib niya ng walang anumalyang inangkin ang labi ko para siilan ng madiing halik na nagawa kong sabayan.
"Aga aga supsupan" isang boses iyon kaya agad kong malakas na naitulak si Steven dahil sa hiya.
And it was Sweven, with her wife..
Mapang asar na tumatawa ito ng umiwas ako ng tingin..hindi ko tuloy alam kung paano aaktong normal dahil nakakahiya!!.
"Tol, kamusta" saad ni Steven ng ngumiti si Sweven.
"Eto, magkakapamilya na rin sa wakas" sabi ng kakambal niya ng ngumiti ako, pero bahagya akong napaawang labi ng hawakan ni Steven ang kamay ko.
"Basta kami muna mauuna ah..." sabi ni Steven na ikinakunot noo ko.
Mauuna?!..Saan?!.
Hindi ko alam kung anong pinagsasabi niya, lalo na wala rin naman syang balak ipaalam...baliw diba!?_____
AFTER FEW DAYS LATER!.
Nakasuot ako ng black sexy dress para sa gaganaping board meeting mamaya sa opisina ni Mr.Martinez, ako kasi ang tinaguriang magprepresent ng powerpoint mula sa harapan.
Mula sa malaking salamin isang pagngisi ang kumawala sa labi ko kasabay ng pagbukas ng pintuan, nakataas ang kilay ng lalaking tumambad dito...at tila hindi maalis sa mukha nya ang inis.
"Tsk, bat ganyan suot mo?!" Asik nito sabay upo sa dulo ng kama.
"Sa trabaho, saan paba?" saad ko ng pagak nya akong sininghalan.
"Umalis kana nga sa trabahong yan..nabubusor na ako sa boss mo ah.." asik nito ng sinulyapan ko siya.
"Steven, alam mo naman na kailangan ko din ng pera para sa anak nat~" hindi ko iyon nagawang ituloy ng bigla itong lumapit, tila malakas na kumabog ang dibdib ko ng nagawa nitong isinandal ako sa pader at itinaas ang kanan kong hita at walang anumalyang hinaplos iyon. Pinanlilisikan niya ako ng titig pero malawak na mapang asar ang ngiti niya.