CHAPTER 39

295 4 0
                                    

THE MAFIA BOSS CAR RACER OBSESSION -SEASON 2

CHAPTER 39: party

KIANNA'S POV

"Get ready tomorrow, we have an a big party for all clients..." saad ni Mr.Martinez.

Napatango ako habang pinapakinggan ang announcement na iyon.

"Sir...anong party ba?"

"An exclusive party...and i want you all to wear an best costume and mask for your face! Dahil may ibang taga kompanya ang papasok sa party na yun" -Mr.Martinez.

"Eh? Mask?!..edi matatakpan ang maganda kong face" saad ng isa kong kasamahan.

"And of course?Ms.Chavez, i want you there" biglang saad nito sabay kindat sa akin na ikinanlaki ng mata ko.

"No sir, i don't have time for that party" saad ko ng pinilit nila ako.

"Sumama kana Kianna, minsan lang toh"

"Oo nga, ako na bahala sa susuotin mo"

Its already 6pm in the evening ng makarating ako sa mansyon. Dahan dahan pa akong naglakad papasok ng makita kong maliwanag pa sa sala na ikinakunot noo ko, lalo na may kotse sa isang garahe.

Nandito kaya si Sweven?or Yohan?!.

Napasinghap lang ako ng hangin at isinawalang bahala iyon, hanggang sa mapaawang ang labi kong namanhid na napatitig sa lalaking nasa sofa.

Si Steven, his drunk.

"Kianna, andyan kana pala" bungad ni Yohan.

"A-anong nangyari jan?" taka kong tanong ng pagak itong tumawa.

"Ano paba, edi nalasing" sabi nito.

"Sige...ako nang bahala" sabi ko nang magpaalam na rin siyang umalis.

Binaba ko ang hawak kong ilang files mula sa lamesa at kunot noong napatingin kay Steven, nakapikit na ang mga mata nito nang marahan kong hinaplos ang mukha niya, pero tila napahinto ako ng magsalita ito.

"You f*cking make me jealous ha!" Asik nito na ikinataas ng kilay ko.

"S-steven...lasing ka, ihahatid na kita sa kwarto mo" sabi ko saka nagpatulong kay Manang na buhatin siya.

"I love my girlfriend...damn it...b-but....but so~" hindi ko magawang intindihin ang mga sinasabi niya dahil pahinto hinto iyon, hanggang sa binagsak namin ito sa kama at tuluyang napahiga.

"Maam, may kailangan pa po ba kayo?" tanong nito na inilingan ko, kaya naman ng makalabas siya ay mabilis kong hinubad ang sapatos nitong lalaking ito.

Nagtagal akong titigan ang mukha niya, hanggang sa mapatingin ako mula sa daliri nito na ikinasikip ng dibdib ko. The wedding ring. Wala na yun sa daliri niya.

"Ang daya mo! Sabi mo nun....ako lang, s-sabi mo nun....babalikan mo ako, kami ng anak mo...a-alam mo ba na kahit ang sakit sakit sa akin na nawala ka, kinaya ko....n-nung mga panahon na kailangan kita, nung pinagbubuntis ko si Dwight, w-wala ka....palagi akong umaasa na sana...isang araw darating ka, na sana...nandyan kana, na sana mahal mo pa ako...but years fast, may iba na pala....naghintay ako ng ilang taon sa wala" usal na lumabas sa bibig ko, hindi ko maiwasang mapait na ngumiti, prro hindi ko nagawang pigilan ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.

Sobrang sakit sa dibdib, na yung taong nangako sayo for years...na yung taong nakasanayan mo, nawalan ng alaala...at ikaw pa ang nakalimutan nya.

Madiin akong suminghap ng hangin at lumabas sa kwartong iyon, pinipilit ko nalang na maging matatag para kay Dwight...because he deserve to know his father.

THE MAFIA BOSS CAR RACER OBSESSION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon