My Daylight

15 1 0
                                    

This is a work of fiction. Names,
characters, businesses, places, events are fictitious.

Any resemblance to a person living or dead or any actual events are purely coincidental and is not intended to do so.

Any typo or grammatical errors is observed as the story goes on. After the story is done, it is the time I'll edit it, if it should be done.

This is only fictitious story so any scenes and a liitle bit inappropriate words inside the story is for the novel only. This doesn't apply to anyone or anything.

Date Started: 03/05/2024
Finished: 04/04/2024

© Peinstories 2021

********************************

"Lumayas ka! Dalhin mo 'yang pesteng batang 'yan at ayoko ng sakit sa ulo!" Galit na sigaw sakin ni Mama habang naturo sakin at ang mga mata ay nanlilisik.

Umiiyak lang ako dahil wala naman akong ibang magawa kundi umiyak. I'm only five years old. Masyado pa akong bata para makaranas nang ganito kalupit na buhay.

Ibinato nya pa ang maleta ko at ang mga maliliit kong damit sa sahig. Wala akong magawa kundi umiyak lang habang hawak ako sa kamay ni Tita Emma, ang bagong asawa ni Papa.

Divorce na ang parents ko. May bago ng pamilya ang Papa ko, habang ang Mama ko naman ay may boyfriend na. Ako.. nandito sa puder ni Mama, pero ngayon ay itinatapon na. Hindi na nila ako kailangan. Walang may gustong kuhanin ako.

Ayaw nila sakin.

"M-Ma," maliit na boses na tawag ko sa kaniya, pero pinandilatan niya lang ako ng mata at itinulak hanggang sa matumba ako sa labas ng pintuan ng bahay namin. Itinapon niya sa labas ang mga gamit ko at pinagsaraduhan ako ng pinto.

Umiiyak lang ako habang nakatingin sa pintuan, umaasang magbubukas iyon at papapasukin ako ni Mama sa loob ng bahay, pero hindi iyon nangyari.

"Dove, halika na. Hindi ka na papapasukin sa loob ng bahay nyo," masuyong sabi sakin ni Tita Emma. Naramdaman kong hinawakan niya ako sa kamay ay marahan akong itinayo.

Wala na akong pamilya. Ako nalang mag isa.

Hinayaan ko lang siyang tangayin ako sa kung saan. Isinakay niya ako sa kotse niya at pinaupo sa passenger seat. Ang mga gamit ko naman ay inilagay sa likod ng kotse.

Nang pumasok siya sa driver's seat, sinulyapan niya pa muna ako bago paandarin ang sasakyan at magsimula na siyang magmaneho. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, pero wala na akong lakas para isipin pa ang bagay na iyon.

Dahil sa labis na pag iyak, nakatulog na ako sa byahe. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog, pero nang magising ako, nakatigil na ang kotse sa isang malaking gate ng bahay. Pamilyar sakin itong lugar na ito, pero hindi ko alam kung kailan ko ito nakita.

"Tita, ano pong ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kaniya nang makalabas na kami ng kotse at bitbit niya na ang mga gamit ko. Hinawakan niya ako sa kamay bago kami naglakad papasok. Bukas naman iyon, kaya malaya kaming makakapasok.

Kumatok kami sa labas ng pintuan at agad bumungad sakin ang isang bata kasama ang yaya nya. Inosente lang siyang nakatitig sakin.

"Ay, Ma'am, nandito na po pala kayo," ani ng yaya ng bata. Malawak nyang binuksan ang pinto, kaya naman pumasok na kami sa loob.

Pagpasok sa loob, inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng bahay. Malawak ang bahay kagaya ng bahay namin. At mala-mansion ang laki at ganda nito.

Dito ba ako iiwanan ni Tita Emma?

"Good morning, Emma. Siya na ba si Dove?" Bumungad sakin ang magandang babae na galing sa kusina. Mukhang kaedad nya lang si Mama, pero mukhang istrikto.

Hindi ko maiwasang matakot lalo na kapag hindi siya nakangiti.

