As time goes by, mas lumalalim ang pagmamahal namin sa isa't isa. Bawat araw, may nadidiscover kami sa isa't isa.
Ilang buwan ang nakalipas at ngayon na ang araw ng graduation namin. Pinaghalong kaba at saya ang nararamdaman ko habang inaayusan ako. Nagpamake-up lang ako kay ate Emely. Siya ang sasama sakin sa graduation dahil hindi naman alam ni Mama na graduation ko ngayon. Wala rin akong planong sabihin sa kaniya dahil baka ipahiya niya pa ako roon.
Espesyal sakin ang araw na ito, kaya naman wala akong ibang dapat maramdaman kundi saya dahil sa wakas, unti unti nang matutupad ang mga pangarap ko.
Nang makarating ako sa Sm, agad kong nakita sina Tita at Schian. Nagugulat siyang pinasadahan ako ng tingin. Nakawhite dress ako at black heels. May bag ako na kulay white rin at nakasabit sa kanang balikat ko. Nakalight make-up lang ako dahil ayoko naman na para akong sinapak. Medyo makati iyon sa mukha pero matindi ang pagtitiis na 'wag iyong kamutin.
Nang makalakad ako palapit sa kanila, dumiretso ako kay Tita at nagmano. Pinasadahan niya rin ng tingin ang kabuuan ko.
"Mukha kang babae ngayon, ah," nang aasar na ani ni Tita, dahilan para pamulahan ako ng pisngi. Hindi naman kasi ako mahilig magdress dahil mas mahilig akong magsuot ng pantalon.
No choice lang talaga ako ngayon dahil graduation namin. Kailangang magdress ng mga babae, kaya naman simpleng white dress lang ang suot ko. Hindi naman ako rarampa. Aakyat lang ako sa stage kaya naman mas tipo ko ang mga simpleng damit.
"Hindi kita nakilala, ah!" Nang aasar rin na salubong sakin ni Schian. Pabiro ko siyang sinapak sa balikat. Si ate Emely naman ay nagpark lang ng kotse sa likod ng Sm.
"Siraulo," ani ko sa kaniya. Mabuti nalang ay suot ko na ang sablay na ibinigay sa amin one week bago ang graduation namin. Talagang todo ang paghahanda namin para sa espesyal na araw na ito.
"Ganda mo," sinserong aniya habang titig na titig sakin. Pinamulahan naman ako ng pisngi dahil sa pambobola niya.
Habang naghihintay na magbukas na ang Sm, pumila na kami. Nakipagbatian ako sa mga kaklase kong babae at nagkwentuhan muna kami habang naghihintay.
Kahit papaano ay nababawasan ang kabang nararamdaman ko, pero mamaya, alam kong kakabahan na naman ako. Sana lang ay hindi ako malutang mamaya. Ganoon kasi ako kapag kinakabahan. Nawawala ako sa focus, kaya naman magsisimula na akong magdasal ngayon para hindi ako masyadong kabahan mamaya.
Ilang minuto pa ang lumipas hanggang sa tuluyang nagbukas ang pinto ng Sm at nagsimula na kaming maglakad papasok. Nag asaran lang kami ng nasa harapan at nasa likod ko hanggang sa makapasok na kami sa loob at agad na yumakap sa amin ang malamig na aircon.
Iniikot ko ang paningin ko na para bang first time kong makapasok sa loob ng Mall kahit na madalas naman kaming tumambay rito bago kami dumiretso sa campus. Hindi ko maiwasang maalala ang una naming pagpunta rito simula nang magbukas ng Sm.
I didn't know that it was our first date! Ni hindi ako nainform na date na pala ang ganoon. Kahit pala kasama namin ang mga kaklase namin noong araw na iyon, date pala iyon para sa kaniya.
Our first dinner in Mcdo, our arcade date, the day that he introduced me to his parents, the day I said yes, the way that he reassure me that everything will be fine and that I'm the only one that he loves, wanted and needed.
The way that he chose me even though I had multiple traumas and fears. I have too many unwanted flaws. Many people left me, but he still chose to love me after all that he learned about me.
And now, were both singing our graduation song, I couldn't help but to feel so grateful because after all, I still have him... someone who will always choose me.
YOU ARE READING
My Daylight
RandomAt the age of five years old, I already faced the cruel world with my cruel family. Our family was completely broken, so I don't know if I should call it as a "family". I'm Dove Scrian Sanctuary and this is my story. ©Photo not mine