CHAPTER 23

262 5 0
                                    

THE MAFIA BOSS CAR RACER OBSESSION

CHAPTER 23: bitay ft buntis.

KIANNA'S POV

"Ate sigurado kabang ayos ka lang?" tanong ng kapatid ko, hindi nito magawang alisin ang tingin sa akin sa mga nangyari kaninang umaga. Pati ako hindi ko rin alam kung bakit ganun nalang bigla.

"Oo, medyo...masama lang pakiramdam ko" sabi ko.

"Ang weird mo din kasi ate...imagine favorite mo naman yung adobo pero sasabihin mo nalang bigla na ang baho ng amoy nun, tapos nung kumakain tayo bigla ka nalang masusuka. Hasyt baka may sakit kana ha" sabi niya pa ng ngumisi lang ako.

"Okay lang ako, baka nalipasan lang ako ng gutom" sabi ko sa natatawang boses kasabay ng pagbaba sa taxi na sinasakyan namin.

Napaawang ang labi kong napatitig sa presinto kung saan ang unang beses na hiring ni Steven.

Pero bago ako makapasok, nakita ko ang kakambal nitong nakangising nakatingin sa akin.

"Anong ngingiti ngiti mo jan?!..ano kang klaseng tao ha? Ikaw pa mismo ang nagdidiin sa kaso niya. Inatras ko na yung akin but you! F*ck ang kapal naman ng muk~ " hindi ko ito nagawang tapusin ng talikuran nya ako.

Tumaas ang kilay ko at napayukom na sumunod sa kaniya.

Sa malawak na kwarto nitong presinto, may mga taong nakaupo sa panig ni Steven, at ni Sweven na siyang nagdiin ng kaso.

Napasinghap ako ng hangin at saka umiiling iling lang, pero ramdam ko talaga ang hilo sa ulo ko.

Para akong lumulutang na ewan, hanggang sa namanhid ang katawan ko ng pumasok na si Steven.

Nakaposas ang mga kamay nito, kitang kita ko ang mga pasa sa mukha niya...Pero kakaiba ang walang emosyong diretsong titig lang nya sa kawalan.

Para akong napabagsak balikat, umaasang titingin siya sa akin. Pero hindi.

Kumunot ang noo ko ng mapakinggan ang bawat sistemonya.

Hanggang sa ako na mismo ang tinawag ng attorney para sa desisyon ko sa korte. Nanginginig ang mga kamay kong naglakad sa harapan.

"Ako si Kianna Madeira Chavez...nangangakong pawang katotohanan lamang ang sasabihin sa harap ng hukuman" usal ko kasabay ng pag upo ko.

Muli akong tumingin mula sa kinaroroonan niya, but f*ck.

Umiiwas sya , at ramdam ko yun sa bawat titig na kumakawala sa hangin.

"Inaatras ko ang kaso" sabi ko sa seryosong boses para magulat sila.

"Ano? Iaatras mo ang kaso?! For what?" Asik ng attorney na nasa harapan ko.

I will not f*cking care kung anong isipin ng iba, pero tama na siguro ang pagbubulagbulagan.

"This is my decision and respect that" sambit ko ng biglang nagsalita si Sweven.

"But i have an case for him." Sambit nito sa seryosong boses na ikinakunot noo ko, hindi nawala ang ngisi sa labi niya ng ilang larawan ang tumambad sa harapan namin.

Larawan na nag uukol ng ilang patayan.

"That case...na si Steven Jackson Hernandez ay isang miyembro ng illegal na grupo, pumapatay at ilegal na kumikitil ng buhay!" Sabi ni Sweven dahilan para tumaas ang noo ko.

Bakit kakaiba ang bawat salita nya.
Ang bawat diin nito para lang masiguradong makulong si Steven.

Naghintay kami ng ilang oras, hanggang sa seryoso akong nakaupo...hawak ang kamay ni Anna ng magsalita ang attorney.

THE MAFIA BOSS CAR RACER OBSESSION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon