THE MAFIA BOSS CAR RACER OBSESSION
CHAPTER 28: HANGGANAN!
SWEVEN'S POV
"Kianna, stop crying. Makakasama yan sa batang nasa sinapupunan mo" rinig kong saad ng lalaking nasa tabi ni Kianna, and it was Yohan.
Pero tila nagpanting ang tenga ko sa mga sinabi niya. Batang nasa sinapupunan? Ibig sabihin buntis si Kianna?!.Tuluyan akong nakapasok sa kwarto kung nasaan ang kakambal ko.
"How's him?" malamig na tono ng boses kong tanong sa isang doctor na nag aasikaso kay Steven.
Kitang kita ko ngayon ang kalagayan nya, maraming nakatusok na gamot at ang machine na iyon na siyang nagtataglay ng pagtibok sa puso nito. Naramdaman ko ang paninikip sa dibdib ko nang makita pa ang benda nito sa ulo na siyang alam kong tama ng baril na kagagawan ni Mr.Cheng, sa pag aakalang si Steven ay ako.
"He's okay now. Pero batay sa naging resulta ng test na ginawa ko sa kaniya, nagdurugo na ang loob ng ulo nito dahil sa kaniyang brain tumor na siyang nagpapa apekto ng sakit at kirot sa kaniya" sambit ng doctor na ikinakunot noo ko.
"You said he have an few days to live. Ilang araw yun?" Tanong ko.
" i dont know. But....si Mr.Hernandez ay nasa isang kondisyon ngayon kung saan pwede siyang dalhin sa ibang bansa to take an operation" saad ng doctor na ikinaawang ng labi ko.
"Operation??"
"Yes. Pwede pa siyang maooperahan, pero sa operasyon na iyon ay nakabatay sa kaniya ang kamatayan nya...dito sa puntong ito magiging successful iyon o hindi" saad pa nito ng napa tango tango ako.
Nang makalabas ang doctor, ay siya ring bumukas ang mga mata ni Steven, halos mamanhid akong hindi magawang magsalita dahil hindi ko alam kung paano ko nga ba sisimulan ang lahat.
Na humingi ng tawad sa mga kasalanan at mapait na karanasang ako ang may gawa...damn it!
Naging makasarili ako.
"Tol! Kamusta pakira~" hindi ko ito nagawang tapusin ng bigla itong pagak na tumawa, kasabay ng pagsinghal niyang ngisi sa akin
"Tsngina...umiiyak kaba?" Mayabang na salita nito.
"Wtf! Im not. Bakit ako iiyak" pagyayabang ko ng tila nanghina nga ang tuhod kong napasinghap ng hangin na lumapit sa kaniya.
"Don't you f*cking cry in my front. Hindi pa ako patay para iyakan" asik nito ng pagak akong tumawa.
Imagine kahit anong sakit at hirap na yung ginawa ko sa kaniya...still his in my front, at nagawa pang magbiro sa kabila ng mga sakit na pinagdadaanan nito. Damn it!!.
"Sorry tol!!...alam ko~" hindi ko iyon nagawang tapusin ng magsalita sya.
"Alam mo na pala" sabi nito ng tumango ako.
"Tsngina bakit hindi mo sinabi?!..bakit hindi mo ako sinuntok ng matauhan ako" saad ko ng tumawa siya.
"Because i deserve all this pain! Alam kong inaakala mo na lagi nalang kitang inaagawan. Kaya kahit masakit paboran ka lang...gagawin ko" saad nito ng tumango ako.
Pero hindi mahinto ang pag iyak kong iyon.
"Tsk. Mukha ka namang bakla nyan e" sabi nito sa mapang asar na boses.
"Umiiyak ka rin naman pero hindi kita inasar na bakla" asik ko pa ng sabay kaming tumawa.
Pero nahinto iyon ng bumukas ulit ang pintuan at tumambad sa harapan namin sina Mama at Papa. Nag umpisang umiyak si Mama, dahil sa kabila ng pagkamuhi nito kay Steven na alam kong kagagawan ko, pero wala silang alam sa katotohanan na iyon...at hindi ko na rin alam kung paano ko aaminin na ako....ako talaga ang kriminal sa pamilya namin...na sumanib ako sa isang sendikato para gumawa ng masama...damn it.
Ang sinabi ko lang sa kanila ay...may sakit si Steven, he have an brain tumor kaya napapayag ko silang pumunta dito sa ospital.
