"Ano, nasaan ka na?" Tanong ni ate Emely sa kabilang linya. Papunta ako sa kanila dahil bakasyon na namin. Mag eenroll na rin ako next moth para sa grade twelve, kaya kailangan kong sulitin ang bakasyon.
"Pasakay palang po ako," sagot ko.
"Sigurado ka bang magbabyahe ka nalang? Baka maligaw ka, ah," paniniguradong tanong ni ate Emely.
"Ayos lang po. Tanda ko pa naman po ang bababaan ko," siguradong sagot ko. Nagliwanag ang mata ko nang makita ang bus na paparating. "Sige po, ate Emely, pasakay na po ako. Mamaya nalang po."
Ibinaba ko na kaagad ang linya at sumakay na sa bus nang tumigil iyon sa harap ko. Pagsakay sa bus, tinanaw ko ang labas ng bintana at nalanghap ang sariwang hangin. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa masarap na hangin.
Dahil malayo layo rin ang byahe ko, naisipan kong ipikit ang mga mata ko at magdasal. Ito ang unang beses na magdadasal ako para sa isang bagay na matagal ko nang gustong makuha.
Alam ko na may tamang panahon para sa lahat ng bagay, pero kailan? Minsan kasi, naiisip kong baka hindi ibinibigay sakin ang deserve kong klase ng pagmamahal dahil hindi ko naman iyon deserve.
Ipinikit ko ang mata ko at pinagsiklop ang dalawang kamay ko.
"Lord, alam kong imposible itong hihilingin ko, pero alam ko rin na walang imposible sa mundo. Sana po kung malapit ko na pong makilala yung para sakin, sana po bigyan nyo po ako ng signs. Alam ko pong sobra sobra po itong ipinagdasaral ko po sa inyo, pero sana po pagbigyan nyo po ako. Sana po hindi niya po ako saktan at sana po mahalin niya ako kaysa sa pagmamahal ko sa kaniya. 'Yon lang po, Amen."
Nang unti unti kong idilat ang mga mata ko, naghintay nalang akong makarating sa pupuntahan ko. Napansin ko rin na para bang iba na ang dinadaanan namin, pero hinayaan ko nalang iyon dahil imposible namang maligaw ako.
Pero ang imposible ay naging posible.
"Para po!" Malakas na sabi ko sa driver. Nagbayad muna ako bago ako bumaba ng bus. Nang makita ang hindi pamilyar na lugar, para akong tatakasan ng dugo sa katawan ko.
Hindi ko na alam kung nasaan ako. Hindi ko alam ang lugar na ito, kaya kinuha ko ang cellphone sa bag ko at tinawagan si ate Emely. Mabuti nalang at malakas ang signal rito sa kung saan ako nakatayo ngayon, kaya naman nagawa kong tawagan si ate Emely.
Nang sagutin ni ate Emely ang voice ko, agad akong nakaramdam ng kaba sa hindi ko malamang dahilan.
"Hello ate Emely," pagsasalita ko.
"Oh? Nasaan ka na?" Rinig kong tanong ni ate Emely. Napakagat ako sa pang ibabang labi ko dahil sa kabang nararamdaman ko.
"N-Naligaw po yata ako," nauutal na sabi ko sa kaniya.
"Ano?! Nasaan ka na?"
Binuksan ko ang video at itinutok roon sa karatula na katabi ko lang. Nakalagay roon kung anong street itong kinatatayuan ko, pero walang specific na lugar.
"Naku! Naligaw ka nga! Susunduin kita ng motor ko. Hintayin mo ako dyan sa may 7/11 sa tapat mo sa kabilang kalsada. Tumawid ka dyan at hintayin mo ako dyan. 'Wag kang aalis hangga't wala ako," bilin ni ate Emely sakin.
"Opo," magalang na sagot ko sa kaniya bago nya ibinaba ang tawag. Napapabuntong hininga akong tunawid ng kabilang kalsada at pumasok sa loob ng 7/11. Naisip ko rin na magdala ng pasalubong para kay ate Emely.
Today is August 13, 2021. Pandemic parin ngayon, pero medyo maluwag na ang protocols.
Nang sunduin ako ni ate Emely, pinagalitan nya ako dahil naligaw ako. Akala niya pa ay may pinupuntahan ako roon aa lugar na iyon kung saan ako naligaw, pero hindi niya alam na ngayon lang ang unang beses kong nakatungtong sa lugar na iyon.
YOU ARE READING
My Daylight
RandomAt the age of five years old, I already faced the cruel world with my cruel family. Our family was completely broken, so I don't know if I should call it as a "family". I'm Dove Scrian Sanctuary and this is my story. ©Photo not mine