CHAPTER 36

292 6 0
                                    

THE MAFIA BOSS CAR RACER OBSESSION -SEASON 2

CHAPTER 36: his face

KIANNA'S POV

6: 24pm in the evening.

Madilim na mula sa labas, but still, nandito pa rin ako sa loob ng building para tapusin kung ano ang inutos ni Mr.Martinez sa akin, ang tapusin ang presentation para bukas.

Ngawit na ngawit na yung likuran ko at parang gusto ko nalang ibagsak lahat ng mga papel na nasa harapan ko.

Hanggang sa~..malakas na pagtikhim ang ginawa ng lalaking nasa harapan ko, nakasandal ito sa pader at abot langit ang pagngiti nito. Animo'y nang aakit na ewan sa galawan niya na ikinakunot noo ko.

He is Dave Martinez, who owned this company.
Gwapo siya, cute at matangkad...sobrang attractive pero ang sabi ng iba, bolero at manloloko sa lakas ng appeal sa mga babae. Tsk, kaya ba nya ako inaaakit ngayon kase akala niya gusto ko siya!.

"I'm done" malamig na salita ko.

"Ha? T-tapos mo na? Ang bilis naman" saad nito ng mapait lang akong ngumisi.

"Uuwi na po ako sir. Baka hinihintay na ako ng anak ko" sabi ko saka tumayo sa kinauupuan ko.

"Kianna, can i ask you?" saad nito na ikinakunot noo ko.

"Yes?"

"Gwapo ba ako?" Tanong nito dahilan para tila napaawang lang ang labi ko, hindi ko iyon sinagot saka diretsong naglakad palabas sa building na iyon.

Damn it. Mag aalas syete na at alam kong naghihintay na sa akin si Dwight..Paglabas ko...bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan na ikinakagat labi ko sa inis.

"Kapag minamalas ka nga naman" bulong ko sa hangin ng may isang kotse ang huminto sa harapan ko.

"Mahirap ng makahanap ng taxi ngayon, sabay kana sakin. Iuuwi kita!" Saad nito.

"Iuuwi??"

"Ahh?! I mean...ihahatid kita sa bahay mo!" Saad nito.

"No thanks" sabi ko sa pag alok ni Sir Dave.

"Come on. Mukha lang akong manyakis, pero wala akong gagawin sayo promise" saad nito saka pagak na tumawa.

Binuksan nito ang kotse niya kaya sumakay na rin ako dahil lumakas na ang buhos ng ulan, at nagiging madilim na rin ang paligid. Saktong nilabas ko ang cellphone ko sa bag ng makita kong lowbat pala yun.

"So...how's your lovelife with your husband?" Tanong nito habang nagmamaneho siya.

"We're not okay!" Saad ko na ikinasipol nito.

<_____>

//-STEVEN'S POV-//

Its already 7pm in the evening.
Sobrang dilim na sa labas, at huminto na rin ang buhos ng ulan but still. Wala pa rin yung babaeng hinihintay ko.

Damn it! She also did not answering my call.

"Wala pa ba si Kianna?" asik na tanong ko kay Manang.

"Sir wala pa po eh!" Sabi ni Manang na madiin kong ikinabuga ng hangin.

Napahilamos ako sa mukha kong nanlilisik na napatingin lang sa kawalan, hanggang sa.....bumukas ang pintuan at tumambad sa harapan ko ang babaeng nakasuot ng jacket ng lalaki na ikinakunot noo ko.

"Its already seven pm. Anong trabaho ba pinasukan mo at ginagabi ka?" Asik na tono ng boses kong bungad sa kaniya.

"Manang nasaan si Dwight?" Saad nito saka ako tinalikuran na ikinataas ng kilay ko.

THE MAFIA BOSS CAR RACER OBSESSION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon