The best feeling is being loved by the person that you love.
Lumipas ang tatlong buwan at dumating na ang fourth monthsary namin. Nakasimangot lang ako dahil hindi siya pumasok ngayon. Wala naman kasing gagawin, kaya naman hindi na muna raw siya papasok ngayon.
Schian Klein Pelagio:
Babawi nalang ako bukas
Sorry na
Napanguso nalang ako dahil sa chat nya. Kaya naman habang busy ako sa pag i-scroll sa news feed ng Facebook ko, napakunot ang noo kong may magpop up na group chat. Nang pindutin ko iyon, si El lang pala iyon, kaibigan ni Schian na taga Dasma.
Kahapon siya nagchat at nagpatulong sakin dahil balak niyang isurprise si Schian. Dahil gusto ko rin namang isurprise si Schian dahil nakwento nya sakin na tatlong taon na silang hindi nagkikita ng mga kaibigan nyang sina El dahil sa distansya nila.
Gusto ko rin naman siyang mapasaya at itong surprise na ito ang naiisip kong gawin. Noong una ay hindi ko pa alam kung paano gagawin, pero mabuti nalang ay nagchat sakin si Roel kahapon.
Roel Bacaycay:
Call tayo dito bukas
Tas share loc para walang maligaw
Nagsend si El ng picture ng maps para sa ruta nila bukas.
Ganyan lang yun @Dove Sanctuary
Patrick:
mukhang gagawa tayo kremen ah
Roel Bacaycay:
Tru
Operation paiyakin si Schian
Record kayo ah
Napailing nalang ako at nakiisa sa kanila. Sinabi ko ang planong naiisip ko kung saan kami magkikita at kung paano gagawin ang plano.
Wala pa akong nabubuo sa isip ko, pero may ideya akong naiisip kung saan maggagalit-galitan para mapilitan siyang lumabas ng village nila at sumunod sakin. Pagkatapos, iba-blind fold ko siya kapag nasa labas na kami habang nakaupo siya sa isang silya roon.
Sana lang ay hindi maliwag sina El dahil ayoko namang mag epic fail ang plano namin.
It's also my first time meeting them face-to-face. Nakausap ko lang kasi sila dati sa Discord noong ipinakilala ako ni Schian sa kanila. Inadd nya pa ako sa gc, dahilan para medyo kabahan ako!
Dahil wala ako sa huwisyo, hindi ko namalayan na uwian na pala. Ni hindi ko na natandaan kung paano umandar ang oras nang hindi siya kasama.
Nasanay na kasi akong lagi siyang kasama. At ngayon na absent siya, naging boring ang araw ko.
Kaya naman pag uwi ko nagplano na ako sa isip ko kung anong dapat kong gawin para bukas. Masyadong espesyal ang araw na iyon para sakin dahil sa wakas, may surprise na akong naihanda para kay Schian. It's my first time to do this, that's why I can't help but to feel nervous!
Sana lang ay hindi mag epic fail itong surprise na 'to. Kung kailangan kong maggalit-galitan para lang mapalabas siya ng village nila, gagawin ko.
Kinabukasan, maaga ako lalong nagising dahil maaga ang alis nila El. Manggagaling pa sila ng Dasma, kaya naman kailangan nilang agahan para masulit na rin ang oras.
Pagbangon ko sa kama ko, dumiretso na kaagad ako sa shower ng comfort room ko para maligo na. Babyahe rin ako papunta kila Schian, kaya naman kailangan ko ng mag ayos para gawin ang plano.
Ako ang kailangang mauna roon dahil hindi pa naman alam nina El kung saan banda bababa, kaya kailangan ko silang hintayin sa kanto. Hindi ko pa alam kung paano ang gagawin ko, kaya naman kailangan ko nalang maghanap ng tyempo para talagang masurprise siya.
YOU ARE READING
My Daylight
RandomAt the age of five years old, I already faced the cruel world with my cruel family. Our family was completely broken, so I don't know if I should call it as a "family". I'm Dove Scrian Sanctuary and this is my story. ©Photo not mine