____
//-KIANNA'S POV-//
AFTER THREE HOURS LATER
Bahagya akong nagising at napatingin sa lalaking nasa harapan ko, tila umawang pa nga ang labi ko sa kaba.
Akala ko nasa langit na ako, kasi naman...puti yung kisame tapos idagdag mo pa yung mukha ni Steven na nasa harapan kong nakangiti.
"S-steven" garagal ang boses kong yun ng marahan nito akong hinagkan sa noo.
"How's my girl?" tanong nito ng napangisi akong inangkin ang mga labi nito para halikan.
Damn it.
Imiss him."Im okay! I-ikaw? Ayos kana ba ha?!..Steven, kailangan mong magpah~" hindi ko ito nagawang tapusin ng takpan niya ang labi ko.
"Ssshh...im okay, i just want to....spend my few days life to you" usal nito ng madiin ako nitong niyakap.
Nang makaupo ako sa wheelchair, siya ang nagtulak nun.
"Steven, san mo ba ako dadalhin" taka ko pang tanong ng hindi ito magsalita.
Hanggang sa....nakita ko si Yohan na nakangisi lang kasama sa gilid si anna, na animo'y tuwang tuwa sa mga nakikita nila. Sumakay kami sa elevator at halos mamangha ako ng mapunta kami sa isang rooftop sa ospital na ito, na kung nasaan.....ang lalaking nagpapakabog sa dibdib ko, ang siyang tunay na pumatay sa mga magulang ko....and it was Sweven.
"K-kianna...he's here to apologize, and he's willing to take his...punishment na maikulong at bita~" hindi nagawang ituloy ni Steven ng magsalita ako.
"Every people deserve an second chance. At kung ano man ang kasalanan na yun, matagal ka ng nakabawi dahil sayo si Steven..ilang beses mo na akong niligtas, kung wala ka....siguro wala na ako at yung anak natin" sabi ko saka mapait na ngumisi.
"Kianna, i just want to say....sorr~".
"Sweven...pinapatawad na kita" sabi ko kaya naman tumango itong tinapik ang balikat ni Steven bago siya umalis.
Nakatitig ang lalaking ito sa mga mata ko ng mapait siyang ngumisi.
"Gusto pa kitang makasama ng matagal eh....gusto pa kitang pakasalan, and of course...gusto kong maranasan na maging ama sa anak natin, but f*cking damn it....isang parusa yung binigay sakin" saad nito ng unti unti ng umaagos ang luha sa mga mata nito.
Hindi ko magawang magsalita dahil animo'y namamanhid ang katawan kong napatingin sa mga mata niyang iyon, f*ck...ilang beses ko na ba syang sinaktan, but still...his here in my front.
Punong puno pa rin ng pag ibig.
Napasinghap ako ng hangin ng Nanginginig nitong kinuha ang kamay ko, itinapat nya iyon sa dibdib niya.
"Alagaan mo siya ha!!...and please, kahit anong mangyari....mamahalin mo siya ng walang pagsasawa, kahit mawala ako....nandito pa rin yung baby na siyang bunga ng pagmamahalan natin" sambit nito ng madiin akong napatango.
Sobrang sakit na yung taong kasabay mong mangarap, kasabay na kasama sa lahat ng hirap, saya...ay nasa harapan mo at nagpapa alam na..
_____
//-SWEVEN'S POV-//
Malakas na pagbuga ng hangin ang kumawala sa akin ng marinig ko ang usapan na iyon.
Parang pinupunit ang dibdib ko sa bawat salita ni Steven na tumatagos sa akin.
I know...hindi niya pa gustong mamatay, lalo na ngayon na magkakaroon na siya ng anak sa babaeng mahal niya.
Mabilis akong nagpunta sa doctor's office.
"Doc, sa tingin nyo ba....malaki ang chance ni Steven na maging successful ang operation?" Tanong ko ng kumunot ang noo nito.
"Kung malakas siya bakit hindi?!. Pero nagdurugo na ang loob ng ulo nito kaya may isang bagay na magpapabago sa buhay nya sa oras na magising siya pagkatapos ng operasyon na gagawin sa kaniya. Maaaring magkaroon siya ng amnesia" saad nito na ikinaawang ng labi ko.
"A-AMNESIA??"
"Yes...Amnesia, kung saan makakalimutan nya ang ibang mahalagang detalye sa buhay nya...even if this is a person"
TO BE CONTINUE