Nakahawak ako sa kamay ni Tita Emma habang nakatitig sa magandang babaeng nasa harap na namin. Kakababa nya lang ng hagdan at agad lumapit sa amin. Ni hindi manlang pinagkaabalahang batiin ang anak.

"Yes," sagot ni Tita Emma sa babae. Yumuko pa siya at may sinabi sakin. "Dove, this is your Tita Skye," pagpapakilala ni Tita sakin sa babae. Bumitaw naman ako sa pagkakahawak nya sa kamay ko at nagbless sa babae. Nakangiti nya namang inilahad ang kamay niya sakin at nagmano ako sa kaniya.

"Magalang na bata," komento niya nang humakbang na ako paatras pagkatapos magmano sa kaniya.

Maya maya, lumuhod si Tita Emma sa harap ko para pantayan ako. Hinawi niya ang buhok ko at isinabit sa likot ng tenga ko. Hinawakan niya ang kamay ko at marahang ngumiti.

"Dove, anak, dito ka na muna, ah? Pasensya ka na kung iiwan kita rito. Wala na kasi akong alam na pwedeng pagdalhan sayo. Don't worry, your Tita Skye and your mother are bestfriends. Don't be scared, okay? Dadalawin nalang kita rito. Ayos ba iyon?"

Sinulyapan ko si Tita Skye na nasa harap namin at pinapanood kaming mag usap ni Tita Emma. Nangilid ang luha sa mga mata ko nang kuhanin na ako ni Tita Skye at hawakan ako sa kamay.

Tipid na ngumiti si Tita Emma sa babaeng katabi ko ngayon at tumayo na.

"Be a good girl, okay?" Bilin nya pa sakin bago siya magpaalam kay Tita Skye na aalis na siya. Nakasunod lang ako hanggang sa maglakad na siya palabas.

"Dove, dito ka muna, ah. May kailangan lang akong puntahan," malambing na aji ni Tita Skye. "CJ! Ikaw muna ang bahala sa kaniya! 'Wag mo siyang aawayin kundi patay ka sakin!"

Nang tuluyang umalis si Tita Skye, napaupo nalang ako sa couch rito sa sala at malungkot na tinignan ang mga kamay ko. Nag angat ako ng tingin nang lumapit sakin ang batang babae na may hawak na ngayon na barbie dolls.

"Hi, I'm CJ. What's your name?" Nakangiting tanong sakin ng batang babae. Hinihimas niya ang buhok ng barbie gamit ang maliit na kamay.

"I'm Dove," maikling pagpapakilala ko dahil lumilipad ang isip ko. Nakangiti niyang inilahad ang barbie sakin, dahilan para mapakunot ang noo ko.

"Come on, let's play! Let's play my barbie collection. Ano bang gusto mong laruin? Kung ayaw mo ng barbie, marami akong laruan! My Dad just bought me lutu-lutuan. Do you want to play with me?" Nakangiting tanong nya sakin. Napabuntong hininga nalang ako at pinagbigyan siya. Tumayo na ako, kaya naman hinawakan nya ang kamay ko. "Don't be sad na. I'm here. We can play all day if you want. My Mom said na akong bahala sayo. We can be playmates. Or better yet, let's be friends. I don't have friends, eh," napapakamot sa ulong aniya. Nakarating kami sa may garden kung saan nandoon ang mga laruan niya.

"You want sa room ko? May aircon yung room ko, so hindi ka maiinitan. Gusto mo ba?" Pangungulit niya.

"N-No, 'wag na. Dito nalang tayo sa garden. May bubong naman tsaka hindi rin mainit yung ihip ng hangin," nahihiyang sagot ko sa kaniya.

"Okay! Tara na! Let's play!" Nakangiting aniya at naglaro na kami.

That's how I met CJ. She comfort me and never leave me alone. Kaya simula nang araw na iyon, hindi na ako nalungkot pa.

That day, nagkaroon ako ng kaibigan.

My DaylightWhere stories live. Discover now