CHAPTER 15

426 7 0
                                    

THE MAFIA BOSS CAR RACER OBSESSION

CHAPTER 15: ring

KIANNA'S POV

Kinabukasan.

"Hey. Are you hungry?" rinig kong salita ni Steven dahilan para matauhan akong napanlaki ng matang inilingan siya.

"H-ha...no...hindi pa" sabi ko saka ngumisi ng mapait.

Pero ang totoo?!
Kanina pa ako natutuyuan ng lalamunan dahil sa kakanood sa kaniyng magluto, eh paano ba naman kase. Wala siyang damit pang itaas kaya kitang kita ko ang abs nito, at kung paano tagaktak na bumababa ang pawis nya mula roon. F*ck. He's so hot. Nakakagutom na nakakauhaw.

"I think. Iba yatang pagkain ang gusto mong kainin" sambit nito dahilan para mapaawang ang labi kong tinignan sya.

"H-ha??..Hindi ah. Hindi naman ako nagugutom eh..teka nga, nauuhaw ako" sabi ko saka umiwas sa mapang asar na ngiti niyang iyon.

Uminom ako ng tubig pero ramdam ko pa rin ang malakas na kabog sa dibdib ko.

Hanggang sa pagbalik ko, halos mamanhid ang katawan ko ng makita si Sweven.

Mayabang ang postura nito kung paano siya tumitig sa loob ng mansyon.

"Wow! Eto na pala bahay na pinagmamalaki mo" asik nito na animo'y minamaliit ito.

Bakit ba ang arogante ng lalaking toh.

Ang yabang nya.

Kung magkamukhang magkamukha sila, ibang iba sa ugali.

Si Sweven kung ikumpara parang ampalaya...bitter.

"Hi Kianna" sabi nito ng makita nya ako, napatingin ako kay Steven na wala lang emosyong nginisian ako.

"H-hello" sabi ko saka lumapit sa boyfriend ko.

F*ck...boyfriend ko?! Yes boyfriend ko...and it was Steven.

"Water!" Sabi ko saka inalok iyon sa kaniya ng tumitig ito ng seryoso.

"Ahhh...Kianna pwede bang makahingi rin ng tubig" sabi ni Sweven dahilan para pumunta ulit ako sa kusina at kumuha.

Mabilis nga akong bumalik ng makakuha ako, akmang iaabot ko iyon sa kaniya ng tila sinadya nitong itinapon iyon sa damit nya.

"F*ck! Natapon! Shit" usal nito ng napasinghap ako ng hangin sa sunod nitong ginawang pag hubad ng damit sa harapan ko.

Nakatulala akong tumalikod ng isang paghablot ni Steven sa akin ang ginawa nito.

"Tol...respeto naman, babae kaharap mo eh! Girlfriend ko pa! Kung hindi mo ako kayang igalang, galangin mo naman shota ko! Nakaka walang gana kabastusan mo eh" saad ni Steven ng hinila ako nito.

Napaawang ang labi ko ng walang anumalyang pinasok ako ni Steven sa kwarto nito.

"Tsk..the hell!" Asik nito ng napasinghap ako ng hangin na tinitigan siya.

Bakas sa katawan at mga mata nito ang kakaibang pagod ng marahan akong tumayo at kinuha ang hawak niyang towel. Ako mismo ang marahan na nagpunas sa katawan nito ng ngumisi siya.

"Nagseselos ka?" Mapang asar na boses kong tanong ng kagat labi itong nginisian ako.

"Hmmm...ako lang dapat nakahubad sa harapan mo eh" sabi nito ng bahagya ko siyang hinampas, naramdaman ko ang paghapit nito sa bewang ko ng maramdaman din na mahigpit nito akong niyakap.

"But the truth is...ayokong mawala ka sakin, ayokong maagaw ka ng iba...at ayokong may kung sino sinong dumidikit sayo Kianna...makakapatay ako sa selos" saad nito.

THE MAFIA BOSS CAR RACER OBSESSION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon