THE MAFIA BOSS CAR RACER OBSESSION
CHAPTER 1: deal or no deal
KIANNA'S POV
Malakas ang kabog ng dibdib kong nakatitig sa lalaking nakasandal mula sa kotseng nasa harapan ko.Nakangisi siya ng nakaka asar ng dahan dahan akong itinulak ng mga lalaking nasa likuran ko.
"S-siya ba yung boss nyo, b-bakit ang pandak...ano yan grade 2" pang aasar ko ng makita ang lalaking 'yon.
Napabuga ako ng hangin ng lumagapak ang pagtawa nila sa harapan ko.
"Hindi siya ang boss." Sabi ng lalaking nasa kaliwa ko. "Siya si Yohan, ang magdadala sayo sa boss namin" sabi nito ng lumapit itong yohan na tinutukoy nya.
Mayabang ang postura.
Ang galawan nya, at ang nakaka asar na pagkakunot noo nitong pagtitig sa akin mula ulo hanggang paa."Ayan na si Kianna Madeira Chavez" usal nila.
"Shit. Kaya pala nababaliw si Boss eh...sexy naman pal~" hindi pa man nagagawang ituloy ni Yohan ng magsalita ako.
"Ang panget mo" biglang sambit ko ng nanlaki ang mata nito.
"A-ano sabi mo...panget ako? Hoy miss...for your information ako si Yohan Mendocino Sy...isang sikat at hearthrob model,tsk...hindi sa pagmamayabang pero...i have an 67 ex girlfriends. And 36 girlf~" hindi nito nagawang ituloy ng suminghal ako.
"Hindi rin sa pagmamayabang...pero kaya kong pumisa ng itlog at sirain ang kinabukasan ng manok gamit tong tuhod ko" sabi ko ng kumunot ang noo niya.
"What did you mean? Pipisain mo ang itlog...gamit yang tuhod mo? Aba, sige...hoy itlog nga kuha kayo" utos ng yohan nito ng umiling ako.
"Wag na...nasa harapan ko na nga yung itlog eh...pipisain ko nalang" sabi ko ng kumunot ang noo niya, ng malakas kong tinuhod ang gitnang bahagi nito at mabilis na kumaripas ng takbo.
"ARAAAYYY! YUNG ITLOG KOOO!" sigaw ni Yohan.
Naging mabilis ang kabog ng dibdib ko ng makita ang paghabol ng mga tauhan ng kung sino mang lalaki ang nagpapadukot sa akin.
Iniisip ko, ano bang kailangan nila sa akin?!.
Wala naman akong pera, hindi naman ako mayaman...so bakit ako ang target nila, at bakit nila alam ang pangalan ko. F*ck hindi kaya matagal na nila akong minamanmanan.Pero bakit.....
"HABULIN NYO!!" sigaw nila ng napailing iling akong tumitig sa mga tinatakbuhan kong pasikot sikot sa car race na ito.
Sobrang lawak...
Isang pagsinghal ang kumawala sa labi ko at huminto sa isang nakaparadang kotse...mabilis akong napasabunot sa sarili ko ng dahil sa kaba.
"F*ck...mga siraulo" sambit ko saka tinitigan ang paa ko ng bigla nalang nakakagulat na pagkalabog sa loob nitong sinasandalan ko ang narinig ko.
Nanlaki ang mga mata kong napatingin sa lalaking bumaba mula rito, he's wearing a sun glasses...pero sobrang namanhid ang katawan ko ng makita ang mapupulang labi niya, ang makapal na kilay nito....maputi siya, matangkad...at damn, he's so f*cking attractive na ikinaawang ng labi ko.
"Why you running?" tanong nito sa malamig na boses ng bigla akong ngumisi.
"H-hi...K-kase...may humahabol sakin eh...Im Kianna Madeira Chavez and you" taka kong tanong ng walang pakundangan itong biglang pinosas ang kamay ko bago kumawala ito ng ngisi.
"Steven Jackson Hernandez..." sabi nito.
"T-teka....bakit mo ako pinosas, sino kaba ha...at saan mo ako dadalhin! Ayaw ko dun, kinidnap nila ako" sabi ko ng tila bingi ito na nagpatuloy sa paghila at paglalakad ng bigla akong nagpabigat.
Pero bigla akong nagulat ng kinaladkad ako nito hanggang sa makita ko si Yohan.
"F*CK! TSNGINA...YUNG ITLOG KO , NAPISA NA!!" naiiyak nitong sabi ng irapan ko siya.
Dumating rin ang ibang lalaking humahabol sa akin ng nananahimik sila at natatakot na tumitig sa lalaking nasa tabi ko...and it was Steven.
"AYAN! AYAN YUNG MGA KUMIDNAP SAKIN OH! H-HINDI KO NGA ALAM KUNG ANO BANG ITSURA NG B0SS NA SINASABI NILA EH...B-BAKA...KULUBOT YUNG MUKHA, MATANDANG KALBO...TAPOS PANG~" hindi ko pa man nagagawang ituloy ng mapang asar na tumawa si Yohan.
"may nakakatawa?" Asik ni Steven ng tumigil siya.
"SIYA YUNG BOSS NAMIN!" turo pa ng isang lalaki ng umawang ang labi ko.
"A-ano??Heto??...siya yung boss nyo..." asik ko pang tanong ng pare parehas silang tumango.
Dahan dahan kong pinilig ang ulo ko para muling titigan ang lalaking nasa tabi ko, he's so cute...sobrang nakakabaliw ang bawat titig nya, nakakatunaw...at nakakadala, pero tekaaa! Kinidnap nila ako...so ibig sabihin, may ibig sabihin yun.
"IKAW! WALANG HIYA KA, BAKIT MO AKO KINIDNAP HA! SINO KABA" tanong ko ng nagpupumiglas ng higitin nito ang bewang ko, namanhid ang katawan ko ng magtama ang mata naming dalawa, naramdaman ko ang dahan dahan na paglapat ng kamay nyang hinaplos ang likuran ko.
"I AM THE MAN WHO OBSESSED WITH YOU KIANNA! NOW...I OFFERING YOU 100 MILLION..."
"O-ONE HUNDRED MILLION?" garagal at gulat pang usal ko.
Tumango tango siya ng bigla nalang nitong nilapit ang mukha nya, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko ng maramdaman ko na ang paghinga nya sa mukha ko...f*ck ang banggooo!!
Pero...what the f*ck.
One hundred million?!."Y-yes...one hundred million kapalit ng...."
"Ng alin?"
"Marry me Kianna Madeira Chavez! One hundred million just to owned you.." sabi nito ng nanlisik ang mata kong itinulak siya, hindi ko alam pero tila biglang napakunot ang noo ko ng nagsalubong ang kilay nya at nakita ang galit sa mga mata nito.
He looks so familiar.